Chapter 6: Hinuha

2030 Words
Pagkapanood sa balita ay sumakay na kaagad sa ibang van sina Myrna at Prances. Si Caloy pa rin ang driver. Sa pagkakataong ito ay kasama na nila si Red at dalawa pa nitong mga tauhan. Papunta na sila ng Wuhan. Hindi na nila nakuha pa ang iba pa nilang mga gamit. Nagmamadali na sila. Nasa dulong hanay sila ni Prances nakaupo. Hindi siya nito pinapansin. Malayo ang tanaw nito. "Ces hindi mo na ako pinansin after nating panuorin ang news. Galit ka ba sa akin?" Napahalukipkip siya. "Niligtas na nga kita tapos ikaw pa ang galit dyan." "Bakit naman ako magagalit eh niligtas mo nga ako hindi ba?" Saka ito bumuntong hininga. "Pero nagtatampo ako sayo Myrns." "Huh? Bakit ka naman nagtatampo? May ginawa ba akong masama?" Labis siyang nagtaka sa pagtatampo nito. "Researchers tayo at sobrang halaga ng misyon nating ito. Isang buwan bago tayo ipadala rito ni Boss X, nakalimutan mo na ba ang hinuha niya? Alam kong may duda ka na sa pwede nating datnan dito. Ganoon din naman si Boss X di ba?" Tugon nito. .......... Isang buwan bago sila ipadala sa China. "Bakit kaya tayo ipinatawag ni Boss X?" Tanong ni Myrna kay Prances. Nasa malaking laboratoryo sila ng Techno Bio Lab. "Kadalasan hinahayaan niya na tayo sa mga mission at expeditions natin di ba? Tingin mo may something dahil bagong dekada? Naniniwala pa rin kaya sila sa trend ng paglaganap ng mga virus sa mundo na nagaganap ang mga 'to sa pagsisimula o pagtatapos ng isang bagong dekada?" "Alam mo Myrns hindi ko rin alam kung bakit tayo pinatawag eh. Ang alam ko lang ay mahalaga nga ito. This is a code red mission according to our rules nang pumasok tayo ng lab. Ang mga senior researchers kapag pinatawag ng lab head ay may importanteng misyon tungkol sa isang mahalagang virus sa usapin ng mundo." Tugon ni Prances saka in- scan ang ID sa pinto ng opisina ni Boss X. Dahil first time nilang nakapasok sa opisina ng kanilang head ay manghang- mangha sila sa nakita. Puno iyon ng iba't- ibang uri ng halaman. May mga insekto ring nakalagay sa transparent containers. "Plantito pala si Boss X." Natatawang komento ni Myrna. "Tumahimik ka dyan baka marinig ka." Pagsaway sa kanya nito. "My ladies. Tuloy kayo." Sa gitna kung saan punung- puno ng malalaking herbs ay lumabas si Boss X. Isa itong matandang lalaki. Puti na ang lahat ng buhok. May kalakihan ang tiyan nito at nakaupo sa isang hi- tech na wheelchair. "Boss X?" Sabay nilang nausal. Dahan- dahan silang lumapit dito saka yumukod upang magbigay pugay. Kahit hindi nila nakikita ang kanilang pinuno ay mataas ang paggalang nila rito. Sa mga nilalabas lang nitong mga utos, papeles at misyon na natatanggap nila via email, message o tawag ay alam na nila magaling at matalino itong tao. "Finally, nakilala ko na ng personal ang dalawa sa pinakamagaling na researchers ng Techno Bio Lab." Saad nito sa kanila. Husky ang boses nito. "Masaya rin po kaming sa wakas ay makilala kayo. Isang pong karangalan na maipatawag ninyo Boss X." Sambit ni Prances habang patuloy na nakayuko. Itinaas naman ni Myrna ang kanyang ulo. "Code red po ito dahil ipinatawag niyo kami. Ano pong nangyayari?" Walang pakundangan niyang tanong sa kanilang pinuno. "Gusto ko ang pagiging straightforward mo Myrna." Pinihit nito ang wheelchair saka tumalikod sa kanila. "Sundan niyo ako." Nagtungo sila sa mesa nito sa hindi kalayuan. May kinuha itong sobre sa cabinet ng mesa. Inabot nito iyon sa kanya. "Ano po ito?" "Iyan ang sulat na pinadala ng Prime Minister ng Australia sa pangulo ng Pilipinas. Lihim na pinadala 'yan. Hindi via email or messages dahil baka ma- trace. Sinasaad sa sulat na kontrolado na ng isang sindikato ang Pacific lab ng Australia. Ka- tie up ng lab ang China at North Korea. Hindi alam ng Prime Minister kung anong sindikato ito. Ang alam niya lang base sa pagiimbestiga ng mga tauhan ng ministro ay may binubuong virus ang Pacific Lab sa utos na rin ng nasa likod ng sindikato. Kung ano ang dahilan kung bakit may bagong virus ay wala pang nakakaalam." "Kung totoo pong sindikato ang kumokontrol sa research lab ng Australia ay malamang hindi para sa mabuti ang purpose ng virus kapag nakalabas sa publiko." Pagsingit niya rito. "Tama ka. Iyon ang inyong misyon ngayon. Alamin kung ano ang virus na ito at magdala ng sample sa ka- tie up natin sa Britanya upang mapagaralan nila. Kaya na ng facility natin na mag- aral ng mga bagong virus ngunit mas mabilis itong magagawa sa Britanya." "Sa Australia po ang punta namin?" Tanong ni Prances. Umiling si Boss X. "Sa Wuhan." "China?" Gulat niyang reaksyon. "Oo. Ayaw ng sindikatong sa Australia gawin ang virus kaya sa ka- tie up nilang bansa ginawa ang virus. Sa China." Inabutan sila ng tig- isang folder ng kanilang pinuno. "Nariyan ang lahat ng pera at dokumentong kakailanganin ninyo. Hindi lang kayo basta- basta researcher na magtutungo roon. You will also serve as an undercover. Hindi kayo magiging welcome sa laboratoryo sa Wuhan. Ilang buwan nang ipinagkakait ng Pacific Lab ang mga findings nila. They are not cooperating sa iba pang research lab sa mundo. Baka may iba na ring undercover ang ipinadala ng iba pang laboratoryo sa mundo sa Wuhan. You might meet them their." "Parang mission impossible na po ito Boss X. Paano naman po ang security namin?" Muli niyang tanong. "Keep in touch sa ating IT team. They will help you. May contact na rin sila sa security team natin sa China. Act normal pagdating niyo sa China. Kunyari'y normal na research lang ang tungo niyo roon. Magdagdag na rin kayo ng ilang araw na bakasyon upang mas lalong hindi maging kaduda- duda ang inyong kilos. Isang buwan mula ngayon magsisimula ang inyong misyon. Sapat na panahon upang ayusin ang lahat ng iba pa ninyong kakailanganin at upang hindi gumawa ng ingay ang misyon na ito." Kumuha ng spray bottle si Boss X saka diniligan ang halaman sa mesa nito. "This is code red. Ang misyon ninyo ang pinakamahalaga sa lahat. Isang posibleng pandemya ang inyong maaaring mapigilan. Isang mas malalang virus ang nasa kamay ninyong sugpuin. You must prioritized the mission above anything else." .......... "We must prioritized the mission above anything else. Diversionary tactic lang ang ginawa ng mga nagpadukot sa akin upang hindi tayo makapag- focus sa Wuhan. Tingnan mo ang nangyari may na- infect na ang virus. Nasa labas na ito at posibleng kumalat sa mundo." Inalis nito ang paningin sa kanya. "Nakakatakot ang balita kanina. Zombie virus ba 'to? Bakit niya kinain ang sarili niyang laman? Paano kung mas malala pa sa zombie virus na sa pelikula lang natin napapanuod ang virus na ito?" Naiintindihan niya ang pinanggagalingan ng kaibigan. May mga mahal ito sa buhay na nawala dahil sa COVID- 19 pandemic. Ayaw lang nitong maulit ang malagim na nakaraan para sa ibang mga tao sa mundo. "Sorry na Ces. Ayaw ko lang na mapahamak ka." Saad niya saka hinawakan ang mga kamay nito. Muli siya nitong hinarap. "Hindi ako mahalaga Myrns. Mas mahalaga ngayon ang misyon natin." She just looked her in the eyes bago sumagot sa sinabi nito. "Mahalaga ka. Sobrang mahalaga ka sa buhay ko. We're partners. We're best of friends. Higit sa lahat pamilya na tayo. Hindi ko magagawa ang misyon na ito kung wala ka sa tabi ko. This is code red mission for the both of us. Hindi lang sa akin. Ito ang tama. Magkasama tayong pupunta sa Wuhan upang alamin ang totoo." Matipid na ngiti ang naibigay nito sa kanya. Hinawakan na rin nito ang kanyang mga kamay. "Thank you Myrns. Thank you. Kagagaling ko lang din kasi sa break up di ba? Masyado akong naka- focus sa mission na ito. Isa pa ayoko nang maulit na mamatayan ng mahal sa buhay dahil sa isang virus. Thank you partner." Binawi niya ang mga kamay dito. Siya naman ang napatingin sa labas. "Oh? Ikaw naman ang nag- emote dyan? Ano ba kasing nangyari sa hotel?" Puna nito. "Si Jonathan ang nasa likod ng nangyari sayo. Siya ang head na pala ang head ng Pacific Lab. Malamang ay nakikipagsabwatan siya sa Team Spider. Nagkita kami sa hotel." She responded with a lot of regret in her voice. "What the f**k. Ambisyoso talaga ang ex- fiancei mo eh no. So balak niya pang magpalaganap ng virus ngayon, ganon ba? Alam mo kapag nakita ko 'yan baka hindi ko matantsa ang lalaking 'yan. Dapat hinulog mo na sa bintana ng hotel 'yun eh." Gigil ito. Halatang nag- alala sa kanya. "Muntik na talaga. Nakailang sapak kaya ako 'dun. Nakatulog nga eh. Kung hindi lang ako nagmamadaling hanapin ka baka natuluyan ko na 'yun." Nabigla siya nang yakapin siya nito. Normal lang naman iyon sa kanilang mga babae pero may kakaiba sa yakap na iyon. Marahil dahil nagalala rin siya ng sobra kay Prances sa nangyaring pagdukot dito. Hindi niya yata kakayaning mawala ang kanyang partner. "Sige na hindi na talaga ako nagtatampo sayo. Thank you for saving me Myrns. Magkasama nating sosolusyonan ang misyong ito." Niyakap na rin niya ito nang mahigpit. "Ehem naman. Kasama rin kami." Panunukso ni Caloy. "Hahahaha! Oo na kasama na kayo Caloy. Ikaw din Red at ang dalawa nating kuya rito." Tugon niya sa kanilang driver. Humiwalay sa pagkakayakap si Prances. "Teka nga Myrns. Sino ba sila?" "Si Caloy ang driver natin. Myembro rin siya ng Security team ng alliance ng Techno Bio Lab internationally. Si Red naman ang pinuno nila. Sila kuya naman ay part ng security team." Tugon niya habang tinuturo ang mga ito. "Sila pala ang sinasabi ni Boss X noong kausapin niya tayo no?" "Oo sila 'yun." Tumatangong tugon niya. Seryoso lang at hindi umiimik si Red. Gayundin ang dalawa pang lalaki. "Serious sila no?" Pabirong tanong niya. "Oo eh." Saka biglang may tumawag sa phone ni Myrna. Unknown number iyon kaya nagdadalawang isip sana siya kung sasagutin. "Sagutin mo. Mahalaga ang bawat tawag ngayon. Pwede namang i- delete ng IT team natin ang record ng tawag para hindi tayo ma- trace." Seryosong utos ni Red. Bigla niya tuloy sinagot ang tawag. Walang pakundangan. "Hello?" Sinindihan niya rin ang loud speaker. "Myrna. Prances. Ako 'to si Boss X. Please open your camera. Video call ito." "Ay sige Boss X." "I'm sure napanuod niyo na ang balita tungkol sa unang infected ng bagong virus." "Yes po Boss X. Zombie like virus ito. Totoo kaya 'yun?" Tanong niya. "Mahirap magsalita sa ngayon. Ito ang nabalitaan namin may local transmission na ng virus sa Wuhan. Hindi palang nilalabas ang balita dahil pinipigilan ng gobyerno ng China. Nakuha ang detalyeng 'yan ng naunang team sa Wuhan ng research laboratory ng Amerika, ang NYC Lab. Kailangan niyong mag- ingat." "Ano raw po ang sintomas ng ibang mga nahawa? Paano nakukuha ang virus?" Tanong naman ni Prances. "Iba- iba ang sintomas. Dalawang buwan na raw na may local transmission." "Ano 'ho? Dalawang buwan na ang local transmission? Hindi na dapat nila hino- hold 'yan sa media. Kailangan balaan ang mundo sa posibleng pagkalat ng virus." Komento niya. "Tumatagal kasi ng isang buwan ang isang taong infected. Hindi nila in- expect na may local transmission na pala. Sa ikaapat na linggo lumalabas ang pinakamatinding stage ng virus." Dinig nila ang malalim na buntong hininga ni Boss X. "Gumagawa ng paraan ang taong infected upang mamatay siya. Kung ano ang pattern ay wala pang nakakaalam. Pero nagpakamatay dahil kinain ang sariling laman. May namatay dahil kumain ng sobrang dami. May namatay dahil sa paglangoy sa dagat. May nagpakain sa wild animals. Iba- iba. It's an airborne virus. Kapag nalanghap ang particles ng virus sa hangin ay posible na itong makahawa. Mag- iingat kayo sa misyong ito. Bring a sample of the virus sa Great Britain. Alamin niyo rin ang iba pang sintomas at kung ano ba talaga ang tina- target ng virus sa katawan ng tao." Saka naputol ang tawag ni Boss X. Tumigil din ang sasakyan. Nabalot ng katahimikan ang loob ng van. "Caloy bakit tayo huminto?" Si Myrna na mismo ang bumasag ng katahimikan. "Nasa bukana na po tayo ma'am ng Wuhan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD