Chapter 10 " THE REPLACEMENTS "

1082 Words
Kinumpirma ng mga magulang ng nawawalang estudyante na ang uniporme na natagpuang duguan sa may puno ng narra ay pag aari ni Marian. Dahil sa pangyayaring iyon ay lalong nagdulot ito ng matinding bagabag sa mga residente ng Sta. Monica. Mas lalo pang pinaigting ang ginagawang imbestigasyon sa kaso sa atas ng alkalde. Nakatanggap ng tawag buhat kay mayor Ariston Valmores si Chief inspector Vonmark Del Rosario na ipinapasabi na darating anumang oras ng hapon ang mga itinalagang ipapalit sa tatlong pari na nasawi. Itinagubilin sa kanila ng alkalde na kung maaari ay sila ang susundo sa mga ito. Ang mga pangalan ng mga pari ay sina Father Demetrio Perez na siyang hahalili kay father Vincent, father Jessie Esperon kapalit ni father Albert at father Dennis Mateo na kapalit naman ni father Martin. Ang tatlong nasabing pari ay magmumula sa ibat ibang mga dako kung kaya't napagpasyahan ng tatlong alagad ng batas na paghatian na lamang ang nakatalagang gampanin upang makatiyak ang mga ito na ligtas ang mga pari na makasapit sa bayan sa kanya kanyang destino. katulad ng nakasanayan na ay muling nagkaroon ng isang biglaang pagtitipon sa tahanan ni Mayor Ariston Valmores. Ipinasya niya na muling magsagawa ng simpleng welcome party para sa mga bagong panauhin ng kanilang bayan, sa loob loob ng alkalde ay wala naman sigurong masama kung parati niya itong ginagawa at ito'y wala namang kaugnayan sa politika lalo pa at nalalapit narin ang kapistahan ng Bayan ng Sta. Monica. Gagawin lamang niyang payak ang nasabing pagtitipon. Wala siyang gaanong inimbitahan doon maliban sa mga piling opisyal ng lokal na pamahalaan at ang anim na barangay captain na nakakasakop sa maliit na bayan na kanyang nasasakupan. Kasalukuyan ng inihahanda ang mga pagkain na kanilang pagsasaluhan. Nakasanayan ng ng mga taga Sta. Monica na maghanda ng mga native foods na karaniwan na sa mga kailokanohan. Nasa pinaka sentro ng parehabang lamesa ang isang katamtamang litson baboy na pinagtulungang lutuin ng anim na kapitan katuwang ang mga kasambahay ng alkalde. Hindi rin nawawala ang adobong baboy, tinolang manok, inihaw na isda, mga prutas at gayundin ang mga kakanin at marami pang iba, tunay ngang sagana kung maghanda ang alkalde sa kanyang mga panauhing pandangal. Ramdam narin ng mga naroon sa loob ng compound ng mga Valmores ang bahagyang paghampas ng hangin katunayan na may nakatakdang bagyo na parating. Unang dumating si Major Ivana kasama si Father Dennis Mateo. Kaagad silang sinalubong ni Mayor Valmores at ng kanyang may bahay na si Dr. Rosana Valmores at iba pang mga opisyal. Nagkaroon sila ng maikling pagpapakilala sa isa't isa at maging ng mga maikling kuwentuhan. Pagkalipas lamang ng mga ilang minuto ay sumunod naman na dumating si detective Allen kasama ang isa pang pari na si Father Jessie Esperon, at katulad ng naunang pari na dumating ay buong kagalakan nilang sinalubong ang mga ito at inanyayahan sa isang tent na sadyang inilagay sa ilalim ng mga malalaking punong kahoy na nakapalibot sa compound ng mga Valmores. Bago naman mananghalian ay hindi naman nabigo na dumating ang isa pang pari kasama si Chief inspector Vonmark, masaya din nilang sinalubong ang mga íto at nakipagkamay kay Father Demetrio Perez na siyang hahalili sa napaslang na pari ng Sta. Monica Cathedral. Bago sila nagpasimulang kumain ay nagkaroon muna ng maikling pagpapahayag si Mayor Valmores. Mayor Valmores: "Una po sa lahat ay nais ko munang magpasalamat sa inyong lahat na narito ngayon lalong lalo na sa tatlong magigiting na pari na siyang hahalili sa tatlong naunang pari na nakadestino. Batid naman natin kung ano ang kinakaharap nating sitwasyon sa kasalukuyan ngunit gayunpaman ay hindi natitinag ang ating maalab na adhikain na panatilihin ang kapayapaan sa ating pinakamamahal na bayan. Dalangin ko na sa pagdating ng ating mga mahal na panauhin ay wala ng mangyayaring anumang kaguluhan sa bayang ito lalo na at nalalapit na ang ating pinakahihintay na araw, ang araw ng ating kapistahan. Hindi ko na po hahabaan masyado ang aking talumpati dahil batid kong tulad ko ay nagugutom narin kayo at bago natin pagsaluhan ang mga nakayanan naming pagkain ay pangunguhan tayo ni Sophia ang aking masipag na resource speaker sa isang maikling pananalangin." Buong kasiyahan na pinagsaluhan ng mga naroon ang mga pagkaing inihanda sa hapag-kainan. Habang sila ay masaya at tahimik na kumakain ay hindi maiwasan ni detective Allen na obserbahan ang mga kilos at gawi ng mga naroon partikular ng mga bagong dating na mga pari na siyang magsisilbing kapalit ng tatlong naunang pari. Batid ni Allen na hindi rin biro ang madestino sa bayang ito dahil sa mga masasamang balita na kumakalat tungkol sa mga kaparian ng nasabing bayan. Una na niyang napag-ukulan ng matamang pansin kanina si Father Jessie Esperon. Simula pa lamang ng sunduin niya ito sa lugar Kung saan sila nagkita kanina ay napansin niyang napaka soft spoken nito at halos hindi mo siya kakikitaan ng pagkabagot sa kanyang panlabas na awra. Lagi itong nakangiti at kakikitaan din siya ng positibong pananaw sa mga bagay bagay sa kanyang paligid. Sa estimate ni Allen ay may edad itong 35 pataas at medyo may kataasan ang height at may katamtamang pangangatawan. Dagdag sa features nito ang pagiging maputi dahil ayon mismo sa kanya ay may lahi silang Kastila. Sumunod niyang sinuri ang isa pang pari sa katauhan ni Father Dennis Mateo. Napuna ni Allen na kung gaano ka soft spoken si Father Jessie ay kabaliktaran naman niya ito. Medyo husky ang register ng kanyang boses subalit may diin ang bawat binibigkas nitong salita. Halos magkasing taas lamang sila ni Father Jessie at sa tingin niya ay mas matanda lang ito ng ilang taon. Siya sa kanilang tatlo ang madalas magsalita at kakikitaan siya ng pagiging sociable niya sa mga tao. Nagawa din ni Allen na obserbahan sa maikling sandali ang pangatlong pari na si Father Demetrio Perez. Kapansin pansin ang kanyang kakaibang behavior na hindi gaanong nagsasalita at sa tingin ni Allen ay napaka reserved nito. Hindi rin nakaligtas sa matalas na pakiramdam ni Allen ang pagkakaroon nito ng mannerisms na madalas niyang hawakan ang kanyang balbas sa kanyang baba. Nakasuot ito ng eyewear na sa tingin ni Allen ay may napakataas na grado. Sa estimate din ni Allen ay nasa mid forties na ito at sigurado siyang may angkin itong talino kumpara sa dalawang naunang pari na kanyang nasuri. Halos katatapos pa lamang nilang kumain ng biglang nagkaroon ng chaos na nagresulta ng malakas na sigawan sa isang bahagi ng kanilang kinaroroonan na ikinabahala ng lahat.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD