CHAPTER NINE - LAMPANG LALAKI INSTANTLY BECAME AN ACTOR

2029 Words
"Ayusin ninyo ang trabaho ninyo! Sayang ang ibinabayad sa atin ng kompanya kapag sumablay pa tayo!" sigaw ng director. Dahil naiinis na sa paulit-ulit na senaryo sa shooting nila. "Okay, take two! One! Two! Three! Camera on, action!" muli niyang sigaw. Lumapit ang mga lalaking hindi mapagkakatiwalaan sa isang lalaking walang kamalay-malay na disgrasya na ang naghihintay. "Ano ang kailangan ninyo?" tanong nito. "Sumama ka lang sa amin ng maayos at walang problema!" mariing sagot ng may mahabang bigote. "No! Hindi ako sasama sa inyo! Ano ba bitawan ninyo ako!" tugon ng biktima nang hablutin ito ng may balbas din parang goons member. "Ang sabi ni Boss kapag pumalag siya ay patayin na!" saad ng isa with a devilishly laugh. In just a blinked of eye, binunot ng lalaki sa likod niya ang kumikislap na balisong at akmang itatarak na sa kaawa-awang biktima pero bago man niya iyon nagawa ay lumipad na ito sa ere. "Let him go you, fool!" dumadagundong ang boses nang bigla na lamang sumulpot. At bago pa sila makahuma ay lumipad na sa ere ang balisong na gawing pansaksak sa biktima. But! "Enough! Who are you to interrupt our movie in action? Will you stop that!" Galit at pagpipigil ng director sa lalaking basta na lamang sumulpot at pinalipad na walang pakpak ang mga tauhan. Hindi lamang iyon, sanay na sanay pa ito sa bugbugan. Dahil halos hindi na makagalaw ang mga tauhan dahil sa bilis ng intruder na gumambala sa shooting nila. "O baka naman ikaw ang mastermind ng kaguluhang ito? Wait and I'll call the police and take you all to the headquarters!" galit na sabi ng binata. And yes! The intruder of the shooting is no other than Jameston Clarke Smith. He intrudes the shooting along his way. "Shooting po ito Mr at hindi totoong p*****n nauunawaan mo ba? It's a shooting gets mo ba! Naku baka ikaw ipadampot ko sa mga pulis sa abalang idinulot mo sa amin eh!" Nakalahad ang palad ng kaawa-awang direktor dahil sa inis. Kung kailan daw maayos ang pag arte ng mga tauhan niya saka naman may gumambala sa kanila. Kung saang lupalop ito ng mundo nagmula na kahit shooting ay inabala. Mukhang walang nalalaman sa shooting. Tapos ito pa ang may ganang magsabi nang ipadampot sila sa mga police. Lintik lamang ang sira-ulong halatang walang kaalam-alam sa mundo! Pero dahil sa pag-aakalang totoong krimen ang nasaksihan ay agad tumawag si Jameston sa kaibigan niyang alagad ng batas. Ayaw na ayaw niya ang lamangan ng mga tao. Ano pa kaya ang p*****n? He tried to killed himself but it doesn't mean that he don't care anymore about his surroundings. "Pre, please come over here," aniya sa kaibigang si Vince Ethan. Kasalukuyan itong Military Captain sa Camp Villamor. "Where, Pare? Why, is there's something wrong with you?" tugon nito sa kabilang linya na halatang nag-aalala na rin. "Dito sa *blah blah* and come now with your men okay." Palakad-lakad si JC habang kausap ang kaibigan. Agad namang rumisponde ang kaibigan niya. Ngunit nais niya itong isunod na bugbugin dahil pagdating na pagdating sa kinaroroonan nila kasama ang nagsabing shooting daw ay napahalakhak pa ito. Di yata't pati ang kaibigan niya ay mukhang sinapian na ng masamang espirito! Tuloy ay lumabas ang tatak Smith! Napataas kilay niya habang kaharap ang militar niyang kaibigan. "What's so funny, Captain Vince Ethan Castañeda Aguillar?" tanong niya sa kaibigan at binanggit ng buong-buo ang pangalan nito. Talagang sasapakin niya ito! Lalo at mukhang mas natatawa pa sa pagbanggit niya sa pangalan nito. "You, Mr Smith. Shooting iyan, hindi away. Look at them, may camera man, may director at mga tauhan o ang mga actors and actresses na gaganap sa shooting. Laking state ka nga, Pare. Mukhang hindi mo alam ang shooting," nakatawang pahayag ni VE. Dahil sino ba ang hindi matatawa kung ura-urada silang rumisponde tapos shooting na ginambala ng kaibigan pala ang itinawag. Sabagay, hindi naman kasi niya ito masisisi dahil isa itong magiting na FBI. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa on vacation ito. "Huuh! Ikaw, Aguillar, ha," tanging sambit ni Jameston. Dahil aminin man niya o hindi ay hindi nga niya maunawaan ang sinasabi ng kaibigan. "Derek, pasensiyahan n'yo na lang po si Pareng Jameston. Dahil bagong salta dito sa Baguio. No, it's not totally because his ancestors originally from here. Kaya naman ay nadistorbo pa po kayo sa shooting ninyo. Isa po siyang FBI kung inaakala n'yong masama siyang tao. But actually, kahit siguro sino ay gagawin ang ginawa lalo na kapag totoong p*****n. Don't worry, kami na lang po magbabayad sa lost and damages na naidulot ng kaibigan ko." Hinarap ni Vince Ethan ang director at humingi paumanhin. "No, never mind just leave us alone here so that we can continue our shooting," the director answered. Halatang masaya ang loob dahil sa nangyari. Well, hindi rin niya ito masisisi. Then... "I'm sorry, Sir. I really thought that it's real fight. Specially when I saw the knife. My friend is telling you the truth. So I did it because of my loyalty to serve my countrymen." Nagkasala siya kaya't buluntaryo ding humingi ng paumanhin si Jameston. Kaso! Imbes na sagutin siya nito ay ang kaibigan niyang tatawa-tawa pa rin. Suntukin niya ito! "Mukhang kano nga ang kaibigan mong iyan, Captain Aguillar. Kung nagkataon lang na hindi kita kilala ay talagang ipapakulong ko iyan at pagmumultahin pa. Kung kailan naging tama ang kilos at aksiyon ng mga iyan eh saka naman nagkaaberya," anitong nakapamaywang. Nagkatinginan naman ang ilan sa mga sumama kay VE at nagsitanguan bago tumingin sa kaibigan ng Boss nila. "Hey, what's on that kind of look, guys?" Jameston asked that full of curiosity. "Pre, makuha ka sa tingin," nakatawang tugon ni VE. "Oh, don't tell me---" "Yes, Pare. Iyan ang sagot sa problema ni derek." Nakatawa pa ring pagsang-ayon ni VE. Well, kung sa p*****n ay kayang-kaya nila iyan. Mga alagad sila ng batas kaya't alam nila ang pakiramdam ng inaapi at lumalaban sa giyera. Kaya't kahit out of the blue, out of nowhere, instantly, naging artista silang lahat. Sila ang gumanap sa problema ng direktor na nakalbo na yata sa pagkamot sa ulo dahil kumikislap-kislap na ang noo nito. Si Jameston ang gumanap sa biktima, si VE ang Boss ng mga goons at ang mga tauhan nito ay sila ring tauhan niya kuno sa ginawang png-acting. In a short period of time! They became instant actors. Ang naging take three sa mga tauhan ng derektor ay naging first attempts lamang nila. "Pare, I never thought that asides from being a FBI officer, you're very good in acting. Very well done in our first attempt." Nakangiting pangangantiyaw ni Vince Ethan sa kaibigan. Marahil ay akala ng direktor na pinagluluko nila ito dahil kitang-kita nilang mas nanlaki ng mata ng derektor dahil sa narinig. Tama naman siya, may mataas na katungkulan ang kaibigan niya sa FBI. Nasa bakasyon nga lamang kaya't nasa bansa. But! "Oh no! Please let's go, Pare. You know what I mean," natarantang sambit ni Jameston nang maalala ang nagawa nilang pag-acting. Siguradong lalabas iyon sa media dahil sa isa itong pilekula. Ngunit ayaw niyang mangyari iyon dahil sigurado siyang patay na naman siya sa mga magulang lalong-lalo ang mga ninuno at mga kapatid niyang Sharp Mouth! Yari na naman siya nito! "Derek, sige mauna na kami at sana magkaroon kami ng kopya alam mo na po what I mean. It's for remembrance that once upon in nowhere, we became an actors." Magalang na pamamaalam ni VE sa director saka binalingan ang hindi pa rin makaget-over na binata. Alam niyang nag-aalala lamang ito. Baka akalain nilang totoong p*****n ang kinasangkutan. "Don't worry, Pare. We did it in purpose. Para sa nadisturbong shooting nila at kung mapanood man ito ng nakakarami atleast it's legal and we were out of duty already this time. So nothing to worry instead you must be proud on your extra talent you know." Tinapik-tapik niya ito sa balikat upang iparamdam na wala itong dapat ikabahala. "Ang dami mong sinasabi, Pare. Tara na nga. I didn't call yet my sister. I'm sure that her Sharp Mouth is waiting for me already." Nakangiwing napatingin si Jameston sa kaibigan saka sumabay sa paglakad nito pabalik sa kinaparadahan ng sasakyan nila. Saan ka pa! Ang BAKASYON ay naging instant artista! Together with his childhood friend way back in Harvard pero mas ninais na manirahan at magsilbi sa sariling bansa. "You can come and visit me in Camp Villamor anytime you want, Pare. Para naman maiba ang atmosphere mo. Or sa bahay nina Lolo at Lola alamo naman kung saan matatagpuan. Pero sa ngayon ay uuwi na muna tayong lahat. Dahil sabi mo nga ay siguradong hinahanap ka na ng kapatid mo," ani VE sa kaibigan. "Okay, thanks again, Pare." Tumango-tango na lamang din si Jameston kasabay nang kaniyang pagsang-ayon. Makaraan ng ilang sandali ay nagkaniya-kaniya na sila nang lakad. Si VE ay umuwi sa tahanan ng Lola Lampa at Lolo Sablay niya samantalang si Jameston ay nagtungo sa lugar ng kapatid niyang professor sa SLU. Samantala... "Dumating na ba ang mga anak natin, Iyakin?" tanong ni Gracia sa asawa. "Ay grabe si Mommy, Iyakin pa talaga." Nakatawang lumapit si Jamellah sa mga magulang habang kalong-kalong niya ang sanggol. Nakasanayan naman kasi nilang magtipon-tipon tuwing hapon at sabay-sabay din sa hapunan. "Masanay ka na sa Mommy mo, anak. Wala pa kayo sa mundong ibabaw ay Iyakin na ang tawag sa akin." Agad na sinalo ni MJ ang asawa. "Paanong hindi kita tatawaging Iyakin ay talaga namang napakaiyakin mo. Aba'y hindi mo lang maamoy ang amoy ko ay umiiyak ka na yata." Pangangantiyaw na rin ng Kaskasera the original. "Kasi po ay love na love ka ni Daddy, Mommy. Unconditional love po iyan, Mommy. By the way, mano po sa inyong dalawa." Hawak-hawak man ni Zack ang majors Cap ay maayos at magalang siyang lumapit sa mga biyanan saka nagbigay-galang bago bumaling sa asawa niyang karga-karga ang anak nila. Hinagkan niya ito sa labi. Well, sa kasalukuyan ay nasa Baguio pa silang lahat dahil on process ang papeles nila para sa paglipat nila sa Laoag City. "Kaawaan ka ng Diyos, anak. At tama iyan, ang Mommy ninyo ang bukod tanging Grasya ng buhay ko," ani MJ kaso mukhang hindi tinangay ng panahon ang kasutilan ng asawa. "Aysus kayong mag-ama ay huwag kayong magdrama," anito samantalang ang ngiting nakabalatay sa mukha ay umaabot sa taenga. Well, that's how they keep their relationship alive. They are just same as the other family out there in the society. They are not perfect but they are trying their best to live happily and accordingly. Sa kabilang banda, halos paliparin ni Jameston ang sasakyan niya para lamang makarating agad-agad sa bahay ng kapatid niyang professor sa Saint Louis University. "F*ck! Kung kailan naman ako nagmamadali ay saka pa magkaroon ng walang katapusang trapiko! Damn it! Kaya nga ayaw na ayaw kong magtagal dito sa bansa. What a hell!" Puro mura na yata ang lumalabas sa labi niya sa oras na iyon. Sino ba ang hindi mapapamura? Aba'y hinahabol na yata siya ng kamalasan sa araw na iyon. Una, nakadistirbo siya ng shooting at naging instant actor siya. Pangalawa, aba'y halos hindi na umusad ang daloy ng trapiko. At ngayon ay tawag nang tawag ang kambal niya. "Damn it! Kung hindi lang dahil sa babaeng walang kasing sungit na iyon ay hindi ako makikipagsiksikan sa gitna ng trapikong ito! F*ck!" Napamura pa siyang muli sabay hampas sa manibela. Kaso! Natigilan siya dahil sa bigla niyang pagkaalala sa dalagang wala na yatang sweetness sa katawan. Ang babaeng animo'y gusto siyang lamuning buhay dahil hindi siya agad nakalaban sa mga gustong gawan silang mag-anak ng kababalaghan sa mismong harapan ng paliparan. But at the end, he found himself smiling upon remembering her. That woman really caught his attention and left a trace deep down to his heart "Oh, sh*t! What a...f*ck!" He again cursed. Dahil sa pag-iimagine niya sa tigresang Miss Beautiful na pumukaw sa puso niyang nasugatan ay hindi niya namalayang umusad ang daloy ng trapiko. At ang masaklap ay may tarantadong nag-over take sa kaniya! What a bad day indeed to him!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD