Chapter 7: Paghahanda

1368 Words
"Grabe naman kung airborne ang virus na ito. Tapos malala pa yata sa pagiging zombie ang mga nai- infect. Ayoko pong maging zombie. Pwede po bang wag muna tayong tumuloy?" Tanong ni Caloy. "Paghandaan muna po natin ang pagpasok natin." "Wala na tayong oras." Supladang tugon ni Prances. Hinawakan ni Myrna ang kaibigan. "Tama siya Ces. Kailangan nating paghandaan ang pagpasok sa Wuhan at sa laboratoryo. Baka madaanan din natin ang lugar na may local transmission na ng virus. Ang mabuti pa ay mabilis tayo sumaglit sa pinakamalapit na botika. Mamili tayo ng gamot. Face mask. Face shield. Kung may oxygen tanks ay bumili na rin tayo." Pagsang- ayon ni Myrna kay Caloy. Nagbigay ba rin siya ng suggestions. "Heto nagpi- pin na ako sa maps ng pinakamalapit na botika. Mas okay kung sa malapit na ospital ang botika para mas kumpleto ang gamit." Saad naman ni Red. Habang nasa byahe ay may napansin si Myrna. "Parang ghost town na itong boundary ng Wuhan. Wala nang mga tao. Siguro noong pumutok palang ang balita ay nagsipag- alisan na sila. Napakatahimik. Nakakatakot." "Alam niyo ma'am dala na ang mga tao rito sa pandemic. Alam nilang ang unang kailangang gawin ay umalis. Grabe silang nadali noon ng COVID- 19 kaya malamang ay nagsiliparan na ang mga 'yun." Tugon naman Caloy sa kanyang naging puna. "Sana lang ay hindi pa malala ang community transmission. Dahil kung infected na rin ang mga lumikas na tao ay malamang makakahawa na sila sa mga lugar na pupuntahan nila. Sure na global pandemic na naman 'yun kung sakali." Sambit ni Prances. Nakakuha siya ng ideya mula rito. Kaagad niyang tinawagan si Yberr sa Pinas. "Yberr kailangan kang magpadala ng mensahe kay Boss X. Nako- contact niya kami pero nahihirapan kaming kontakin siya." "Ano po 'yun ma'am?" Tanong ng kanilang IT expert. "Ipagbigay alam mo kay Boss X na sabihan na ang presidente natin na mag- lockdown na sa Pilipinas. On the run na ang mga Chinese at iba pang residente rito sa Wuhan at sa kalapit nitong lugar. Hindi pa namin alam ang extent ng community transmission. Baka may infected na sa mga tao rito maliban sa mga naiulat. Kung isang buwan bago ang dead end ng virus ay baka hindi alam ng mga tao na nahawa na pala sila. I- lockdown niyo na ang Pilipinas kung ayaw niyong kainin niyo ang sarili niyong mga laman dyan!" "Y- yes ma'am." Tila natatakot na tugon nito. "Magaling nga kayo." Seryosong saad ni Red. "Alam niyong kailangan na ng mahigpit na border boundaries ngayon. Hindi biro ang pagpasok ng bagong dekada. Isang bago na namang virus ang lalaganap. Sana lang ay makinig ang pangulo." "Subukan niyang hindi makinig. Sana hindi na sila nagpatayo ng malaking research lab sa bansa kung hindi rin naman sila makikinig sa atin." Komento ni Myrna. "Ngayon palang bumabawi ang Pilipinas sa lahat ng naging utang natin noong COVID- 19 pandemic. Itinatayo ang Techno Bio Lab mula sa utang. Walang- wala pa tayo noon. Ngayon lang tayo naging ganito kalakas. Maaatim ba nilang isarado nalang ulit ang ekonomiya ng bansa?" Isang masakit na katotohanan ang sumunod na inusal ni Red. "Ipagdasal nalang natin na maging maayos kaagad ang lahat." Caloy said saka nag- park sa labas ng isang botika malapit sa isang ospital. "Hindi mo bagay maging relihiyoso Caloy." Saka niya binuksan ang van. Nauna silang bumaba ni Prances. Nagtakip sila ng ilong gamit ang panyo. "Sarado na 'tong botika. Parang sarado na rin ang ospital. Walang katao- tao." Nagmasid- masid na si Prances. Nakababa na ang lahat ng sasakyan. Lahat sila ay may takip sa ilong at bibig. "May iba pa sigurong botika. Tumingin tayo ng hindi naka- lock." Naglakad- lakad pa sila. Sunud- sunod naman ang mga botika ngunit nakakandado na ang mga ito. Hanggang sa narating nila ang pinakamalapit na botika sa gate ng ospital. Nakataas ng kaunti ang harang nito. Hindi iyon nakakandado. Kinasa nila Red ang dalang mga baril. Umakma naman si Caloy na itataas ang pinto. "Mag- iwan nalang tayo ng pera kung walang tao. Kunin na natin lahat ng kailangan natin." Suhestyon ni Myrna. Sumang- ayon naman ang lahat. Pagtaas ni Caloy ng pinto ay tumambad ang isang Intsik na babae sa kaha ng botika. Kinakain nito ang iba't- ibang gamot. "Tigilan mo 'yan!" Pipigilan niya sana ito nang suwayin siya ni Prances. "Wag Myrns! Infected na siya. Nakalabas na ng Wuhan ang virus. Hindi mo pwedeng malanghap ang hininga niya o matalsikan ng laway niya. Baka mahawa ka." "Papano tayo ngayon kukuha ng mga kailangan natin kung nandyan ang babae?" Tanong ni Caloy. "Miss. Miss? Excuse me miss? Can we buy some face mask, face shields, medicine and oxygen tanks?" Tanong niya rito ngunit hindi siya nito pinansin. Patuloy lang ito sa pagkain ng iba't- ibang tableta ng gamot. Para itong gutom na gutom. Ilang saglit pa'y umalingawngaw ang baril mula kay Red. "Oh my God!" Bulalas ni Prances. "Anong ginawa mo Red?! Bakit mo pinatay 'yung babae?" Saka niya hinampas ang balikat nito. "Pwede ba Myrna pinadali ko nalang ang buhay niya. Sa dami ng ng kinain niyang gamot ay mamamatay na rin siya. Nasa huling bahagi na siya ng infection niya sa virus. That's the best thing we can do for her." Lumapit ito sa kanya. "Kung kayo ang nangunguna sa pag- alam ng virus na ito. Kami naman ang security team ninyo. We need to keep you safe. Kaya sa susunod wag niyong kukwestyonin ang mga desisyon ko." "For your information kasama sa inaalam namin ang solusyon sa virus na ito. Baka mag tsansa pang gumaling ang babaeng pinatay mo." Nakipagtitigan siya rito. Makikipagsagutan pa sana siya nang awatin na siya ni Prances. "Tama na 'yan Myrns. Kumuha na tayo ng mga kailangan natin." Kumuha sila ng maraming supply saka nilagay ang mga 'yon sa likod ng van. Pasakay na sana sila nang van nang isang babae ang humahangos mula sa ospital. "Help! Help! Help!" Tila banyaga ang babae mula sa Western countries. Hindi ito mukhang Intsik. Yumakap ito sa isa sa mga tauhan ni Red. "Please help me." Umakmang babaril na naman si Red. "Seryoso ka ba Red? Lahat nalang papatayin mo? Paano tayo makakahanap ng sagot niyan sa nangyayaring 'to?" Pinigilan niya ito. "Hindi sa mga taong hindi natin kilala at walang alam sa syensya natin aalamin ang kailangan natin. Doon sa Wuhan kung nasaan ang laboratoryo naroon ang sagot! Lahat ng taong makakasalamuha natin ay posibleng infected. We should eradicate them." "Alam mo ikaw kanina ka pa. Hindi tayo narito para pumatay. Eradicate talaga? Pwede namang umiwas nalang tayo eh." Si Prances na ang tumugon. Marahil ay napuno na rin ito kay Red. "Oh! Hep hep! Hooray! Magkakakampi tayo rito! Tayo pa tayo ang mag- aaway! Chill niyo lang guys!" Pag- awat ni Caloy. "Isama na natin ang babae. English speaking siya. Maaari natin siyang tanungin sa mga alam niya. Kailangan din natin ng detalye mula sa mga tao sa paligid. Please." Pakiusap niya rito. Tumango na sana si Red ngunit mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Tinanggal ng babae ang scarf na nakalagay sa ilong ng tauhan ni Red saka ito dinuraan. "If you will not save me then I will infect this man! Aaaaah!" Sa isang iglap ay pinagbabaril na ni Red ang babae. Humandusay sa daan ang duguan nitong katawan. "'Yan na ang sinasabi ko sa inyo eh. Alam niyang infected na siya. Ang kukulit niyo kasi. Ang survival natin ang pinakamahalaga ngayon. Kailangang makuha natin ang lahat ng impormasyon sa virus doon sa Wuhan at hindi sa kung sinu- sino." Mas lalo nilang hindi kinaya ang sumunod nitong ginawa. Binaril naman nito ang sariling tauhan na dinuraan ng babae. "Putang ina mo!" Saka niya ito pinagsusuntok sa balikat. "Ano?! Mahahawa na siya! Di ba sa hangin daw kumakalat ang virus? Ano isasama pa natin siya sa van? Para lahat tayo ma- infect ganon ba?" Hinigit ni Myrna ang kwelyo nito. Nagtatagis ang kanyang bagang. "Researcher ako. Kami ni Prances. Katotohanan at solusyon ang pakay namin dito. Hindi kami nandito para magpaka- brutal katulad mo. Ito tandaan mo. Sana hindi dumating ang panahon na kailangan naming gawin sayo ang mga ginawa mo sa taong mga 'yan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD