15

2104 Words

Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay hindi kaagad siya nakagalaw. Iniisip pa niya kung tama ba ang kaniyang narinig o naalimpungatan lang siya. Hindi naman pamilyar ang tinig na iyon kaya babaliwalain na sana ni Zeuter. “Naririnig mo ako,” pagpapatuloy pa kasabay ng kahol ng aso. Nagsalubong ang kaniyang kilay. Matagal siyang napatitig sa kaniyang alaga na unti-unti nang sumisilay ang ngisi. Kinilabutan siya. Ngayon niya lang nakita ang ngisi ng aso niya. Hindi naman nakakatakot pero kakaiba sa pakiramdam na mangitian siya ng aso. “Ruza…” natatarantang aniya. “Tama, ako nga. Sa wakas ay unti-unti mo nang natatanggap ang kakaiba sa ‘yo.” “What the hell is going on?” Napaatras si Zeuter nang malamang mula sa aso nga niya ang boses na gumising sa kaniya. “Huminahon ka, Zeuter Phi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD