Maaga pa lamang ay gumayak na ang binatang si Jameston. Dadalaw siya sa mga ninuno nila sa Mt Province. At dahil sasakyan ang gagamitin niya ay aabutin siya ng ilang oras. "Mag-ingat ka sa pagmamaneho, kambal. Alalahanin mong nandito ka sa Pilipinas." Bilin ni Precious Jennifer sa kambal. Maaga naman kasi siyang gumigising kaya't naabutan pa niya ito. "Don't worry, my dearest twin sister. Dahil kung inaakala mong naging kaskasero na rin ako ay hindi. Ngayon pa bang nahanap ko na ang magiging hipag mo? Well, just go back and continue sleeping. Maaga pa," tugon ng binata. "Hindi na, kambal. Aayusin ko na lamang ang mga school papers ko.And make sure na magkakaroon na ako ng hipag sa iyo. Extend my warmest wishes to them. Sayang nga kasi may pasok ako kaya't hindi ako makasama. Sabi mo nga