"Welcome home, Iho. We miss you." Maemosyonal na salubong ni Lola Angel kay Jameston nang dumating ito kasama ang mga kambal at magulang.
"I miss you too, Lola Angel. You look so beautiful as always Lola." Papuring totoo ng binata.
Napakasuwerte talaga nilang magkakapatid dahil nagkaroon sila ng mga mapagmahal at very supportive na ninuno. Sa magkabilang side sa kanilang mga magulang ay ganoon din sa kanila. Lalong-lalo na sa kaniyang dumaan sa madilim na pasakit sa buhay. Ngunit hindi nagkulang ang mga ninuno at magulang niya, ang mga kamag-anak niya. Lalong-lalo na ang kapatid ng Daddy niya o ang anak ng Grandpa Oliver SR niya. Ito at ang pamilya nito ang umalalay sa kaniya simula't sapol. And here he is, he is with his ever supportive family.
"Of course, Iho, and thank you. Anyway, how are you? Kumusta na ang pakiramdam mo? At please , Iho, don't do that again. I'm so worried about you," tugon ng Ginang sa apo saka nito hinaplos-haplos ang pisngi nito.
"Lola, don't worry he will not do that anymore. Dahil baka matuluyan siyang maging Lampa as Miss Taray said." Nakatawang pagsingit ni Precious.
"Twin sister, don't disturb them. Moment nila iyan kaya zipper your mouth okay?" tuloy ay panunupla ni Carrey. Well, they are just same as the others! They are joking as well.
"My two beautiful granddaughters, nandito rin kayo. Come closer mga Iha and let's have a group hug." Masayang binalingan ni Lola Angel ang mga dalagang apo na halatang naglalambing.
Hindi na nga nag-atubli ang dalawang dalaga lumapit sila sa Lola Angel at Jameston nila. Nagkaroon sila ng group hug, silang apat. Iyon naman ang nadatnang senaryo ni Grandpa Oliver na galing kusina.
"How are you, grandson? Don't try to attempt to kill yourself again okay? You are a FBI officer, and you are born to die in saving your country not to die by killing yourself," anito kasabay nang pagyakap sa apong bagong dating.
Kaso! Ang mga sutil ay muling nakaalalang manukso!
"Lolo, baka naman puweding maupo muna si twin brother at ng muli niyang maalala si Miss Taray." Hagikhik ni Precious.
"Ang hilig mo talagang sumingit, Ma'am Precious Jennifer. Baka naman nakalimutan mong nasa bahay ka at wala sa school o baka naman..."
"Your mouth again, Carrey Angeline." Napasimangot tuloy si Precious dahil sa pambubuking ng kambal niya.
"Nasa tamang edad na kayo girls kaya will act as your age para kayong mga bata." Nakailing na pananaway ni JR sa mga dalagang anak.
Paanong hindi siya papagitna eh nagsimula na naman silang magharutan! Kapag ang Sharp Mouth niyang asawa ang magsimula sa mga ito ay siguradong makukurot sila sa singit! Kaya't mas mabuti na ring siya ang pumapagitna.
"Hayaan mo sila anak. Sila lang naman ang nandito. Si bunso ni hindi mahagilap kaya hayaan mo silang mag-ingay," ani Grandma Angel patukoy sa mga apo.
"See? Si Daddy kasi eh para raw kaming baby. Mabuti pa ang Lola kong Angel kahit magpakababy ako sa kaniya ay okay lang pero si Daddy naku." Pag-iinarte ni Carrey Angeline.
"Hep, hep, kayong dalawa ha ayusin ninyo ang sarili ninyo hindi porket Grandma at Grandpa ninyo ang kausap n'yo ay magkababy na kayo. Naku, kung ako lang masusunod kahit nasa tamang edad na kayo papaluin ko kayo kapag ganyan kayo kapasaway." Hindi na rin nakatiis na wika ni Lhynn. Dahil hindi makasingit ang bagong dating sa kadaldalan ng dalawa.
"Hayaan mo na, Iha. Malay natin dahil sa Sharp Mouth nila ay makahanap din sila ng katapat. But Precious is hiding something." Nakatawang pananukso rin ni Grandpa Oliver.
Aba'h! Kahit may edad na siya, naging abogado nama siya kaya't madali pa rin siyang makahuli ng pangyayari. Well, wala namang masama dahil dalaga ang mga apo niya. Dalahin nga lamang niya na magkatotoo ang panalangin niya. Dahil noon pa man ay plano na nilang magkakaibigan iyon.
"Lolo naman!" nakapout na angal ni Precious.
Ah! Bakit ba napunta sa kaniya ang usapan? Aba'y dapat sa kambal niyang bagong dating. Hindi sa kaniya. Kasalanan ng twin sister niya eh! Nabanggit-banggit nito ang tungkol doon. Makakatikim ito sa kaniya.
"Aminin mo na kasi, Sis. Ako ang kikilatis sa kaniya at para mabalatan ng buhay oras lulukuhin ka niya." Ayan makasingit din sa wakas ang binata.
Well, kahit nasa US siya ay mayroon pa naman siyang nalalaman sa mga kambal niya. Hindi pa rin sila nagbabago. Mga pasaway pa rin sila. Kaya't makiasakay rin siya sa kanilang abuelo sa pangangantiyaw.
"Kambal ko, naku walang mababalatan ng buhay. Dahil wala akong itinatago. Crush lang mayroon ibig sabihin ay paghanga lamang. Kapwa ko professor sa SLU pero secret ang name baka mabulilyaso." Kaylapad ang ngiti ni Precious sa pagkaalala sa kapwa niya professor.
"Si Mr Cal---"
"Jameston! Kung hindi ka lang under recovery kanina pa kita sinapak diyan naku!" Napamulagat si Precious dahil sa sinabi ng kapatid. Di yata't may alam talaga ito. Aba'y nakakainis naman kasi eh. Bakit napunta sa kaniya ang usapan samantalang ang kambal niya ang bagong dating!
"Oy, may alam si Jameston. Ibulong mo sa akin dali." Tumarawang panggagatong ni Carrey.
Kaya naman!
"Magsitigil nga kayong tatlo ang iingay ninyo. Imbes na magpahinga kayo. At ikaw naman, Jameston, magmanu ka muna as Lola Angel at Lolo Oliver mo. At kayong dalawa Carrey and Precious huwag kayong umastang bata. Hagilapin n'yo ang bunso ninyong kapatid ilang buwan na yatang hindi nagagawi rito sa atin. Kahit sa Nueva Ecija ay hindi rin daw." Pagpapatigil ni Lhynn sa tatlong anak na parang nakawala sa hawla at nag-iingay na naman.
Ngunit ang super duper bait na si Grandma Angel ay nagwika. She love her grandchildren equally. Maaring iisa ang naging supling nilang mag-asawa ngunit biniyayaan sila ng apat na apo. Triplets at ang bunsong lagalag dahil sa uri ng trabaho nito.
"No, it's okay, Iha. Hayaan mo silang mag-ingay. At least nandito sila sa bahay at minsanan lang mangyari ang magkakasama silang tatlo," aniya.
"Tama ang Mommy ninyo, Iha. Hayaan n'yo silng mag-ingay kaysa naman napakatahimik ng bahay. Dapat nga magparami na sila ng lahi para naman dumami ang mag-iingay." Nakangiting segunda ni Grandpa Oliver SR.
Kaya't walang nagawa ang mag-asawang Lhynn at JR dahil sa tinuran ng mga magulang ng huli. But as usual, maski ang mga magulang ni Lhynn sa Nueva Ecija ay ganoon din. At mas malala ang mga nakagisnang magulang ni Lhynn o ang mag-asawang Vina at Sendong dahil baby pa rin ang triplets kung ituring.
Naging masaya ang pagkikita at home coming ng binatang si Jameston. Hindi halatang galing ito sa isang kasawian sa buhay. Subalit dahil nanggaling sa napakahabang biyahe ay nauna na siyang nagpaalam upang magpahinga.
"Mauna na po ako sa inyo, Mommy, Daddy, Lola, Lolo at inyong dalawang maiingay. I'll go upstairs and take a rest." Magalang niyang paalam dahil lumalalim na ang gabi.
"Okay, Iho. Go ahead and have a dream of Miss Taray." Pahabol na kantiyaw ni Oliver Sr sa apo.
Hindi na sumagot ang binatang Smith kundi ngumiti lamang siya na parang pinapakiramdaman ang sarili. At dahil tumalikod na siya ay hindi na niya nakita ang makahulugang pagtinginan ng mga ito.
Huwag na raw silang umepal dahil starting of the beginning na raw ni Jameston.
"Lord, kung hindi po kalabisan ang humiling ng simbolo na ito na nga ang simula ng pagbangon ko sa aking kasawian sa pag ibig, bigyan mo po sana ako Ama. Alam ko at ramdam ko po, Ama, malaki ang naitulong nang pag-uwi ko rito sa Pilipinas. At tama po sila na hindi pa katapusan ng mundo kahit nawala si Alicia sa buhay ko. Help me, Lord." Taimtim na panalangin ni Jameston nang nakaupo siya sa kanyang higaan habang nakatanaw sa imahe ni Papa Jesus na nasa tabi ng frame niya noong freshly graduate siya ng kolehiyo sa Harvard University.
Out of the blue ay nakita niya sa kaniyang imagination ang dalagang walang pakundangan kung tawagin siyang Lampa.
"Janellah Pearl Mckevin," out of the blue ay sambit niya.
Kung tinawag siyang lampa at kabaliktaran naman dahil sa pagkasambit niya sa pangalan nito ay agad siyang tumayo at kinuha sa kanyang bag ang naiwan nitong ID.
"Kung gaano kaamo ang mukha mo, Miss beautiful ay ganoon naman kataray ang tulad mo. Pero bagay lang ito sa isang NBI na tulad mo. One of this days we will see each other again. Alam kong ito ang sagot ni BOSSING sa simbolo na hiniling ko kanina. You caught my attention and I know there's something behind it. Malapit lang ang Isabela at Baguio, Miss beautiful," muli ay bulong ng binata at pinakatitigan ang nasa larawan.
Indeed! She is beautiful! But she is Miss Taray!
Sa kabilang banda gustuhin man nilang nagpatuloy sa pagkukuwentuhan at pagkukulitan ngunit lumalalim na rin ang gabi kaya't nagkanya-kanya na rin sila ng landas sa gabing iyon. Ang rason nila ay buo na silang muli at marami na ang pagkakataon na magkaroon sila ng bonding.
Matapos makaligo ang dalagang si Janellah ay kagaya ng nakasanayan niya bago pa siya tumulak patungong Spain ay kinuha niya ang kaniyang gitara at nagtungo sa balkonahe ng kanyang kuwarto.
"Namiss ko ito ah. Kaya pa kaya kitang tipain?" bulong ni Janellah habang nakatitig sa gitara.
Hindi alam ng dalaga kung bakit sa dami ng puwedi niyang tipaing chords sa kanyang gitara ay ang POWER OF LOVE na paborito nilang kantahin ng mga kaibigan niya sa kalsad ang napili niyang tipahin.
"Kumusta na kaya sila? Nasa ampunan na kaya sila? Naaalala pa kaya nila ako?"
"They're are in good hands and they know you well," her inner ego answered.
"I hope so at sana nga nagsisipag-aral na rin silang lahat. Sayang kasi at nagkaganoon ang lahat. Ngunit okay na rin iyon dahil masaya na ako para sa kambal ko at ang mag-ama niya. Tama si bayaw na hindi kami ang nakatadhana kundi sila ng kambal ko. And as they've said they're inlove to each other already. Bukas pupuntahan ko sila sa dati nilang puwesto at sana nasa maayos silang kalagayan," muli ay bulong niya habang tinitipa ang gitara.
Then...
"By the power of love, Ama, alam ko at sigurado na ako sa aking sarili that I'm free from all the heartaches that I've been through. Thank you, Lord, for everything." Nakangiti niyang kinapa-kapa ang sarili sa pagtatapos ng paggitara niya.
Well, that's how life goes on! Someone needs to give up for the better results. And someday, God will send her better half too.
Ang hindi niya alam ay kanina pa siya pinagmamasdan ng kanilang Ama.
"Kumusta ka na, Iha? Wala ka pa ring kupas sa pag-awit ah. At bakit gising ka pa, anak?" tanong ni MJ sa anak.
Sinundan naman kasi niya ito dahil miss din niya ang paglalambing nito sa kanilang mag-asawa. At gusto niyang makasigurado na nakalaya na nga ito sa nagdaang kahapon. Nasa Baguio pa ang manugang niyang si Major Espinoza dahil on process pa ang mga papeles nilang mag-asawa upang madestino sa Laoag City.
"Hindi pa ako inaantok, Daddy. Ikaw nga po eh gising ka pa," balik-tanong ng dalaga sa ama sa pabirong paraan.
"I miss that laugh of yours, iha. Are you sure that you're okay now?" muli ay tanong ni MJ sa dalaga.
"I'm sure of it, Daddy. Sa ngayon naiisip kong puntahan ang mga kaibigan ko sa lansangan. Kumusta na kaya sila, Dad? May pagkain kaya sila? May maayos kaya silang damit? Ang sama-sama ko kasi iniwan ko sila ng walang paalam noon." Napatingin ang dalaga sa kawalan na para bang nandoon ang mga kaibigan niya.
"Salamat naman kung ganoon, anak. Dahil bilang ama ninyo ay ayokong habang-buhay kayong may samaan ng loob," ani MJ.
Kagaya ng nakagawian nila mula pagkabata hanggang sa adults na sila kung gusto nilang maglambing sa mga magulang ay halos maglambitin ang dalaga sa ama. Matapos niyang maitabi sa gilid ang kanyang gitara ay halos maglambitin siya dito.
"Hindi ka pa rin nagbabago anak para pa rin kayong mga bata kung sumpungin. Pero masaya ako at muling nagbabalik ang dating ikaw ang mataray na Janellah ang Kaskasera the second na walang inuurungan. Anyway wala pa bang nakabihag sa puso mo sa Spain?" patanong na sagot ni MJ.
"Sakit sa ulo, daddy. Lalo na kung katulad ng Lampa na iyon." Napangitngit ang dalaga nang naalala ang lalaking Lampa. Ah! Bakit ba bigla na lamang sumulpot sa isipan niya ang lalaking iyon!
"Lalaking Lampa? Who?" tuloy ay tanong ng nagtataka niyang ama.
"Don't know his name, Dad! Kalalaking tao eh lampa naman baka kamag-anak ni Granny Rene." Napasimangot tuloy siya dahil sa pagsingit ng lalaking walang kasing lampa! Aba'y kay sarap-satap ngang dukutin ang mata nito sa paraan nang pagtitig sa kaniya!
"Ahem, Iha, bakit mo naman nasabi na naging lampa ang lalaking tinutukoy mo? Ikaw ha makalampa ka wagas eh Lola n'yo iyon ah. Ikaw nga ang kamag-anak ng Lola Rene ninyo." Hindi malaman ni MJ kung matatawa o ano dahil sa dami ng maari nitong sabihin ay ang tiyahin pa ng asawa ang nabanggit. But seriously, ayon din sa biyanan niyang lalaki ay talagang literally lampa ang pinsan nitong si Surene but popularly known as Rene.
"Ay oo nga pala, Daddy. Patawarin ako ni Lola Pretty as always. Pero Lampa kasi Daddy sa loob at labas ng airport eh hinabol na yata ng kamalasan ang lampang iyon. Dahil sasaktan na nga siya ng mga alipores ni satanas eh hindi man lang magawang depensahan ang sarili. Mabuti para iyong Mama niya dahil nagawa pa nitong nagsalita para sa kaniya. Kaya Lampa ng taong iyon!" Naiinis siya kung bakit sumagi pa sa isip niya ang Lampang Kuwago na iyon. Napaismid tuloy siya dahil sa isipan nito niya.
"Baka iba na iyan anak? Aba'h kilala kita anak hindi mo ugali ang manglait ng kapwa mo pero what happen at makapanglait ka ngayon ay wagas na wagas?" birong-totoo ni MJ.
Oo nga naman madam JP anyare sa iyo?
"Ahhh!!!! Basta, Daddy. Lampa ang kuwagong iyon. Period!" mariing sagot ng dalaga.
"Relax, Iha, hindi ako kalaban. Pero maraming salamat at okay na ang sa pagitan ninyong tatlo. So, paano anak it's your time to take a rest na para makadalaw ka naman sa mga pinsan mo. Good night na anak matulog ka na rin ha. Once again welcome home anak," masayang pahayag ni MJ. Hindi maipagkakailang nandoon ang galak dahil sa nakikitang improvement ng anak.
"Sige po, Daddy, mauna na po kayo. Hindi pa po ako inaantok. Good night din po, Daddy. Sige na po, Daddy baka hinihintay ka na ni Mommy." Panunukso pa ng dalaga sa ama.
Nakailing na lamang ang padre de-pamilya ng Mckevin. Dahil sa lahat ng maaaring manahin ng mga ito sa kanilang mag asawa ay ang kakulitan pa at pagkaalaskador ng kanilang Grandpa B.