"What a f*ck!" Mura at kuyom ang kamao ni Janellah Pearl dahil sa pagsabog. Hindi napigilang mura ni JP nang nakitang wasak na ang guard house sa tabi ng main gate dahil sa pagsabog. At kung sino man ang may kagagawan sa trahedyang iyon sa mismong bahay nila ay magbabayad! Kahit saan man magtago ang hayop pa sa kay satanas na gumawa sa pagpasabog sa guard house ay aalamin niya at ibalik ng sampong beses ang kahayupan! Nahihirapan man siya dahil sa malakas na impact nang pagsabog ay pinilit pa rin niya ang nakalapit sa wasak na guard house. Mabuti sana kung nawasak lamang ito dahil maaring ipaayos ngunit ang masaklap ay patay na ang night shift guard nila. "What a hell of them! Mang Dado, wake up!" Paulit-ulit niyang panggigising. Ngunit paano pa nga ba gigising ang taong patay na. "Aahh