7

2070 Words
KUMPARA sa lumabas na panaginip ni Zeuter ay normal ang kaniyang pakiramdam. Gumising siyang hindi natatakot at kinakabahan. Para bang nasanay or naging normal na sa kaniya ang managinip ng gano’n. Iyon ang unang beses na nakita niya ang limang mukha na iyon. Kakaiba sa mga panaginip niyang panay mahika at nagsasanay na mga tao. “Sino ang mga iyon?” Hindi niya naiwasang mabulalas. Bago siya matulog kagabi, ay marami siyang inisip. Isa na roon ang pagkakaugnay niya sa mga namamatay. Ang pangalan ng aso niya na kapareho sa magiting na prinsepe. Ang iba-ibang panaginip na ilang beses niyang inilingan pero nakukuha na niyang paniwalaan. “Ano ang kaugnayan ko sa mga ‘yon para magpakita sila sa panaginip ko?” Ayaw niyang maniwala. Unang panaginip pa lang ay halos mabaliw na siya. Hindi siya makapaniwala lalo na at marami na rin siyang p*****n na nasasaksihan sa kaparehas ng mundong ginagalawan niya. Panay ang research niya noon tungkol sa parrarel world. Naging konektado man ang kaniyang panaginip at ang kaniyang pananaliksik ay mahirap pa rin para sa kaniya na paniwalaan. Tumatak na sa kaniyang kaisipan na kahibangan lang ang lahat. Mabilis ang ginawa niyang paglingon sa aso. Nasa paanan niya iyon at nakatayo. Napausod si Zeuter sa dulo ng kaniyang kama nang unti-unting magkaroon ng usok na puti at itim sa paligid ng aso. Naging pula na naman ang mata no’n at maya-maya lang ay naging nakakakilabot na aso. “Ruza…” Kabadong ani Zeuter nang tumitig sa kaniyang mga mata ng aso. He was hesitant to touch his dog. Natatakot siyang baka bigla na lang siyang sakmalin pero kung hindi naman niya aamuhin ay baka iyon nga ang mangyari. “Damn it, Ruza! Calm down. Ano ba’ng nangyayari sa ‘yo?” Nagmukhang lobo sa kaniyang harapan ang aso. Mas lalong natakot si Zeuter nang humakbang ng isa ang aso at mas tumindi ang kadiliman ng kwarto. Nang ilang segundong nakatitig lang sa kaniya ang aso ay unti-unting nanumbalik ang liwanag ng buong kwarto. Napahinga ng malalim si Zeuter at tuluyan nang napasandal sa sandalan ng kaniyang kama. When he made sure that the dog was calm, he started petting the dog. Nanginig pa ang kamay niya nang rumihestro ang pula sa mga mata ng aso. “Natakot ako sa ‘yo!” Sinimulan niyang e-examine ang aso. Mas dadagdagan na naman ang laki no’n. Tatlong linggo pa lang sa kaniya ang aso pero ang laki no’n ay parang nakaisang buwan o lagpas na. Hindi naman iyon masyadong sinisita ng Mama niya dahil ang alam nito ay normal iyon. Pero para kay Zeuter ay hindi. Malakas ang kutob niyang may kakaiba sa aso kaya pati ang paglaki nito ay hindi rin normal. Naningkit ang kaniyang mga mata nang may mapansin na kakaiba sa kaliwang tainga ng aso. There is a triangle shaped tattoo at the near corner of the ear. Katulad iyon ng nasa dibdib niya maliban lang sa wala iyong mga guhit na nakapaligid sa tryangulo. “What is this, Ruza?” Tumahol ang aso na parang sinagot siya. Of course, he did not understand that is why he was more confused. Kung ganitong mas nadaragdagan ang kakaiba sa aso ay lalo siyang mababaliw. Hindi na nga niya maitindihan ang nangyayari ay wala pa siyang nakukuhang sagot. After convincing himself not to talk to that voice, he stands up. Wala rin naman siyang mapapala sa katatanong sa aso niya dahil hindi naman niya naiintindihan. Nagsimula na lang siyang mag-asikaso dahil ngayong araw ang enrollment sa school na papasukan nila ni Vienna. Mahalaga rin ang pag-aaral sa kaniya bukod sa mga tanong niyang naipon para sa mga kasagutan. He was sure that there would be an answer to his questions. Hindi man niya ngayon makukuha ay sigurado siyang mayroon. Hindi lang mauuwi sa katanungan ang lahat ng iyon. Lahat ay sigurado siyang may sagot. “Oh, anak, gising ka na pala,” bati ng kaniyang ina nang makababa siya sa kusina. Naitaas niya ang kaniyang kaliwang kilay nang makita ang kaibigang babae na nakaupo sa isa sa mga upuan sa kusina. Umiinom ng hot chocolate na mukhang ang Mama niya ang nagtimpla. “Aga mo?” “Duh? Almost 8 am na, Zeu. 6 am ang usapan natin, eh,” aniyang may pagkamataray. “6 ba?” natatawang ulit ni Zeuter sa oras. Aambahan na sana siya ni Vienna nang matawa ang Mama ni Zeuter sa kanila. Madalas kasi ang pagtatalo ng dalawa lalo na ‘pag magkasama. Hindi sila palaging nauubusan ng pang-asar sa isa’t-isa kaya kahit seryoso ang usapan ay nauuwi sa asaran. ‘Humanda ka sa akin.’ Walang boses na bigkas ni Vienna sa lalaki. Zeuter stuck out his tongue and sat down. Binigyan din siya ng hot chocolate ng Mama niya at nagsimula na silang mag-agahan. Nakisalo na rin si Vienna sa dalawa dahil hindi rin ito nakapag-almusal. “Bye, tita Zeria! Mauna na po kami ni Zeuter.” “Mag-iingat kayo. Mag-text lang kung may biglaan kayong lakad pagkatapos niyong mag-enroll.” “Yes, po!” “Zeuter, ang bilin ko sa ‘yo ah,” nakangiting baling ng Mama niya sa kaniya. Tumango na lang si Zeuter at pilit na ngumiti. Susubukan pa lang sana niyang tumakas para madalaw ang ama pero mukhang malabo na niya iyong magagawa. He had a feeling that his mother hired someone to guard him. Wala rin siyang kawala. “Hoy!” nagulat ang lalaki sa biglang sigaw ni Vienna. “Bawal ang pet sa school, brad,” ngumuso si Vienna sa likuran ni Zeuter. Hindi niya alam na sumunod na pala ang aso niya. Wala naman talaga siyang balak dalhin iyon pero nang maalala ang sinabi ng boses ay nagdalawang isip siya. Wala naman sigurong mangyayaring masama kung iiwan na lang niya ang aso sa kanilang bahay. “Wait lang, iuwi ko muna sa bahay,” pagpapaalam niya at inaya ang aso. Dahil sa kaalamang maiintindihan siya ng aso ay kinausap niya ito. Hindi siya sigurado kung susunod ba sa kaniya pero sinubukan niya pa rin. “Diyan ka lang muna. Bantayan mo si Mama,” aniya. Kumawag-kawag ang buntot ng aso at tumahol ng isa. Nang umupo iyon ay nahinuha na niyang susunod ang aso. Hinawakan na lang niya sa ulo ang aso at nagsimula ng umalis. Isang tahol pa ang kaniyang narinig kaya kahit nakatalikod ay kumaway siya. “Ang cute talaga ng dog mo, Zeu! Did you train him?” “Uh…” Sa totoo lang ay wala siyang ginawa. Ayaw naman niyang sabihin na natural nang ganoon ang aso dahil baka magtaka si Vienna. “Medyo lang,” tanging sagot na lang niya. “Gusto ko rin ng ganiyang aso. Saan mo ba nabili ‘yan?” “Napulot ko lang,” wala sa sariling tugon ni Zeuter. “Huh? Kailan naman at bakit hindi ko napansin? We are always together.” “Uh… No’ng lumabas ulit ako nang birthday ko. Nakakaawa kasi kung iiwan ko lang sa kanal ‘yong aso,” pagdadahilan na naman niya. Matalino ang kaibigan niya kaya medyo kabado siyang hindi iyon tanggapin ni Vienna. Mabilis nalalaman ng dalaga kung kailan nagsisinungaling ang lalaki. Malulusutan niya kaya ang matalik niyang kaibigan? “Wow, ang galing naman no’n!” Lihim na nakahingang malalim si Zeuter. Naitikom niya ang kaniyang bibig at hindi na lang dinagdagan ang sasabihin. Baka mabuko na siya ng kaibigan niya kapag pinagpatuloy pa nila ang usapan. Malapit na rin naman sila sa school na papasukan nila. After taking an exam and passing their requirements, the two decided to spend their time at the mall. Hapon pa nila malalaman kung pasado ba sila kaya para hindi mainip sa school ay sa mall sila magpapalipas ng oras. Kakain muna sila sa isang sikat na fastfood chain at maglalaro sa bagong palaruan ng mall. Madalas teenager at kaedad nila ang naroon dahil sa mga larong hindi pambata. Sa kabilang stall naman ang for kids. “Grabe, ‘yong exam natin. Duda na tuloy akong maging engineer!” pagod na sumalampak si Vienna sa upuan nang makapasok sila sa isang Japanese restaurant. “Parang gusto ko na nga lang maging architect,” ani naman Zeuter. “Mas makakapasa ka pa ngang engineer kaysa sa akin, eh.” “Don’t say that. Kung kaya ko syempre kaya mo rin. Magkakaiba man ang abilidad ng mga tao pero mataas pa rin ang percentage na kung kaya ng isa ay kaya mo rin.” “Nag-i-improved ‘yong words of wisdom ng friend ko ah!” nagtawanan silang dalawa matapos magsalita ni Vienna. Nagkaroon lang ng maliit na commercial ang pag-uusap nila nang may dumating na waiter para kuhain ang kanilang order. Dahil kabisado na nila halos ang laman ng menu ay mabilis din silang natapos um-order. Hinihintay na lang nila ang kanilang pagkain. “Di your mother hired a bodyguard?” Nagsalubong ang mga kilay ni Zeuter. Napatingin tuloy siya sa paligid niya at nakumpirma ang sinabi ni Vienna. May anim na kalalakihan ang nasa malapit lang ng table nila. “I don’t know, but I think she hired someone. Iniisip ko pa lang kanina pero mukhang mayroon nga,” sagot niya habang pinagmamasdan ang mga kalalakihan. Hindi pamilyar sa kaniya ang mukha ng mga ‘yon kay masasabi niyang hindi tauhan ng Papa niya anim na kalalakihan. If his mother really hired someone then they are supposed to be them. “They are a bit off,” Vienna honestly commented. “I sense they are not a good person.” Thinking about that, Zeuter started noticing the familiar tattoo on their neck. Alam niyang nakita na niya iyon pero hindi siya sigurado. “Let me ask my mother, Vien,” he uttered after a couple of minutes. He ring his mother’s phone. Panay ang pasimple niyang sulyap sa mga kalalakihan. “Please, huwag mo na silang tingnan,” pakiusap pa niya kay Vienna. “Ma?” “Hello, Phire?” “Did you hire a bodyguard, Ma?” Zeuter asked. Hindi kaagad nakasagot ang Mama niya sa kabilang linya. Matagal na natahimik ang kanilang atmosphere at panay lang ang panlalaki ng mga mata ni Vienna sa kaniya. “Oh, you notice him quickly.” “Him? So, isa lang po ang h-in-ire mo, Ma?” Zeuter started to feel tense. “Yes, anak. Is there a problem?” “Uh… Wala po, Ma. Nasa mall po pala kami ni Vienna and uuwi rin po kami kaagad pagkakuha po ng result sa exam.” “Sigurado ka ah?” “Yes, ‘Ma.” “Alright, mag-iingat kayong dalawa.” Nang dumating ang order ng dalawa ay pasimple na namang tumingin si Zeuter sa anim na kalalakihan. Sinabi niya kay Vienna ang napag-usapan nila ng kaniyang Mama kaya natataranta ang dalaga. “Calm down, Vien. Kapag nalaman nilang alam natin na sumusunod sila, baka kung ano ang gawin nila sa atin.” “I’m scared!” “Act like you did not know anything, please.” Kanina pa niya naramdaman na may sumusunod sa kanila. Hindi niya lang inaasahan na ganoon karami at malalaki pa ang katawan. Kung may sumusunod mang bodyguard sa kanila at isa lang, duda siyang magagawa no’n ang protektahan silang dalawa ni Vienna. Okay lang sana kung hindi niya kasama si Vienna. Mahina ang dalaga pagdating sa ganoon. “Don’t worry, may bodyguard na nakasunod sa atin at proprotektahan din kita.” Nagsimula silang kumain kahit paranoid sa paligid. Narinig nilang pareho ang pagtawag ng mga kalalakihan sa waiter pero hindi na lang sila lumingon pa. Parehas silang hindi makakain ng maayos sa takot na bigla silang lapitan. “Oh my God, Zeuter! Baka kung ano ang gawin nila sa atin ‘pag labas natin ng Mall,” natataranta pa ring wika ni Vienna. Tapos na silang kumain pero hindi pa rin sila tumatayo. Zeuter started roaming his eyes around them to look for the bodyguard. A man is sitting outside the restaurant that is looking at them. Nang tumango ng isa ang lalaki ay nakahinga ng maluwag si Zeuter. That was the bodyguard his mother hired. “Let’s go, Vien.” Without looking at those hoodlums-looking men, Zeuter and Vienna started to walk. Muntik pang matampilok ang dalaga sa sobrang nataranta na makalayo sa anim na kalalakihan. Kung saan-saan sila nagpunta para mailagaw ang mga ‘yon bago sila magpunta sa Field of Happiness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD