Chapter 9 " THE DISAPPEARANCE "

1304 Words
Ang araw ay unti-unting sumisikat sa bayan ng Sta. Monica, ngunit ang liwanag nito ay hindi sapat upang magbigay liwanag sa misteryong bumabalot sa katedral. Sa loob ng kumbento, ang katahimikan ng umaga ay biglang naputol ng isang utos. Sister Merriam : (malumanay ngunit may diin) "Jojo, pakigising na si Mang Carlos. Hindi pa siya lumalabas ng kanyang silid mula pa kagabi at hindi parin siya kumakain, at nag-aalala na ako." Jojo Baltazar : (tumango) "Opo, Sister Merriam. Agad ko po siyang pupuntahan." Habang naglalakad si Jojo patungo sa silid ni Mang Carlos, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Ang mga bulong-bulungan tungkol sa hardinero at ang kanyang kakaibang ikinikilos ay laganap na sa buong simbahan. Jojo Baltazar : (kumakatok) "Mang Carlos? Mang Carlos, gising na po. Pinapatawag kayo ni Sister Merriam. Walang tugon. Ang katahimikan ay mas lalong nagpalakas sa kabog ng kanyang dibdib. Bumalik si Jojo sa kinaroroonan ni Sister Merriam, kasama ang iba pang mga tauhan ng simbahan. Jojo Baltazar : "Sister Merriam, kanina pa po ako kumakatok sa pintuan ng silid ni Mang Carlos pero hindi po niya ako pinagbubuksan." paliwag nito. Daniel Alipio : (nag-aalala) "Baka may nangyaring masama kay Mang Carlos..." Marvin Vargas : (pabulong) "O baka siya ang may kinalaman sa mga nangyari..." Jenny : (nanginginig) "Dapat na nating buksan ang pinto. Hindi na ito normal sister Merriam." Nagkatinginan ang lahat at nagkasundo. Si Sister Merriam, na may hawak na susi, ay lumapit sa pinto ng silid ni Mang Carlos. Sa isang iglap, ang pinto ay bumukas, at ang kanilang mga mata ay nanlaki sa nakita. Sister Merriam : (gulat na gulat) "Wala si Mang Carlos!" Ang silid ay magulo, tila may nagmamadaling umalis. Ang bintana ay bukas, at ang mga kurtina ay marahang umiindayog sa ihip ng hangin. Ang pagkawala ni Mang Carlos ay nagdagdag ng isa pang palaisipan sa kanilang lahat. Ang mga kakaibang pangyayari sa Sta. Monica Cathedral ay tila muling nagbabadya ng isa na namang kaguluhan. Sa ilalim ng maalinsangang sikat ng araw, ang bakuran ng Sta. Monica Cathedral ay naging entablado ng isang mahalagang pagtitipon. Ang mga awtoridad na sina Chief Inspector Vonmark Del Rosario, Major Ivana Canlas, at Detective Allen Mendoza ay dumating para sa imbestigasyon. Sinalubong sila ng mga tauhan ng simbahan—Sister Merriam, Jenny, at ang tatlong sakristan na sina Marvin, Jojo, at Daniel—na may halong pag-aalala at pag-asa sa kanilang mga mata. Vonmark : “Magandang umaga sa inyong lahat sister Merriam ano po ba ang nangyayari dito." Merriam : “Chief Del Rosario, kami po ay lubos na nag-aalala para kay Mang Carlos. Mula pa po kagabi ay hindi namin siya nakitang lumabas ng kanyang silid pero kanina ay inutusan ko si Jojo para gisingin siya dahil batid kong magdamag siyang hindi kumain pero hindi po siya sumasagot kaya napilitan akong buksan Ang kanyang silid gamit ang master key na nasa aking pangangalaga at nadiskubre naming wala siya sa loob." Ivana : “Salamat, Sister Merriam. Maaari ba ninyo kaming samahan sa silid ni Mang Carlos? " Merriam : " opo mam, sir please sumunod po kayo sa akin. Sumunod Ang tatlong alagad ng batas at nasa likuran naman nila ang tatlong sakristan at si sister Jenny. Pagdating nila sa bahagyang nakaawang na pintuan ng silid ni Mang Carlos ay unang pumasok doon si Vonmark at sumunod sina Ivana, Allen at Sister Merriam, naiwan sa labas ang apat. Tumambad sa kanilang paningin ang magulong kuwarto ni Mang Carlos na animoy dinaanan ng bagyo. Halatang kinalkal ito na parang nagmamadali at may hinahanap. Maluwang ang silid na siyang napili ni Mang Carlos na manatili kung saan naroon ang ilang kagamitan ng simbahan, mga lumang rebulto at mga dating chandeliers na ginamit noon pang una. Bukod sa silid ni Mang Carlos ay mayroon pang isa pang silid kung saan nakalagay ang mga lumang bibliya at iba pang mga polyeto at magazine. Samantala, ang mga bantay ng barangay, kasama ang iba pang pulis, ay maingat na nagsasagawa ng paghalughog. Ang bawat sulok ay kanilang sinuri, sinuyod din ng tingin ang mga malagong halamanan at nagbabakasakali na naroon lamang si Mang Carlos at nagpapalamig. Sa isang sulok, may nakita silang isang lumang kahon na may lamang mga sulat at larawan. Ang mga larawan ay nagpapakita ng iba’t ibang yugto ng buhay ni Mang Carlos—mula sa kanyang kabataan hanggang sa kanyang pagtanda. Ngunit isang sulat ang nakakuha ng kanilang pansin, isang sulat na tila naglalaman ng mahalagang impormasyon tungkol sa nakaraan ni Mang Carlos na maaaring magbigay liwanag sa kanyang pagkawala. Vonmark : “Tingnan mo ito, Ivana. Ang sulat na ito, mukhang matagal nang nakatago. May mga pangalan dito na maaaring konektado sa kaso.” Ivana : “Kailangan nating ipa-analisa ito agad. Maaaring ito na ang susi sa paglutas ng misteryo ng pagpatay sa mga kaparian at pagkawala ng isang estudyante.” Habang binubuklat ni Ivana ang iba pang mga papeles, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Detective Allen hawak ang isang bagay na tila mahalaga. Detective Mendoza : “May natagpuan ako sa kabilang silid,” sabi niya, hawak ang isang lumang portrait na may nakasulat sa likurang bahagi nito na isang tila maikling tula o panalangin na nakasulat sa wikang LATIN. In silentio ante procellam, Pactum susurratum, forma renata, Campana sonat pro perfidis, In tenebris, "Dic Amen." Votum umbrae, dolor martyris, Per sacras aedes, resonantia deficiunt, Supplicium venit, in sanguine, non imbre, In silentio, "Dic Amen." Pagkabasa ni Vonmark at Ivana ang nakasulat ay napakunot ang kanilang noo. Ivana : " it's written in Latin if I'm not mistaken, so kailangan natin itong isangguni sa mga experto kung ano ang ibig nitong iparating." Allen : " Yes, I agree with you major Ivana at may palagay akong isa itong tila pagbabadya ng napipintong mga mas malagim na pangyayari na darating, kaya dapat tayong maging handa." komento ni Allen. Samantala ay walang imik si Vonmark dahil naka focus ito sa mga taong nasa portrait. Ang nasa old portrait ay naroon ang Anim na pari na nakadestino noon sa anim na simbahan na nasasakupan ng Sta. Monica Municipality. Ang portrait ay kuha sa harap ng grandiosong facade ng katedral. Vonmark : " Kailangan din nating sumangguni sa federation of priest kung saan ay matutukoy natin kung sino sino ang mga paring ito na nasa potrtrait kung mayroon pa sa kanila ang buhay pa magpahanggang ngayon. " Tumango naman ang dalawa bilang pagsang ayon. Sa gitna ng kanilang mabigat na usapan, biglang bumukas ang pinto ng lumang silid-aklatan kung saan naroroon sina Vonmark, Allen, at Ivana. Pumasok ang isang batang pulis, hingal na hingal at bakas sa mukha ang matinding pangamba. Tila ba may habol na demonyo sa bilis ng kanyang pagtakbo. Police Officer : “Sir, ma’am,” hingal niyang simula, habang pinupunasan ang pawis sa noo. “May… may natagpuan po kaming damit na may bahid ng dugo sa pinakamatandang puno ng narra sa labas ng simbahan.” Napalingon si Ivana, ang kanyang mga mata’y lumaki sa takot. Ivana : “Anong damit?” tanong niya, ang boses ay halos pabulong. Pulis : “Uniporme po… uniporme ng estudyante mula sa Sta. Monica Elementary School,” tugon ng pulis, ang boses niya’y nanginginig. Nagkatinginan sina Vonmark at Allen, parehong hindi makapaniwala. Bago pa sila makapagsalita, isang sigaw ang umalingawngaw mula sa labas, na nagdulot ng kabalisahan sa lahat. Tanod : “May kulto!” sigaw ng isang barangay tanod, ang boses ay puno ng takot at babala. “May mga gumagalang kulto sa ating bayan!” Nagdulot ito ng kaguluhan sa loob ng silid.Sa labas, ang langit ay unti-unting dumidilim, at ang mga anino ay tila kumakapal sa paligid ng matandang puno ng narra. Isang palatandaan na paparating na ang bagyo na kamakailan lamang ibinalita sa radyo at telebisyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD