8

1031 Words
Panay ang lingon ng dalawa habang naglalakad sila sa loob ng Mall. They are both paranoid that someone will attack them. Parang kahit may bodyguard na nagbabantay sa kanila ay natatakot pa rin siya. “Wala naman na sila, ‘di ba?” Kabado pa ring usal ni Vienna. “Sana,” mahinang sagot ni Zeuter. Ayaw niyang takutin ang kaibigan pero hindi rin naman siya sigurado kung naiwala na ba nila ang limang kalalakihan. Hindi niya pwedeng maliitin ang kakayahan ng mga ‘yon lalo na at mukhang hindi sila bastsa-basta. Habang tinatahak ang daan palabas ng Mall ay iniisip pa rin ni Zeuter kung saan niya nakita ang tattoo sa leeg ng mga lalaki. Kinukutuban na siyang may koneksiyon ang grupo ng Papa niya. At kung iyon nga ay mukhang mahihirapan siyang ipaliwanag kay Vienna. “Oh my God, Zeu! Paano kung kidnap-in nila tayo at manghingi sila ng ramson sa parents natin?” “Don’t say that, Vien. Walang mangyayaring kung ano sa atin,” pilit na pagpapalakas ng loob ni Zeuter. Nang makalabas ay wala naman silang naramdaman o nakitang sumusunod maliban sa bodyguard na hired ng Mama ni Zeuter. Naglakad sila sa sakayan ng pampublikong sasakyan. Still looking around if ever there’s harm. “Gosh! Wala na yata sila, ‘no?” Panay pa rin ang lingon ni Vienna kaliwa’t kanan. “Yeah…” But before they even see the public vehicle, a van stops in front of them. Sa pag-aakalang ang kanang kamay ng Papa ni Zeuter ang isa sa sakay ng van ay hindi sila umalis. Hinintay pa nilang makababa ang kung sino upang magsabi at makahingi ng tulong. “Ch…” Naiwang nakaawang ang labi ni Zeuter nang mapamilyaran ang lumabas sa sasakyan. It was one of the men that has been following them. Nang mas masilayan ang tattoo sa leeg ng lalaki ay na-realized na ni Zeuter kung saan niya iyon nakita. “Ito ang mga taong kailangan mong iwasan, anak. Alam mo ang buhay ko kaya kahit naitago ko kayo ng Mama mo noon ay posible pa rin nila kayong mahanap.” The tattoo was the same on the men’s that his father showed him. “Vien, let’s run!” Zeuter said nervously. Hinawakan niya ang kamay ng kaibigang babae at sabay silang umatras. Isa pa lang naman ang lumabas sa van kaya baka makatakas pa sila. “Iba rin pala ‘tong bata ni Henry eh. Mukhang may pinagmanahan,” ngising ani ng lalaki. “Ano ba’ng kailangan niyo sa amin?!” Lakas loob nang sigaw ni Vienna habang sinusubukan pa rin nilang umatras. “Oh, manahimik kang babae ka kung ayaw mong madamay. Iyang lalaking binata lang ang kailangan namin.” “Don’t talk to her like that!” “Aba, parehas na parehas talaga kayong dalawa ng ama mo. Matinik sa babae,” halakhak pa ng lalaki. “Let’s run!” Napahinto kaagad ang dalawa nang matalikuran ang lalaki. May nag-aabang na sa kanila at doble no’n ang dami ng sumusunod sa kanila kanina. Zeuter looked around to see where the bodyguard is, but to his surprise he can’t see him anywhere. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Vienna. Wala siyang alam sa pakikipaglaban kaya hindi niya alam kung paano nila malalampasan ang mga kalalakihan. “Vienna, makinig ka,” Ani Zeuter at lumingon sa paligid. “Kapag nakabilang na ako ng tatlo, tumakbo ka pabalik sa Mall. Manghingi ka ng tulong sa guard do’n.” “No… Baka kung ano ang gawin nila sa ‘yo!” “Ako nang bahala ro’n. Kailangan nating makahingi ng tulong.” Dahil sa kaunting mga tao at mukhang ayaw pang makialam ay wala na talagang kawala ang dalawa. Sila na lang ang maasahan nila ngayon dahil hindi rin magandang mangialam kung halos ipangalandakan na ng mga kalalakihan kung gaano sila kasama. “1…” panimula ni Zeuter habang pasimple niyang dinadala si Vienna kung saan ito makakalusot. “2…3!” While Vienna starts to run, Zeuter pulls the man’s hair that tries to follow his best friend. Sumuntok pa siya ng isa sa lalaking lumapit sa kaniya ngunit parang hindi man lang iyon nasaktan. Sinakmal lang siya ng isa sa leeg ay umangat na siya sa lupa. Kahit siguro siya pa ang pinakamatangkad sa classroom nila ay walang-wala siya sa malalaking lalaki na nasa harapan niya. Tinapik-tapik niya ang kamay ng lalaki na nasa leeg niya. Pinahirapan siya no’n na huminga. “Isa kang inutil batang Visler,” nauumay na puna ng lalaki at humithit sa hawak nitong sigarilyo. Napaubo siya nang tuluyan na siyang mabitawan ng nanakal sa kaniya. Napahawak siya sa kaniyang hita at ilang beses na huminga ng malalim para maibalik ang normal na hininga. “Okay lang naman kung pinaalis mo ang kaibigan mo. Ikaw lang naman ang kailangan naming panakot sa ama mong napakahayop.” “You are the animal, you freaking thug!” Nakatanggap ng malakas na sampal si Zeuter. “Aba, talagang matindi kang bata ka,” nagagalit nang usal ng lalaki. “Kayang-kaya kong pasabugin ‘yang bungo mo kahit marami pang nanonood sa atin ngayon.” “Wala kang napala sa lampang bodyguard mo, ‘no?” Natatawang saad ng isa pang lalaki. Nakitawa na rin ang iba nang maalala kung paanong naihi sa takot ang bodyguard na hired ng Mama ni Zeuter. Maliit na kutsilyo pa nga lang ang tinutok sa katawan no’n ay mabilis na itong tumakbo. “Ano’ng ginawa niyo sa kaniya?” Nanginginig na ang labi ni Zeuter. “Bata, tinakot lang namin siya. Hindi na namin kasalanang pera lang ang habol no’n sa pamilya mo kaya hinayaan ka na niyang mapatay namin ngayon.” Hindi makapaniwalang natulala si Zeuter. Wala na nga talagang pag-asa na makawala siya sa mga lalaking nakapaligid sa kaniya. Sana lang ay nakahingi ng tulong si Vienna at walang kalalakihan ang nakasunod sa kaniya. “Huwag niyo nang idamay ang kaibigan ko. Sasama ako sa inyo kung iyon ang gusto niyo.” “Gustuhin mo mang sumama o hindi ay iisa lang ang kahihinatnan mo. Wala kang choice kundi ang sumama dahil kapag nanlaban ka pa ay mapapatay na kita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD