9

1027 Words
Abot-abot ang kabang naramdaman ni Zeuter nang tutukan siya ng baril sa kaniyang sintindo. Nahigit niya ang kaniyang hininga at nanginginig ang labing tumingin sa baril. Iniiwasan niyang madikit ang nguso ng baril sa kaniyang balat. “Nasaan ang ama mo?” Paunang tanong ng lalaking kumakatawan bilang lider. Hindi niya alam kung saan siya dinala ng mga kalalakihan. Ang mahalaga na lang sa kaniya ngayon ay hindi na nadamay pa ang kaniyang kaibigan. Mabuti na lang ay nagawa nitong makatakas. Sana lang ay hindi siya nasundan. “Hindi ko alam,” totoong sagot ni Zeuter. Kung mayroon mang nakakaalam kung nasaan ang Papa niya ay si Cheetah lang iyon. Limang taon na silang hindi nagkikita kaya kahit takutin pa siya ay wala rin siyang maibibigay na sagot. Nagsayang lang sila ng oras dahil maling tao ang napagbuntungan nila. “Huwag mo akong masagot ng ganiyan dahil talagang malilintikan ka sa akin,” ani pa ng lider at mas diniin ang nguso ng baril sa sintido ni Zeuter. “Wala talaga akong alam kahit pigain niyo pa ang utak ko ngayon,” matapang nang usal ng binata. Sa laki ng mundo na ginagalawan nila ay mayroon pa rin talagang kahit gaano pa kasama ay kulang-kulang naman kung kumilos. Sa loob ng limang taong hindi pagkikita ng mag-ama ay hindi man lang iyon nabalitaan ng mga dumukot sa kaniya. Masasabi naman ni Zeuter na hindi basta-basta ang mga kalalakihan ngunit kulang siguro talaga sa pananaliksik ang mga lalaki. “Huwag mo akong tinatarantado, bata. Isang kalabit ko lang sabog ka talaga,” nanggagalaiti nang ani ng lider. “Kung tinatarantado na kita, e ‘di sana ay nagbigay na ako ng kahit saang lugar para maloko ka. Gusto ko mang sabihin sa ‘yo kung nasaan ang Papa ko ay wala nga akong alam.” “Kapag hindi ka nagsasabi ng totoo ay uuwi ka sa inyo na may butas sa ulo ang Mama mo,” dagdag na banta ng lider. “Leave my mother alone, hoodlum,” Zeuter said, gritting his teeth. “Huwag mo akong pinagsasalitaan ng ganiyan, bata. ‘Yong pasensiya ko sa ‘yo malapit nang maputol,” nanlilisik ang mga matang sabi ng lider. “Basta na lang kayong sumugod sa akin nang alam niyo lang ay may pamilya ang Papa ko. Did you even know that my family is broken?” Hindi nakasagot ang mga kalalakihan. Nang malaman nilang may pamilya pala ang nangunguna sa underground world ay mabilis silang nagplano kung paano makukuha ang tingin nilang kahinaan ng Mafia Boss. Ni hindi na sila nag-abala pang malaman kung buo pa ang pamilyang iyon sa pagmamadaling maibaba sa pwesto ang Mafia Boss. “Hindi niyo inaalam ang tungkol do’n?” Baling ng lider sa kaniyang mga tauhan. Napailing at napayuko ang mga nasa likuran ng lider. Takot na matingnan sa mga mata ang nanggagalaiti nilang boss. “Mga walang kwenta!” sigaw ng lider at tinulak si Zeuter. “Iyon na lang hindi niyo pa nagawa?” “Boss, wala rin naman pong inutos,” ani ng isa. “Mga inutil!” bulalas ng lider at hinarap si Zeuter. “Wala na rin naman pala kaming mapapala sa ‘yo.” Zeuter’s mind went blank when the leader pulled the trigger. Nabingi ang binata sa ingay na nilabas nang pumutok ang baril. Halos malagutan na siya ng hininga sa pag-aakalang tumama sa kaniya ang bala. “Papatayin kita!” Bago pa man marinig ni Zeuter ang sunod na putok ng baril ay naglalagutok na buto ang kaniyang narinig. Mabilis niyang idinilat ang kaniyang mga mata at nakita kung paanong mabali ang katawan ng mga kalalakihan. Nanlaki ang kaniyang mga mata at napaatras. Halos lumuwa na ang mga mata ng lider. Hindi na malaman ni Zeuter kung ano ang gagawin. Ang halos benteng kalalakihan na nasa paligid niya ay wala ng buhay. “Ano…” Nang libutin ni Zeuter ng tingin ang buong paligid ay wala naman siyang nakitang kakaiba. Ang tanging nasa abandonadong hospital lang ay siya at ang mga kalalakihang bali-bali na ang katawan. Ayaw niyang ipilit ang biglang naisip na dahilan kung bakit nagkaganoon bigla. Masyadong imposibleng mangyari ang laman ng panaginip niya. Hindi iyon tugma lalo na at masyadong mahirap paniwalaan iyon. Pero kung iisipin niyang mabuti ay hindi rin naman isang simpleng dahilan kung paanong nabalinaan ng mga buto ang mga kalalakihan. Sa isang hindi inaasahan pa kaya hindi na niya alam kung ano ang gagawin pa. "Zeuter!" Napalingon siya kaagad sa may pintuan nang marinig ang boses ng kaibigang babae. Halos kapareho lang ng reaksiyon ni Zeuter ang itsura ni Vienna nang maabutan kung ano ang nangyari. "What is this?" "Vien..." "Zeuter, ano 'to?" Hindi pa rin makapaniwala si Vienna. Dahan-dahan ang ginawang paglakad ng babaeng kaibigan ni Zeuter papunta sa pwesto niya. Hindi matingnan ng diretso ang mga lasog-lasog na katawan. “Paano nangyari ‘to? Ikaw ba ang may gawa?” “No… Hindi ako, Vien. Hindi ko alam…” “Damn it, Zeu! Baka huliin tayo ng sibil niyan,” kabado nang saad ni Vienna. Iyon din ang isang iniisip ni Zeuter. Masyadong high tect ang lugar nila kaya kahit gaano pa kaliit ang nagawang kasalanan ay nalalaman ng nakatataas. Maaari pa silang makulong lalo na at may nakakita rin sa kanila na nakausap ang mga kalalakihan. “No… I swear, Vienna, I’m not the one who did that!” “Kung hindi ikaw, sino? Ikaw na lang ang natitirang buhay na naabutan ko.” "Sa tingin mo ba magagawa ko 'yan?" Natahimik si Vienna. Imposible ngang magawa iyon ni Zeuter. Malalaking tao ang mga kalalakihan at base na rin sa pagkakakilala ni Vienna sa lalaki ay malabong magawa iyon. Wala rin naman training na ginagawa si Zeuter. Tanging basketball lang. "Then, who? Tumakas ba ang may gawa nito?" "I really don't know, Vien. As far as I remember, the leader tried to shot me, but couple of seconds they started to shout in pain." "Are okay? Buti walang nangyari sa'yo!" Hindi niya masasabing okay siya. Sa totoo lang ay sobrang daming gumugulo sa isip niya. Ang napapanaginipan niya at ang nangyari ngayon. "How..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD