Chapter 5: Habulan

1391 Words
Parang nasa fast and furious movie si Myrna habang nakasakay sa sports car. Swabe ang tunog habang humaharurot ang sasakyan. Hindi lang kasi iyon basta- basta sports car. Isa rin iyon sa pinakamabilis na sasakyan sa buong mundo. Pagtingin niya sa screen ng kanyang phone ay ilang kilometro nalang ay maabutan na nila ang van kung saan lulan si Prances. "That's the van! That's the van!" Saad niya sa driver. "Inglesera ma'am?" Sarkastikong tugon ng driver. "Kanina ka pang English ng English dyan eh Pinoy naman ako." Tinitigan niya ito. "Huh? Mukha kang may lahi?" "Half Pinoy. Half German Sheperd ba ma'am? Hahaha! British po kasi ang tatay ko. Binuntis lang ang nanay ko na Pinay. Ako nga po pala si Caloy, ang inyong poging driver. At yourr service. Part po ako ng security team ng Techno Bio Lab sa international affiliates nito." "Hi Caloy. I'm Myrna. Kagigil ka. Kanina pa ako left, right, lfet, right dito dahil akala ko English speaking ka. Pero infairness ah ibang klase na talaga ang Techno at ang Pilipinas. Para na tayong isang malaking mafia ng mga researchers. May security team pa sa iba't- ibang bahagi ng mundo." Komento niya rito. "Alam kasi ng Techno at ng gobyerno ang panganib ng pagkakaroon ng research lab. Mas nakakatakot pa sa nuclear war ang viral warfare kapag nagkataon. Matapos mangyari ang pandemya ng COVID eleven years ago ay mas naging vigilant na ang mga bansa sa susunod na virus na lalaganap sa buong mundo. Naka- tie up ang Techno Bio Lab sa iba pang mga bansa tulad ng US, Great Britain at Vietnam kaya tama kayo all over the world tayo. Researchers at security team lagi tayong handa parang boy scout." "Alam ko naman 'yan. Samantalang ang China, Australia at North Korea naman ang may tie up. Mailap din sila sa impormasyon na binibigay nila sa kanilang mga research kaya pinapunta kami rito ni Boss X upang alamin ang may something sa Wuhan. It's a new decade mahirap na." Si Boss X ang head ng Techno Bio Lab ng Pilipinas. "Nakakapagduda na tuloy lalo ngayon dahil sa nangyaring ito sa partner ko. Mukhang may nilulutong bagong pasabog ang team ni Jonathan. Mas malaki. Mas nakakatakot na virus ang suspetsa ko." "Mukhang mapapalaban tayo ma'am. Kuha ka nalang po ng laruan mo sa likod." Saka ito ngumuso sa likurang bahagi ng sports car. Nanlaki ang kanyang mga mata. Iba't- ibang sandata ang naroon. Mula sa matataas na kalibre ng baril. Meron din mga espado at pana. "Wow! Hindi ako marunong gumamit ng mga 'yan. Marunong akong mag- martial arts pero hindi pa ako nakahawak ng ganyan. Researcher pa rin ako at scientist. Hindi ako assassin." Nakangising tugon niya habang patuloy pa rin siya sa pagmasid sa mga sandata. "Hindi ordinaryong mga sandata yan ma'am. Hi- tech ang mga 'yan. Kung ako po sa inyo kumuha na kayo. Mapapalaban tayo. Rock on!" "Aaaaaaaaah!" Saka siya napaabot ng isa sa mga baril. Para lang iyong ordinaryong calibre 45 na baril. Napasigaw siya dahil may sumagi sa bahagi niya. Paglingon niya sa bintana ay iyon na ang van ng Team Spider. "Heto na sila." "Nasa tulay tayo ma'am. Ang ilalim nito ay dagat. Balak nila tayong ihulog kaya binubunggo nila tayo." Kalmado at pa- cool na saad ni Caloy na para itong nasa action movie. "ANO?!" siya naman ay hindi na magawang maging kalmado pa. Hindi eepekto sa kanya ang Jaclyn Jose acting sa mga sandaling iyon. "Anong dapat nating gawin?! Tell me!" Ilang saglit na ay may bumabaril na sa kanyang side. "Aaaaaaaah!" Sigaw niya. "Bullet proof po ito ma'am. Kailangan nating gumanti sa kanila. Barilin niyo rin po sila." Utos nito sa kanya. "Wow naman ah. Sabi ko nga sayo hindi pa ako nakakagamit ng baril. So ano bubuksan ko ang bintana dito sa tapat ko? Paano kung mabaril ako? 99% sure ako na mababaril ako. Kaya NO! Hindi ko gagawin 'yan." "Kailangang maubos natin ang hitter nila bago pa man tayo mahulog sa tulay. Kailangang manatili tayo rito sa ibabaw bago dumating ang iba pa nating kasama. Perfect po 'yang hawak niyong baril para sa first timer." Hindi pa rin ito tumigil sa panghihikayat sa kanya. "No! Sabi ko nang hindi di ba? Para na akong nagpakamatay kapag binaba ko 'tong bintana. Walang perfect na baril sa isang babae na first time makahawak nito." Pagmamatigas niya saka siya humalukipkip. "Mag- drive ka nalang dyan. Unahan mo sila. Sports car 'to mas mabilis dapat tayo sa kanila." "May kakaiba sa sasakyan nila. Mabilis din sila." Muli silang binunggo sa tagiliran ng van. Muntik na silang mahulog sa tulay. Kumiskis na ang kabilang gilid nila sa edge ng tulay. Nakakapangilo iyon. "Ma'am mamamatay tayo rito kapag hindi ka bumaril sa kanila! Kusang may lalabas na parang payong dyan sa bunganga ng baril. Shield 'yun kaya hindi ka tatamaan. Tapos ay kusang mage- aim ang baril na yan sa kalaban." Paliwanag nito habang mahigpit ang hawak sa manibela. "Aaaah! Amazing! Ganon ba? Bakit hindi mo sinabi kaagad na ganon pala ang baril na 'to?" "Kanina ko pa po sinasabing hi- tech ang baril na 'yan di ba?" Walang paa- paalam nitong binuksan ang bintana sa tabi niya. "Gago ka! Putang ina mo Caloy bakit mo binuksan?!" Wala na siyang choice kundi pindutin ang gatilyo ng baril. May shield nang lumabas at kusang bumaril ang baril. Tatlo yatang sakay ng van ang natamaan at nahulog dahil sa ginawa niya. "Wow! Kita mo 'yun? Nakapatay ako! Diyos ko po!" "Palapit na tayo sa dulo ng tulay ma'am. Macau na 'yan paglampas natin. Nag- aabang dyan ang iba pang security team ng Techno. Kumapit po kayo. May magaganap na labanan." Napalunok siya sa sinabi nito. Dagli rin siyang napahawak. Sa bukana ng Macau ay tumigil ang van. Nakaabang na nga roon ang mga lalaking nakasuot ng puti. Tila ang mga 'yun ang tinutukoy ni Caloy na security team ng Techno. Nakatayo sa gitna ang isang matangkad na lalaking kulay pula ang buhok. Kayumanggi ang kulay ng balat nito. "Si Red po 'yang nasa gitna. Siya ang pinuno ng security team ng Techno Bio Lab. Hawak niya ang buong security team sa buong mundo. Purong Pinoy po 'yan ma'am. Iba't ibang martial arts ang alam niya. At lahat ng sandata sa likod ay kaya niyang gamitin ng MAAYOS." "Bakit may pagbibigay diin sa maayos?" Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi na ito nakatugon pa. Kumuha rin si Caloy ng baril sa likod saka bumaba ng sasakyan. Bumaba na rin siya. "Team Spider! Give me the woman! She's our researcher. If you will not give her, I'll make sure that you'll regret this." Saad ni Red. Bumaba sa van ang isang malaking lalaki. Para itong bouncer sa bar. Puno rin ang katawan nito ng tattoo. Ngunit higit na kapansin- pansin ang malaking gagambang tattoo sa kamay nito. "Sino naman 'yan?" Tanong niya kay Caloy. "Siya si Cutie." Tugon nito. "Hahahaha! Ano Cutie?" Natatawa niyang tugon. Binigyan siya ng masamang tingin ni Cutie. "Wag kang tumawa. Afraican 'yan. Siya ang pinuno ng Team Spider. Kilalang mamamatay tayo 'yan." Napalunok siya. "Sorry. Ang cute ng name mo Cutie. Sorry." "Don't worry Red. I will give the woman to you. My mission ends here." Saka nito muling binuksan ang pinto ng van. Bumaba roon si Prances. "Prances..." saad niya. "Bye Red. See you again soon." Saka sumakay si Cutie sa van at humarurot na iyon palayo. "Prances!" Nagtatakbo siya palapit sa kaibigan. "Ces okay ka lang ba? Hindi ka ba nila sinaktan?" Dali- dali niya itong niyakap. Labis siyang nag- alala sa lagay ng kaibigan. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso habang nakayakap dito. Humiwalay ito sa pagkakayapos niya. Kakaibang titig ang binigay nito sa kanya. "Hindi mo na dapat ako sinundan pa Myrns. Sana ay dumiretso ka na sa Wuhan." "Huh? Hindi kita pwedeng iwan. Isa pa bukas pa naman ang punta natin sa Wuhan di ba?" Nagtatakang tanong niya rito. "Huli na tayo Myrns. Huli na tayo. Open your phone, sa news." Kagyat nga niyang kinuha sa kanyang bulsa at nagpunta sa Youtube News upang makapanuod ng balita. "A new virus is now spreading in Wuhan. Nobody knows about the symptoms of the unknown virus and how it will be transferred. But the first person who got infected ate her own flesh until she was dead."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD