CHAPTER TEN - PABILISAN MOVE, TRADEMARKS OF SMITH

2058 Words
"Tumawag na ba ang apo ko, Iho?" tanong ni Ginang Angel sa nag-iisa nilang supling. "Hindi pa, Mommy. Baka hindi pa nakarating sa bahay," tugon nito. Kaya naman ang Ginoo ang nagsalita. Sa tuwing hapon ay nasa garden silang lahat. Doon animo'y hinihintay ng mag-asawang Angel at Oliver SR ang mag-asawang JR at Lhyn galing sa trabaho. Kung tutuusin nga ay pare-parehas na silang retired sa trabaho subalit wala sa mga supling nila ang nahumaling sa negosyo. Ang bunso nga na Daylan Jefferson ay walang permanenteng address, si Precious ay isang professor sa Saint Louis University, si Carrey Angeline ay nasa DSWD at si Jameston ay sa US nakabase. Iniuwi lamang nila sa bansa dahil sa sunod-sunod nitong pagtangkang pagpakamatay. "Sigurado akong ang makakarinig na naman si Jameston sa kambal niya. Kung deretso ang biyahe niya at hindi namasyal kung saan-saan ay kanina pa iyon nasa bahay. Ngunit kung wala pa silang tawag ay malamang nasa daan pa ang taong iyon." Umaabot sa taenga niya ang ngiti. Dahil sa pagkakaalala sa mga apo. Kung gaano katahimik ang mga lalaki ay kabaliktaran naman sa mga babaeng apo. Maingay at Sharp Mouth daw sila. "Ay si Daddy mukhang may good news ah. Hapon na pero mas maliwanag pa ang guwapo niyang mukha." Masayang baling ni Sharp Mouth sa biyanang lalaki. Kaso sa tinuran niya ay napahagikhik ang biyanang babae. "Sigurado iyan, anak," anito. "Sumang-ayon ka nga po, Mommy, pero natatawa Ka naman po. Mas guwapo ba ako kay Daddy kaya't natatawa ka sa sinabi ng Sharp Mouth ko?" tuloy ay hindi napigilang tanong ni JR kaso kurot naman anh napala sa asawa. "Natural guwapo kayong dalawa, Ermitanyo ko. Dahil kay Daddy ka nagmana alangan namang sa kapitbahay. At sa iyo naman nagmana ang mga anak natin," wika nito sabay kurot sa tagiliran niya. Tuloy! Ang hapon nila ay muling naging maingay. "Tayo- tayo na nga lang ang nandito ay nagbubulahan pa kayo. Pero totoo namang guwapo kayong mag-ama." Nakailing na pinaglipat-lipat ni Ginang Angel ang paningin sa mga kaharap bago muling nagsalita. "Hon, ano ba kasi ang good news mo? Totoo rin naman kasing maliwanag ang mukha mo. Sure hits may nais kang sabihin ngunit animo'y pinipigilan mo," aniya sa asawa. "There's no specific reason, Hon. I'm just happy of thinking how our grandchildren are. Ang mga lalaki sila ang tahimik samantalang ang mga babae ay maingay. Kaya't ang mga lalaki na rin ang nagbansag sa kanila ng Sharp Mouth. Kaya ako napapangiti dahil sa bagay na iyan," pahayag nito. "Well, sabi nga ng Sharp Mouth ko kanina ay sa atin po sila nagmana hindi sa kapitbahay. Umaasa nga lamang ako na may isa sa kanila ang manirahan dito sa bahay." Napailing na rin si JR sa pagkakaalala sa mga anak na nasa iba't ibang panig ng bansa. Sa kabilang banda, masayang magka-akbay ang magkapatid na AJ at JP. Dahil ang dalagang dapat ay pupunta sa AGDA ay sa oposina ng Kuya nila nagtungo at kagaya nang ginawa nito sa kaniya ay binulabog niya ito. "Bawi-bawi lang kuya ikaw naman kasi eh akalain ni baket namang ikalat mo lahat ang gamit ko eh nasaan ang hustisiya roon?" nakalabing ani JP sa Kuya AJ niya. Nakaangkla ang dalaga sa Kuya AJ. Kung hindi mo sila kilala bilang magkapatid ay iisipin mong may relasyon ang mga ito na higit pa sa magkapatid. Kahit noon pa man ay ganoon na silang magkakapatid. Lalo at mas matanda ang binata ng pitong taon kaysa kambal na sina Jamellah at Janellah. "Abah naman, JP, kasalanan ko pa pala. Hindi ko kasi naisip na picturan ka na lang para maipakita ko sa iyo ang hitsura mo kaninang umaga," nakatawang sagot ng binata. Paanong hindi siya matatawa samantalang ang kapatid niya ay parang inagawan ng laruan. Nakaangkla na nga ito sa kaniya ay nakalabi pa. "Kainis ka, Kuya. Ipinaalala mo pa naman iyan naku! Makikita ko lang ang ID na iyon ay talagang pupunit-punitin ko ng pinong-pino." Nakanguso na nga ay nagsalubong pa ang kilay. "Nguso mo, Sis. Mamaya ay sasayad na iyan sa semento. Uwi na ba tayo o puntahan muna natin ang mga kaibigan mo sa Orphanage?" patanong na sagot ng binata. Ngunit nandoon pa rin ang mukhang natatawa. Aba'y mukhang sa kaniya nagpakababy ang kapatid niyang ihinagis niya ang laman ng maleta. "Hmmm... Mukhang wala kang date, Kuya. Himalang nanghahamon ka nang pasyalan sa mall, Kuya. Kaso hapon na baka nagpapahinga na silang lahat sa orphanage. Nakakahiya naman sa mga sisters doon," tugon ni JP. "Bakit, Sis, may ibinigay ka bang ka date ko? Tayo na lang ang mag-date pero ayaw mo eh umuwi ka na nga lang." Pag-iinarte ng binata ang makulit niyang kapatid ay pinagkikiliti siya sa gitna ng MCKEVIN COMPANY hallway. Para tuloy silang lovers na naghaharutan. "Ang sweet nina Sir Adrian at ma'am JP noh." "Kung ako lang ang masusunod aaakitin ko iyang si Sir." "Sana ganyan lahat ang magkakapatid na may magandang samahan." "Sayang naman ang pagkakataon, bro. Mayaman sila mahirap lang tayo. Kumbaga langit sila at lupa tayo. Sa ating trabaho na nga lang ay bagsak na tayo. Sila ang mga Boss samantalang employees lang tayo ng kompanya nila. Ang kapatid ni Sir ay siya rin ang namamahala sa AGDA." Mga ilan lamang sa mga katagang narinig ng magkapatid sa gitna nang paghaharutan nila habang sila ay naglalakad patungo sa sasakyan ng una. "Eh Kuya, kasi naman baka napakamaselan este napakapihikan mo pagdating sa pag-ibig. Abah, imagine that Kuya lagpas ka na sa kalendaryo pero ni isa kahit fling lang wala kang maipakilala. Marami ka namang mga tauhan dito ah. Huwag nang mamili baka makapili ka ng hindi kanais-nais ang ugali," pahayag ni JP ng nasa loob na sila ng sasakyan. "No comments, Sis. Saan mo ba gustong mamasyal eh mas marami ka pa yatang alam na lugar kaysa sa akin ah." Paglilihis ni AJ sa kapatid at itinuon ang paningin sa daan. Pero hindi ito nalingid sa kapatid na maski ang pang-amoy yata nito ay naging hobby na yata nito. "There's something with you big brother and I'll make sure that I'll find out that soon," ani sa isip ni JP pero ang hindi niya alam ay nausal pala niya. "Oh, anong binubulong bulong mo riyan, Sis? Aba'h naman ang pagkakaalam ko at isa kang detective hindi seminarista." Napangisi tuloy ito sa kaniya. "Ay buti na lang hindi naunawaan," aniya sa isip bago ito hinarap. "Pinag-aaralan ko kasi kung paa---" " Your phone is continuously ringing kapatid kanina pa iyan ah." Pamumutol ng binata sa kapatid na hindi na yata nauubusan ng ibabatong salita sa kaniya. "Anak ng sampung tikbalang naman eh sinu ba iyang nangdidistorbo na iyan!" nakangusong saad ng dalaga. Aba'y gusto niyang mag-enjoy kasama ang Kuya niya eh. May disturbo pang caller. "Sagutin mo na kasi, Sis. Para ka namang hindi uuwi sa bahay eh," sabi ni Adrian sa kapatid. Dahil mukhang wala itong balak sagutin ang tawag. Kitang-kita pa niya ang pagguhit ng ilang linya sa noo nito. Alam naman niyang naglalambing ito sa kaniya. Halos isang taon din itong nawala sa piling nila. Masaya siya bilang Kuya ng dalawa niyang kapatid dahil unti-unting bumabalik ang dati nilang samahan Kaso! "Sino naman ang anak ni satanas na ito! Hindi naman nakasave sa cellphone ko eh!" bulong nito habang nakatitig sa cellphone. Nais tuloy niyang matawa dahil sa tinuran nito. Aba'y Satanas pa talaga ang nasabi. "Grabe ka naman, Sis. Anak ni satanas pa talaga. Sagutin mo na lang kaya iyan kawawa naman kung sino siya. Aba'y ihinambing mo na nga sa anak ni Satanas." Napailing niya itong binalingan kasabay nang pagmenor niya sa pagmamaneho. Itinaas ng dalaga ang kamay. Animo'y nanunumpa. Papatahimikin lang naman ang Kuya subalit na para siyang nagdedeliver ng speech sa harap ng mga kliyente. Well, she will deal it later. "Hello, sino ito?" tanong ni JP sa caller. "Thanks God, Janellah. I thought you will never answer my call," tugon ng nasa kabilang linya. Saglit namang natigilan ang dalaga dahil dito. Sa ilang buwan na walang tumawag sa kaniya ng Janellah. Except his ex-boyfriend that became her brother in-law ay wala ng ibang tumawag pa sa kanya ng gano'n kaya't natigilan siya at hindi agad nakasagot. "Hey, Janellah Pearl, you can't recognize me, don't you?" tinig na nagmula sa kabilang linya ang nagpabalik sa kaniyang kamalayan. Then, she smiled. She remembered him. Her partner way back in Madrid. "Vincent Paul Dela Peña, how did you know my phone number here in the country?" bagkus ay tanong niya. "If there's a way, there's a wheel, Janellah. By the way, how are you? Ang daya mo ha umuwi ka pala hindi ka man lang nagsabi," himig-hinampo ni Vincent. "Oh, I'm sorry, Dela Peña, biglaan ang uwi ko. And that was two weeks ago. Kumusta ka naman pala?" patanong niyang tugon. "Nandito ako ngayon sa Baguio,Janellah. Because I called our Boss yesterday and he said that your on leave too so I've asked him where are you. The he told me too that you are here too in our country," sagot ni Vincent na hindi maipagkakaila ang kasiyahang lumulukob sa kaibutuwiran ng pagkatao. "I'm sorry for that, Dela Peña. Alam mo namang hindi ako uuwi kung hindi importante eh but thanks God everything is okay already. Nasaan ka rito sa Baguio?" muli niyang tanong. Aba'y pansamantala niyang nakalimutan ang paglalambing niya sa Kuya AJ niya dahil sa kausap. "Mines View Park ako nag-check in, Janellah. And if, I'm not mistaken malapit na dito sa inyo. Can I visit you there tomorrow?" muli ay tanong ni Vincent. "Mabuti naman, Dela Peña at bukas ang sinabi mo. Dahil nasa labas pa ako may date kami ni Kuya Adrian," pilyang sagot ni JP kaso nagulat yata ang kapatid niya dahil bigla itong nagpreno. "Kuya, naman dahan-dahan lang diyan. Gusto ko pang makahanap ng mister right ko!" sermon ng dalaga sa kapatid. Nakalimutan na yatang may kausap sa cellphone dahil sa biglang pagpreno ng kapatid sa sasakyan at napataas ang boses niya! Ah! Masasakal niya ang Kuya niya dahil halos maalog na ang kaniyang utak. "Ikaw naman kasi, Sis. Idamay mo pa talaga ako eh. Puwedi mo namang padalawin sa bahay ang kaibigan mo eh." Nakangiwing angal ni AJ. "Ikaw nga po, Kuya ang gusto kung makadate ngayon kaya bukas kami naman ni Vincent kaya huwag ka ng umangal. Manahimik ka muna at kausapin ko saglit si VP." Pagpapatahimik ni JP sa Kuya AJ niya. Akala mo siya ang Ate! Hindi na sumagot si AJ bagkos nakailing lamang siyang nagpatuloy sa pagmamaneho. Mukhang tinubuan na naman ang kapatid niya ng sungay! Mabuti na nga lamang at hindi ito ang nagmamaneho baka puro untog ang napala niya kapag nagkataon. Numero-unong Kaskasera ito. Ang nakamana sa ina nilang Kaskasera ayon sa kanilang ama. "Dela Peña, nandiyan ka pa ba?" muli ay baling ni JP sa cellphone niya. "Grabe ka naman, Janellah. Parang ikaw pa ang Ate sa lagay na iyan, huh," hindi makapaniwalang tugon ng binata sa kabilang linya. "Okay lang iyon, Dela Peña. Love na love ako ni Kuya saka lambing ko lamang din iyon sa kaniya." Kibit-balikat at baliwalang ng dalaga at animo'y nakikita siya nang kausap. "I still remember Kuya Adrian ah. How is he? May asawa na ba siya?" naisipang tanong ni VP. "Wala ngang girlfriend, Dela Peña, asawa pa kaya? Naku bukas na lang tayo mag-usap ha. May date kami ni Kuya Adrian. Alam mo na kung saan ako matatagpuan. Pero sa AGDA mo na lang ako puntahan ha namiss ko ang AGDA. Doon mo ako puntahan." Hindi ka lang Kaskasera the second kundi machine gun din! "No comments, Janellah. Hindi ka pa rin nagbabago sa pananalita. But it's alright, I will be there tomorrow. I'll hang up the phone for now, Janellah. I miss you." Pinatay na rin ng binata sa kabilang linya ang cellphone. Well, ano pa nga ba ang expected? Ang Kuya ng kambal na tiklop pagdating sa mga kapatid? Sinunod lang nito ang kagustuhan ng kapatid niya lalo at bagong balik ito. He wants her to be happy too and as a brother of the twins he'll do everything for them. Kinabukasan kagaya ng usapan ng magpartner na Dela Peña at Mckevin ay sa AGDA sila magkikita. But the world is not on their side. Dahil kung maagang nagtungo doon si Dela Peña, mas maagang nakarating at makapagmanman si Smith.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD