"Saan ka kamo pupunta, anak?" maang na tanong ni Sharp Mouth sa anak nang nagpaalam ito.
"Si mommy naman. What's wrong with that? I'm adult already but it looks like I'm a toddler the way you talk," nakangiwing sagot ni Jameston sa inang nakapamaywang na nga ay nakatampal pa ang palad sa noo.
"Oh, I forgot that your adult already. Okay, go wherever you want but don't you dare to attempt to kill yourself again when you're in trouble or else's I'll be the one to kill you!" Sharp Mouth smirked.
Napangiti naman si Jameston dahil sa sinabi ng ina. Yes, they have a Sharp Mouth mother but they all know that that's the way she show her love to them. He got closer to her and hugged her so tight. Ang Mommy Sharp Mouth niya ay naiirita na naman sa kaniya. Well, kaunting lambing lang ang katapat. Lalo sa kanilang magkakapatid ay wala na yatang napermi sa bahay nila. Oh, it's understatement ang bahay! Dahil sa katunayan ay mansion iyon na regalo ng Grandpa Oliver SR nila sa asawa o ang abuela nila. Ang nag-iisang mansion sa buong Santiago City.
"Si Mommy talaga oo. Huwag ka na pong magtampo at magalit. Hindi na po ako bata pero ganoon pa man gusto pa rin po kitang pasalamatan dahil kahit adults na kami ay nandiyan pa rin po kayo ni Daddy na laging nakasupurta sa aming lahat. Huwag ka pong kayong mag-alala, Mommy, dahik nandoon naman po si Sharp Mouth the second doon po ako dederetso sa kanya. I love you, Mommy." Malambing niya itong niyakap.
"Hmmp! Nambola pa! Of course, hindi namin kayo pababayaan habang may hininga kami ng both grandparents ninyo dahil kayo ang dahilan upang ipagpatuloy ang nabuhay. Mag-ingat kayo lagi roon ha. At bisitahin ninyo sina Itay at Inay sa Bontoc. I'm sure matutuwa ang mga iyon kapag malaman nilang nandito ka sa bansa," nakaingos na sagot ng Ginang.
"Yes I will, Mommy. Don't worry po. So, paano po, mauna na po ako habang maaga pa," tugon niya at akmang lalakad na pero napakamot sa ulo at parang nasa battle field na nag-about face.
"Oh, my grandson, ang aga naman yata ng lakad mo? Where are you going?" tanong ni Grandpa Oliver sa apo.
"Mamasyal sana, Grandpa. Pero..." hindi mapakaling tugon ng binata saka mabilis na lumapit sa abuelo. As usual, maglalambing siya rito.
"Pero ano, Iho? C'mon tell me at gagawan natin ng paraan," masayang tugon ni Grandpa Oliver.
Masaya siya bilang abuelo ng binatang nasa harapan niya. Dahil ilang araw na ito sa bansa at kitang-kita na nila ang improvement nito. Hindi na ito kakikitaan ng lungkot kagaya nang laging ibinabalita ng panganay niyang anak noong nasa Harvard pa ito. Iyon naman ang gusto nila, ang tuluyan nitong mapalaya ang sarili sa heartache dahil sa pagkamatay ng nobya nito.
"Kinakausap ka ng Lolo mo, anak. Maari bang sumagot ka naman diyan o baka naman nalunok mo na ang dila mo?" ani Sharp Mouth dahil mukhang nag-iisip pa ang binata niya kung ano at paano sasabihin ang paglalambing sa butihin niyang biyanan. Subalit kalooban niya ay may hints na siya kung ano ang sasabihin nito sa abuelo.
"Grandpa, can I use your car please?" malambing na tanong ng binata sa abuelo.
Tuloy!
Ang Sharp Mouth ay hindi napigilang napahalakhak. Hindi nga siya nagkamali ng sapantaha.
"Sabi ko na nga ba at iyan ang sabihin mo anak. Ikaw ba naman ang tibay mong mamasyal na walang driver na kasama at ang car mo ay nasa US." Nakatawa niya tuloy na pangangantiyaw. Aba'y maaga ngang naghanda ngunit wala namang sasakyan!
"Si Mommy naman po eh." Napapakamot sa ulo ang binata dahil nadali siya ng kaniyang ina. Kaya naman pala pangiti-ngiting nakamasid sa kanila ng abuelo niya. Dahil alam na nitong wala siyang magagamit na sasakyan.
"Of course, Iho, you can take it. Pero ang aga mo naman yatang mamasyal?" nakatawa na ring sagot ng may edad ng si Grandpa Oliver.
"Sa Baguio po ako pupunta, Grandpa. Matagal na rin po akong nagpahinga kaya I can manage na po," sagot ng binatang nangungulay kamatis ang mukha dahil sa pangangantiyaw ng ina at abuelo.
"Go to your, Grandma sa room namin at kunin mo ang susi sa unang drawer sa side table near the window." Pagtataboy na rin ni Grandpa Oliver sa apo na namumula dahil sa pangangantiyaw nilang dalawa ng manugang.
"Okay, Grandpa and thank you so much." Kay lapad nang ngiting nakabalatay sa mukha ng binata kasabay nang pagtakbo palapit sa hagdan at may pagmamadaling umakyat sa ikalawang palapag ng mansion nila. Naroon naman kasi ang silid ng mga ninuno nila.
Nang nawala na ang binata sa paningin nila ay saka pa binalingan ng Ginoo ang manugang.
"Any idea what's on his vacation in Baguio, Iha?" tanong ni grandpa Oliver kay Sharp Mouth.
"Wala po, Daddy. Baka gusto lang niya lumanghap ng ibang atmosphere. Pero okay po iyon upang makarecover na siya ng tuluyan," sagot ni Lhynn.
Subalit dahil kumbinsado ang Ginoo ay muli siyang nagsalita. May edad na siya at marami nang pinagdaanan along with his friends when they are still alive. Ang mag-asawang Allen Johnson at Shane Ashley lang naman ang nawala ngunit kulang na kulang sila dahil buong buhay nila simula nang nabuo ang grupo nila ay hindi na sila nabuwag. Kaya't sa kilos pa lamang ng apo niya ay alam niyang hindi lang basta bakasyon ang pakay nito sa Baguio.
"But I thought may rason iyan, Iha. Baka naman gusto niyang makita ang Lampa kung tawagin siya? And wait sabi ninyo nasa kaniya ang AGDA ID ng apo ni Pareng Bryan?" aniyang muli.
"Wala naman pong masama, Daddy. At isa pa po ay napansin ko iyan sa airport ngunit baka tiklop lang siya sa dalaga nila Grace lalo at isa din pala itong alagad ng batas," nakangiting sagot ni Sharp Mouth sa pagkakarinig sa pangalan ng dalagang nakabanggaan nila sa airport.
"Yes, Iha. Ang panganay nila ay negosyante, si CJ ay isang surgeon, si Janellah Pearl or popularly known as JP ay siya ang tagapamahala sa AGDA ng mga magulang. Kaya't hindi na nakapagtataka kung nagawa niya ang bagay na iyon sa airport. She's one of a kind person. And like Jameston, she have been through alot because of heartaches. But I know she is fully-recovered already. The way you tells us about what she did in the airport," pahayag ni Grandpa Oliver.
Pero bago pa may makapagsalitang muli ang isa sa kanila ay nakababa na ang binata at may dalang bag pack na nakasabit sa likod. Tuloy ay muling nangantiyaw si Sharp Mouth!
"Oh, anak. Akala ko ba ay susi ang binalikan mo. Bakit may dala-dala ka nang bag?" nakatawang tanong ni Sharp Mouth. Paanong hindi siya mapapatawa ay ay pinag-uusapan pa lamang nila ng biyanan niya ngunit nagkatotoo na yata.
"Eh, tama ka po, Mommy. Ngunit hindi naman po ako residenti sa Baguio para ay gamit doon. Saka po balak ko pong mag-stay ng ilang araw kina Lola sa Bontoc. Kaya't nagdala ako ng ilang pares ng damit ko." Kakamot-kamot sa ulo na ang binatang humarap sa ina at abuelo. Nadali na naman siya ng Sharp Mouth niyang ina!
"Regards mo na kami sa Tita Lorie at Tito Darwin n'yo, Iho. And also to your Grandma and Grandpa over there. Alam kong matutuwa ang mga iyon na mag-stay ka sa kanila. Here take may card and buy some gift for them." Tuwang-tuwa namang sumang-ayon ang may edad ng si Grandpa Oliver saka iniabot ang ATM card.
"Huwag na po, Grandpa. Ang card ko na lang po gagamitin ko. Nakakahiya po sa iyo. Dahil car mo na nga po gagamitin ko. Salamat na lang po." Magalang na tanggi ng binata. Kaso ang super bait niyang abuelo ay hindi pumayag.
"Huwag ka ng mahiya, Iho. Saan ko naman gagamitin iyan dito? We have everything already at isa pa matanda na kami ng Grandma ninyo. You and your siblings will needs that so take it iho. I'm just happy that your with us again as you are. Take it and take care of yourself while you are in travel." Ginanap ng matanda ang palad ng apo saka ipinahawak ang ATM card.
"Thank you for every thing, Grandpa and don't worry I will take of myself. I'll continue your legacy as I'm following your footsteps." Kaya naman ay malambing na yumakap ang binata sa abuelo saka ito tiningala.
"Mag-ingat sa daan, anak." Bilin naman ni Sharp Mouth upang pagaanin ang atmosphere nila. Sa pagdaan naman kasi ng taon ay mas nagiging emosyonal ang biyanan niyang lalaki.
Hindi na sumagot ang binata bagkos ay ngumiti na lamang ito sa kanilang dalawa ng biyanan saka tuluyang lumabas ng tahanan nila.
Sa kabilang banda sa tahanan ng mga Mckevin.
"Oh, JP, what's on that early poker face of yours?" Panunukso ni Adrian sa kapatid dahil hindi maipinta ang mukha nito.
"Tantanan mo ako, Kuya, wala ako sa hulog." Nakasimangot pa rin ng dalaga habang may hinahanap sa bag at sa wallet. Pati ang maleta niyang dumating ay hindi nakaligtas.
Kaso ang Kuya niyang nasa mood yatang manukso ay nakaisip ng kalokohan. Tahimik itong lumapit sa kinaroroonan niyang naghahalungkat sa maleta niya. Tuloy ay napataas ang boses niya! Aba'y padagdag talaga ang Kuya niya sa oraa na iyon eh!
"What's the matter with you Adrian Joseph Mckevin?!" mataas ang boses na saad ni JP sa kapatid.
Kaya't mapasugod ang mag-asawang Grace at MJ pero napahalakhak lang ang mga ito sa nadatnang eksina.
Hindi man ito black belter like his sister pero lalaki pa rin siya at mas malakas siya kaysa dito. Sino ang hindi naaasar sa ginagawa niya? Ibinuhos lang naman niya ang lahat ng nasa loob ng maleta.
"Kanina ka pa aburido riyan, Sis. Animo'y may hinahanap ka. Kaya ayan malaya mo nang makita kung ano man iyon." Nakatawang umilag ang binata dahil kitang-kita ang pagsalubong ng kilay ng kapat niyang Kaskasera the second.
Halos maningkit naman ang mata ng dalaga dahil dito at bago niya mapigilan ang sarili ay lumipad na ang kanyang kamao sa kapatid pero ang luko-luko ay nakailag. Pero dahil sa inis ng dalaga dagdag pa ng pagkalat ng kapatid sa gamit niya ay mas umusok bunbunan kaya't ang paa naman niya ang pinalipad pero ganoon din, mabilis itong nakailag at pumagitna sa mga magulang na namimilipit sa pagtawa.
"What's going on with you two?" tanong ni MJ sa dalawa pero nasa mukha pa rin ang pagtawa. Natutuwa naman kasi siyang bumalik ang tigasin niyang anak. Ang tagapagmana ng asawa niyang Kaskasera. Kaso hindi siya nito pinansin dahil ang Kuya AJ nitong nasa pagitan nilang mag-asawa ang hinarap
"Ikaw, Kuya, kapag sinabi kong huwag ako ang subukan mo huwag mo nang gawin. Wala ka naman pa lang binatbat eh. Naiinis na nga ang tao ginagatungan mo pa." Nakaingos pa rin ang dalaga habang nakatitig sa kapatid na animo'y gustong paliparin kaso nasa pagitan ito ng mga magulang.
"Ang sabi ni Papa, what's going on daw hindi niya sinabing sermunan mo ako." Kantiyaw pa nito.
"Aba'h, aba'h, talagang sinusubukan mo ako ah. Bahag naman ang buntot mo eh umalis ka riyan sa pagitan nina Daddy at mommy. Ako ang sinimulan mo eh," labas sa ilong na wika ni JP.
Kaya naman ay pumagitna na ang KASKASERA THE ORIGINAL.
"Enough guys." Pagitna ni Kaskasera sa dalawa lalo at alam nilang umuusok ang bunbunan ng dalaga.
Humarap ito sa panganay nila at ito ang kinausap.
"Ikaw ang Kuya, anak. Pero imbes na tanungin mo ang dahilan ng kapatid mo kung bakit siya naiinis o kaya ay kausapin mo siya ng maayos pero ano itong nadatnan namin. Kung hindi pa kami napasugod ng Daddy ninyo ay bugbog sarado ka na sa kapatid mo," aniya.
"Ilang beses na po akong nagtanong, Mommy. Kaso hindi siya sumasagot bagkos panay pa rin ang pagkakalkal sa bag niya. Mabuti sana kung hindi panay ang bulong," para namang batang sukol sa kasalanang nagawa si Adrian Joseph kaya't agad na nagpaliwanag.
"Iyon naman pala eh. Baka naman busy sa pag-aayos sa gamit niya kaya't hindi ka niya agad nasagot," muli ay sabi ni Grace.
"Paluin mo iyan, Mommy. Hinahanap ko ang ID ko sa AGDA pero bigla na lamang sumulpot dito sa room ko at ibinuhos ang laman ng maleta ko." Panunumbong ni JP. Ah! Kung saan ba naman kasi niya iyon nailagay.
"Kaya nga ibinuhos ko ang laman ng maleta mo upang mas madali mong makita kung saan nasiksik ang hinahanap mo," nakangiting saad ni Adrian kaya't muling umusok ang ilong ni JP.
"Oops! Namumuro na ang kamao mo, Sis. Baka naman walang magkakagusto sa akin kapag basag ang guwapo kong mukha." Pang-iinis pa niya. Lalo at namumula na naman ang mukha ng kapatid.
"Iyon bang ID mo ang problema anak? Aba'h naman, Miss Janellah Pearl Cameron Mckevin you are the Boss on our agency. But you're putting yourself in trouble. For Pete's sake, Iha. You can go inside the building without that." Natampal ni MJ ang noo dahil hindi makapaniwalang dahil hindi makapaniwala sa paliwanag ng anak.
"Dad, ikaw na rin po ang nagsabi na ako ang may-ari ng AGDA, so how can be my men over that agency will obey the rules and regulation if me as their Boss is violating the rules? Dapat ako bilang may-ari ng AGDA ang modelo nila. Sige nga, Dad, kung may susunod sa ipinag-uutos mo kung ikaw mismo at hindi mo ginagawa o sinusunod," pahayag ng dalaga.
"Nandoon na tayo, Iha. But you or they can excuse you for that matter lalo at halos isang taon kang nawala rito. They can think that you're just visiting them that's why you'll be there not because you're the Boss," segunda na rin ni Grace.
"Kitam, Sis? Maski sina Mommy at Daddy ay ganoon ang sabi sa iyo. Naku, kapag nagkataon na walang magkakagusto sa akin kasalanan mo. Wala pa naman sa lahi natin ang matandang binata sayang ang lahi natin kapag hindi maparami." Pagsingit ni Adrian kaso kurot lang ang napala sa ina.
"Adrian Joseph Mckevin, may pasok ka. Bakit ikaw na Boss ang nagpapasimuno ng pagiging late?" Baling ni Grace sa binata. Aba'y nasa mood talagang asarin ang kapatid.
"Opo, Mama. Palasok na po sana ako kanina kaso narinig ko kasing parang bubuyog na bulong nang bulong si JP. Kaya dinaanan ko pero ayan muntik pa akong lumipad sa ere," sagot ng binata at umatras na para pumasok sa kanilang kumpanya.
"Aalis na nga mang-aasar pa!" bulong ni JP kung matatawag ngang bulong ito dahil dinig na dinig ito ng mga magulang.
Kaya naman ay inakbayan ito ng mag-asawang Grace at MJ ang dalaga at inakay paupo sa higaan nito.
"Anak, masaya kaming lahat dahil muli kang nagbalik dito sa atin. Pero baka naman puwedi mong bawas-bawasan ang pagiging matapang mo anak. Abah pati Kuya mo ay hindi mo pinatawad ah," ani Grace.
"Sorry po, Mommy. Pero alam n'yo naman pong sa AGDA ko ibinuhos ang atensiyon ko simula nagtapos ako ng pag-aaral. Kaya't kahit ako ang Boss ay ayoko ko pa ring ako ang unang lalabag sa mga alituntunin nito. Kaya lang naman po ako nagalit kay Kuya dahil look what he heavy done to my things." Itinuro ng dalaga ang mga gamit na nagkakalat.
"Paglalambing lang iyon ng Kuya mo sa iyo, anak. Kaya't huwag ka nang magalit sa kaniya. Alam mo namang mahal kayo ng Kuya mo kaya't unawain mo na lang kung bakit nagawa niya iyon sa iyo," pahayag din ni MJ.
Para namang napahiya ang dalaga dahil dito. Nanaig na naman ang init ng ulo niya. Tama naman kasi ang mga magulang niya pero ano pa nga ba ang magagawa niya eh nangyari na eh. Kakausapin na lamang iya ito pag-uwi nito.
"Okay na ba, anak? Natahimik ka na kasi eh." Tinapik ni MJ ang dalaga dahil nanahimik ito.
"You can inform them in AGDA na dadalaw ka lang muna at sabihin mo na ring nawala ang ID mo para maabisuhan nila ang guard. Don't worry anak. You can tell them about your problem with your ID and I'm sure na mauunawaan ka nila," segunda naman ni Grace.
"Pasensiya na po kayo, Mommy, Daddy. Hayaan n'yo po kakausapin ko na lang po si Kuya mamayang hapon pagdating niya." Pinaglipat-lipat ni JP ang paningin sa mga magulang.
"Glad to hear that as your answer, Iha. So maiwan ka na namin ng Daddy mo para makapag-ayos ka na rin," tugon ni Grace.
"Take your time, anak. Don't rush yourself on it. One step at a time anak," saad naman ni MJ.
"Thank you po, Mommy, Daddy. Don't worry, I'm alright now. Peksman mamatay man ang lahat ng mga epal." Nakakataas pa ang dalawang palad na ng dalaga kaso huli na upang bawiin ang nasabi kaya't napahalakhak silang tatlo.
Ilang sandali pa ay iniwan na ng mag-asawa ang dalaga para makapag-ayos ito.
Samantala...
Makaraan ng ilang oras na nasa biyahe, sa wakas ay nakarating na rin ang binatang si Jameston sa siyudad ng Baguio.
"Kung uuwi pa ako ng Bontoc ngayon ay baka gabihin na ako nito. Mapagalitan pa ako nina Lolo at Lola. Kay Precious na lang muna ako tutuloy at bukas na lang ako pupunta roon. Maganda rin iyon upang makapamili ako ng pasalubong sa kanila," bulong ni Jameston ng nakita ang oras.
Sa pagdampot niya sa cellphone niya sa dash board ng sasakyan para tawagan sana ang kapatid upang ipaalam dito na nasa siyudad siya ay aksidenting namataan niya ang grupo ng kalalakihan na parang may hindi pinagkakaunawaan. Tawag ng tungkulin, agad niyang itinabi ang sasakyan at nagmadaling lumapit sa mga ito lalo ng makita ang kumikinang na kutsilyo na binunot ng isa sa mga ito.