CHAPTER FIVE- IT'S ME, JANELLAH PEARL CAMERON MCKEVIN

2461 Words
"Anak---" "Dad, she's bleeding." Natarantang napatingin si Zack sa mga biyanan. "Then what the hell you're doing! It's here due date already but still you're watching her! If something happen to her, I swear to you I'll be the one to kill you!" galit na saad ni Grace sa manugang. Dahil sa pagkataranta ay hindi na naisipang dalhin sa hospital. "Calm down, asawa ko, nakakausap naman natin siya na hindi ka nakasigaw." Pananaway ni MJ sa asawa. Halos isang taon na ito sa kanila dahil sa trabaho ngunit wala pa ring ipinagbago ang asawa niya kung sigawan ito. Ito pa rin ang sinisisi sa pangingibang-bansa ng anak nila. Saksi rin naman siya sa pagpupursige nito upang ipakitang seryoso ito sa anak nila. Samantalang hindi na hinintay ni Zack ang mga biyanan na magtalo. Lumapit siya sa asawang halos mawalan na ng lakas at parang sako lang niya itong binuhat saka may pagmamadaling ibinaba at dinala sa mismong sasakyan niya at pinasibad ito. At hindi nagtagal ay nasa hospital na siya. Alam niyang may karapatang magalit ang mga biyanan niya. Dahil may kasalanan din siya kaya't inunawa na rin niya ang biyanan niyang babae. Yes he admitted, minahal niya ang kambal ng asawa niya pero isa lang din ang nasisigurado niya, since the day na may namagitang aksidente sa sa kanila ng asawa niya ay hindi na siya pinatahimik nito. And as the days goes by up to that moment ay mahal na niya ito mas mahal niya ito kaysa sa dati niyang nobya. After a moment ay nadala at naipasok na ng mga nurse sa labour room si CJ. After sometimes... "Asawa ko, baka naman puweding bawas-bawasan mo ang pananalita mo ng ganyan kay Zack. Alam ko namang may punto ka pero be kind also to him. Nakita mo rin naman ang pagpupursige niyang tanggapin ang lahat." Pangaral ni MJ sa asawa habang siya ay nagmamaneho papuntang pagamutan. "Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi sana lumayo ang anak natin at hindi sana nagkakaganyan si CJ. Oo, alam kong hindi siya sumunod sa yapak natin pero alam kong matatag siyang tao pero dahi---" "Dahil sa pag ibig ay nagkaganyan. Oo, asawa ko, ang pag-ibig ay nakakabulag sa mga lovers. As we did before way back then, Grace. We were blinded by our love. Siguro nga pareho silang umibig sa manugang natin pero hindi mo ba nakikita na mahal din ni Zack si CJ? At hindi rin naman siya nagkukulang dito ah. He is doing his best to us and to his wife. Kaya't please lang Grace be good to him. Kung sila ni JP ang nakatadhana disin sana ay hindi iyan nangyari sa kanilang dalawa. Subalit dahil may ibang plano ang Diyos sa kanilang tatlo kay sina CJ at Zack ang pinagbuklod niya at pinili namang lumayo ni JP. Who knows? Sa kaniyang paglayo ay doon magagamot ang sugatan niyang puso at doon niya matatagpuan o mahahanap ang taong makakasama rin niya sa buhay. Try to be civil with him, asawa ko. Dahil bukod Doon ay wala na tayong paipipintas sa kaniya saka mabait naman siya. Do it for me, asawa ko." Muli ay pakiusap ni MJ sa asawa. Hindi umimik si Grace sa sinabi ng asawa. Dahil alam niyang tama ito. Siguro nga ay napasubra lamang siya at nadala sa galit kaya't ganoon ang nasabi niya. Ilang sandali rin ang pinalipas niya bago siya muling nagsalita. "Hayaan mo kakausapin ko na lamang siya pag-uwi natin after CJ's recovery," sagot na lamang niya sa asawa. "Asahan ko iyan asawa ko and I thanked you for that. Isa pa ayaw mo noon in just a blink of an eye may apo na tayo it means na tumatanda na tayo na ang panganay natin ay wala yatang balak mag-asawa," napangiting wika ni MJ lalo nang naalala ang panganay nilang anak. "Ang panganay na naman natin ang nakita mo ikaw Iyakin ka. Hayaan mo sila as long wala silang inaapakang tao. Bilisan mo lang baka kung ano na ang nangyari sa anak natin." Napairap tuloy si Grace sa asawa. "Ang tanda na natin asawa ko ayan ka na naman sa Iyakin mo. At ikaw na rin ang nagsabi na may sarili nang pag-iisip mga anak natin. Only we need to do is we need to guide them." Napailing na lamang si MJ dahil sa sinabi ng asawa. She's the only person who calls him Iyakin. Since they were teenagers, she is calling him that way already. "Oo na, oo na! Naku! Kapag hindi ka manahimik diyan ay talagang bawiin ko ang sinabi ko!" anitong nakairap sa kaniya. "Asawa ko naman. Dito na tayo sa hospital," aniya na lamang at ipinarada ng maayos ang sasakyan at sabay silang bumaba at nagtungo o pumasok sa nasabing pagamutan. Madrid, Spain "Janellah, do you have a problem?" pukaw ni Vince sa dalagang kanina pa niya napansin na hindi mapakali. "Just drop me in my place Vince if you don't mind," sagot nito. "Okay, JP, no problem. But would you care to tell me what's bothering you," muli ay wika ng binata. "Thank you for the concern, friend. Ngunit okay lang ako. Baka namimiss ko lang sila Mommy at Daddy with my siblings." Pang-aamin ng dalaga. Dahil iyon naman talaga ang dahilan kung bakit hindi siya mapakali. "Okay, Janellah, idaan na lang kita bago ako pupunta sa mall para makapamili ng kunting pasalubong sa Pinas. Yayain sana kita pero you're not in a condition kaya I respect that," sagot ng binata. Gusto pa naman niyang makasama ito sa pamamasyal. Kaso nakakahiya rin namang pilitin niya ito. "Hayaan mo, friend. Ako ang magyayaya sa iyo para mag-unwind kapag okay na ang pakiramdam ko. Subalit sa ngayon ay pasensiya ka na. As I've said, I'm not feeling well." Hinging-paumanhin ni Janellah. "No problem, Janellah. I understand you. And you need to rest also. Ilang buwan ka na rito pero sige ka sa trabahom. And thanks God we made it successfully. Ang assignment natin kaya it's your time to have a break. And in God's will na makauwi ako sa ating bansa ikaw na lang dito. I know kaya mo iyan dahil hindi mo makakayang e handle ang AGDA ninyo kung hindi mo kaya. Pero don't worry, Janellah, I'll be back after one month vacation." Ngumiti ang binata at bahagyang itinigil ang sasakyan saka umayos saka humarap sa dalaga. "Thanks, Vince," sagot ng dalaga. Ilang sandali pa ay muli nilang tinahak ang daan pauwi sa apartment ng dalaga. "Pasok ka muna, friend." Paanyaya ni Janellah pero malugod itong tinanggihan ng binata. "Next time, JP, papaunlakan kita pero this time is sorry muna ha hindi ako makakasama sa iyo sa loob alam mo na. Aside you need to take a rest, I need to go and buy some stuffs." Hinging-paumanhin ng binata. Kahit gusto niya itong makasama ngunit sa hitsura pa lamang nito ay halatang hindi na maganda ang pakiramdam. Kaya't hindi na siya nagpumilit. "Okay, take care friend," tugon ng dalaga. Subalit tanging tango na lamang ang itinugon nito. Kaya't pinanood na lamang niya ang paglayo ng sasakyan nito. Pagkaalis ng binata ay agad pumasok ang dalaga sa kanyang kuwarto at binuksan ang kaniyang laptop at nagconnect sa internet. Pero laking dismaya niya ng wala siyang makitang nakaonline ni isa sa kanila. "What time it is in the Philippines?" she asked to herself and started to count the time distances of Spain and Philippines. "s**t! It's midnight already. Crazy you, JP!" muli ay kastigo nito sa sarili. Kaya't ang ginawa niya ay pinatay ang laptop saka naupo sa sofa. Until.... "Kambal!" out of the blue ay sambit niya. "Ano na kaya ang nangyari sa kanila sa Pilipinas? Kumusta na kaya si kambal? It's almost a year since I left my country. Iniwan ko ang bansang sinilangan pero hindi ko pa nagawang nagparamdam sa kanila. Kumusta na kaya si..." "Natahimik ka, Iha?" sutil ng kaniyang isip. Pinakiramdaman ni Janellah ang kaniyang sarili. kung mayroon pa ba siyang nararamdamang kakaiba sa kaniyang puso. Subalit wala na ang dati niyang nararamdamang sakit sa tuwing naiisip niya ang naiwan niyang pamilya lalo ang nobyo niya na naging asawa ng kambal niya. "Siguro nga ay panahon na upang harapin ko sila. Nararapat lamang na ibigay ko ang kapatawaran upang magkaroon ng good closure sa kanilang mag-asawa. Maybe by this time nanganak na si kambal," bulong niya sa kaniyang sarili habang pagmumuni-muni. "Good decision, lady. You need to face your problem. You're a grown-up woman and a strong one. So, it's better for you to show up to them. Remember, you told them that you were bound to America not in Spain." Panunulsol pa ng kaniyang isipan. "Yeah, I know that. Ngunit space at oras lang naman ang hinabol ko. Kaya ako umalis ng bansa para mabigyang space ang isa't isa sa aming tatlo. But this time I'm so much sure that I am okay now. Handa ko nang ang harapin ang lahat," aniyang sa sarili. "How about your job here?" muli ay tanong ng inner mind niya. "Walang problema sa work ko. I can take a leave or vacation para makauwi and if they'll not give me that well may AGDA ako sa Pilipinas na naghihintay sa akin." She is going crazy! She is talking to herself. Pero bago pa siya matuluyang mabaliw ay dinampot niya ang kaniyang cell phone at nagsimulang mag-dial sa mga numerong nakasave. But! "WTF! Where are those people on earth?!" Kulang na lang ay ibalibag ng dalaga ang mobile niya. Dahil halos mapudpod na ang mga daliri sa sa pag-dial ay wala pa ring sumasagot. "Si Daddy kaya? Si Mommy? Matawagan nga sila," muli ay wika niya. Hindi na siya nagsayang ng oras. Kumbaga sa pagtigil nan naglagablab na apoy ay sunod-sunod ang ginawa niyang pagdiyal dito at hindi tinigilan hangga't hindi nila ito sinagot. Naiinis man pero dahil sa sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone ni MJ ay ipinasa niya ito sa asawa. "Sagutin mo nga asawa ang ingay baka magising si baby," aniya ni Grace sa asawa. Pansamantalang sila ang naiwan sa private room ng kanilang anak sa oras na iyon. Dahil lumabas ang manugang nila upang bumili ng pagkain para sa bagong panganak na asawa. Which the doctor said in due time that the patient should eat properly. Upang kapag magising na ang sanggol ay may maiinum din ito mula sa ina. "Hello!" sa inis dahil sunod-sunod na pagtunog ng cellphone niya ay napalakas ang pagsagot ni Iyakin. Hindi man lang inalam kung sino nga ba ang caller. Bahagya namang inilayo ni Janellah ang cellphone sa kaniyang taenga dahil sa lakas nang pagsagot ng ama. "Ay, anak ng... Kailan pa naging high blood si Daddy? Aba'y ako na nga ang naka-long distance eh ako pa ang sinigawan." Taas-kilay kilay niyang inilayo ang cellphone sa taenga niya dahil aminin man niya o hindi ay talagang halos mabingi siya sa lakas nang pagsagot nito. Pero laking dismaya niya ng muli niyang tingnan ang kaniyang cellphone ay wala na ang kaniyang kausap. "Daddy, kailan ka pa bugnutin sa caller mo?" mahinang tanong ni CJ sa kanilang ama. "Ngayon pa lang anak. Dahil baka magising si baby. Naku, lagot kung sino man ang caller na iyan kapag nagkataon. Pero long distance call naman---" "Ikaw, Iyakin! Baka naman ang anak natin ang tumawag? Naku kapag naku!" angil dito ni Kaskasera. "Ayan na naman, Daddy. Sagutin mo na po," sabi ni CJ. "Hello, sumagot ka agad at may---" "Daddy, naman eh. Puweding pakinggan mo muna ako bago mo ako sigawan? Ngayon na nga lamang ako makatawag eh!" Nakailing tuloy si JP na animo'y nakikita siya ng amang nanigaw sa kaniya. Nasa malayo man pero maimagine na ng padre de-pamilya na nakapout ang dalaga. In a sudden moment, maybe it's awkward. Subalit hindi na napigilan ni MJ ang napaluha. Dahil ang binabaan at sinigawan pala niya ay walang iba kundi ang anak nila ng mahal niyang asawa. Halos isang taon na itong wala sa piling nila. "Dad? Nandiyan ka pa po ba? It's me Janellah Pearl Cameron Mckevin. Kumusta na po kayo? Si Kuya at si kambal kumusta na po? Of course si Mommy? How are you all there, Dad?" sunod-sunod na tanong ng dalaga. Subalit sa sunod-sunod na tanong ng anak ay walang sinagot si MJ bagkus ay iba ang sinabi. "We miss you, Iha," aniya. "I miss you too, Daddy. Kumusta po si kambal?" muli ay tanong ng nasa kabilang linya. "Nandito kami ngayon sa hospital, anak. Nanganak na ang kambal mo ng isang malusog na sanggol. A baby boy was born, Iha," muli ay tugon ni MJ. "Really, Dad? Okay, Dad, tell them I'll be home soon. Magpapaalam lamang po ako sa trabaho ko. I miss you all, Dad. Can I see the baby?" ani Janellah na nasa kabilang linya. "Later when he will be awake. And I'll tell to your brother in-law to bring the laptop here. At para makausap mo rin ang kambal mo." Napapatango si MJ dahil hindi maikubli ang tuwa at luhang nais na namang kumawala sa mata niya. "Okay, Dad. But can I talk to CJ I kinda miss her Dad," muli ay ungot ng dalagang nasa kabilang linya. "Sure, Iha, no problem. Siya na ang kausapin mo at ako na ang uuwi kunin ko muna ang laptop para makausap mo silang lahat. Wala ang Kuya mo anak out of the country." Ipinasa na ng tuluyan ni MJ sa bagong panganak na si CJ ang cellphone. Naging masaya ang kanilang kuwentuhan na kahit sabihing sa telepono lang ay ramdam mo na gumamaan ang atmosphere sa kanilang lahat lalo sa mag-asawang CJ at Zack. One week later... NINOY INTERNATIONAL AIRPORT "Dahan-dahan lang anak, makakalabas din tayo." Pigil ni JR sa anak nila. Siguradong naiinis na naman ito sa uri ng kalakaran sa mismong paliparan. Nakakaimberya lang kasi ang ugali ng mga tao. Animo'y mga nasa palengke dahil sa pagtutulakan. "Oo nga naman anak. Bakit ka nagmamadali? Nandiyan lang sa labas ang mga kambal mo. They volunteered na maging sundo natin kaya huwag kang magmadali," sabad naman ni Lhynn. "Nakakairita kasi, Dad, Mom, ang siksikan ng mga tao eh. This is what I don't like here," nakasimangot na tugon ni Jameston sa mga magulang. "Anak naman minsanan ka na nga lang umuwi rito sa atin. Parang hindi ka na nasanay sa kalagayan ng ating bansa." Napailing tuloy si JR sa naging tugon ng anak. Hindi naman niya ito masisisi dahil kahit siyang palaging out of the country para sa meeting ay halos hindi pa masanay sa ugali ng mga kapwa pasaheros. Ang anak pa kaya niyang once in a blue moon lang nagagawi sa bansa. Barely infront of the airport. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkagulo na naging sanhi upang madamay ang mga bagong dating na sina JR, Lhynn, at Jameston.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD