Chapter 7 " THE MISSING STUDENT "

1302 Words
Dahil sa pagpapanic ng isang Madre na nakatalagang bantay sa mga estudyante ay nagdulot ito ng isang kaguluhan. Dalawang grade 2 students ang na late pumasok sa loob ng class room matapos ang recess at nanginginig ang kanilang katawan. Nang tanungin sila ng Madre kung bakit ay sinabi nilang nawawala si Marian, ang kanilang kaklase na kasama nilang naglaro sa may hardin. Nang tanungin sila ng madre kung saan sila nagpunta ay tinuro nila ang lugar kung saan sila nagtungo. Kaagad na nagpasama ang Madre sa dalawang bantay na security guards sa may gate. Hinaloghog nila ang buong Hardin ngunit wala silang nasumpungan. Tinignan din nila ang bawat facilities ng compound, sa canteen, sa library, at maging mismo sa simbahan pero Wala doon ang kanilang hinahanap. Naipasya ng pamunuan ng eskuwelahan na tawagan ang mga magulang ni Marian upang alamin kung baka umuwi ito sa kanilang bahay na hindi nagpapaalam sa kanilang guro pero sinabi ng mga magulang nito na wala doon ang kanilang anak. Dahil sa nangyaring pagtawag na iyon ay nag panic ang mga parents ng Bata at itinawag niya ito kay mayor Valmores at humihingi ng tulong na hanapin ang kanyang nawawalang anak sa loob mismo ng compound ng Sta. Monica cathedral. Nagulantang ang buong compound ng simbahan ng isa isang nagdatingan ang mga mobile car na pinapatunog ang sirena ng kanilang sasakyan. Patakbong naglabasan ang mga Madre at ang ibang mga estudyante ay napasigaw sa takot. Lumabas din kaagad si detective Allen Mendoza buhat sa loob ng simbahan, matapos kunin ang sobre na inilagay doon ng isang madreng nakatalukbong at dali daling nagtungo sa pinanggagalingan ng ingay. Nagtipon ang karamihan sa harap ng simbahan, naroon narin sina Chief inspector Vonmark at major Ivana kasama nina Allen. Matapos mapag alaman ng lahat ang totoong dahilan ng kaguluhan ay nagka isa ang lahat na hanapin ang nawawalang estudyante. Matapos ang isang oras na paghahanap ay nabigo silang matagpuan ang kanilang hinahanap. Nagdulot ng matinding takot para mga estudyante at mga magulang ng mga Bata. Ipinasya ng pamunuan ng eskuwelahan na i-suspend pansamantala ang klase. Halos lahat ng mga magulang ng mga estudyante ay isa isang tinawagan para sunduin ang kanilang mga anak. Lahat ng mga magulang na hindi natawagan ay minarapat na ihatid ng mga pulis sa kanilang tahanan. Naiwan ang mga magulang ng nawawalang estudyante kasama ang mga magulang ng dalawang bata na kasamahan ni Marian na sina Mika at Aileen. Dumating din sa simbahan si Mayor Valmores kasama ang kanyang may bahay na si Mrs. Rosana Valmores na may mataas na katungkulan sa department of Education, kasama din nila ang ilang security officer ng kanilang tanggapan. Brgy. Captain Romero : " Mayor, Mayora salamat at nakarating po kayo." magalang na sabi ng kapitan na nakakasakop sa Sta. Monica. Nagkamayan ang dalawa at nagpalitan ng mga tanong na may kaugnayan sa insidente. Samantala, sa isang bahagi ng eskuwelahan ay kausap nina Chief inspector Vonmark ang mga magulang ng mga naiwang estudyante upang magsagawa ng mga ilang maikling pagsisiyasat. Detective Allen : " Mika, Aileen huwag kayong matakot ha, pero kailangan namin ang inyong tulong para matunton natin kung saan natin matatagpuan si Marian. " pambungad na tanong ni detective Allen Mendoza. Magiliw at malumanay ang pangungusap na binibitawan. Nagpaubaya naman si Vonmark at Ivana na pangunahan ni Allen ang mga basic questions na maaaring itanong sa dalawang bata na isinasaalang alang ang kanilang marupok na damdamin. Allen : " Maari niyo bang ikuwento sa amin ang nangyari na natatandaan niyo bago siya nawala? " malumanay na tanong ni Allen. Kapuna punang atubili ang dalawang estudyante na magsalita, na tila may nakabara sa kanilang lalamunan. Hinaplos ng mga magulang ang kani kanilang mga anak upang ipadama sa kanila na naroon lamang sila para silay alalayan. Nagkatinginan sina Mika at Aileen na parang naguusap ang kanilang mga mata, na tila ba nagpapakiramdaman kung sino sa kanila ang unang magsasalita. Sa isang bahagi naman ng Hardin sa may likod ng simbahan ay parang walang pakialam si Mang Carlos na patuloy na nagdidilig ng halaman at tila kinakausap ang mga nag gagandahang bulaklak sa paligid. Siya lamang ang bukod tanging wala doon ng mangyari ang kaguluhan. Palibhasa ay napakahina ng pandinig nito at walang naririnig na anuman sa kanyang paligid nakatuon lamang ang kanyang buong pansin sa kanyang ginagawa. Wala siyang kamalay malay sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Aileen : " Naglalaro po kaming tatlo ng Chinese garter sa may hardin. Pagkatapos siya po ang unang umayaw at sinabi niyang napagod na raw po siya. Umupo siya sa banda roon malapit sa may tabi ng rebulto ni San Pedro sa may gilid ng simbahan.Kami naman ni Mika ay nagpunta sa may wishing well para tignan ang mga nakalagay doon na mga barya at naghulog pa po si Mika ng barya doon. Napatingin sila sa direksyon Mika na nananatili paring walang imik. Aileen : " Paglingon ko po sa kinauupuan ni Marian ay wala na po siya doon, kaya kinausap ko po si Mika na hanapin namin siya doon sa banda roon kasi napansin ko na parang may nagtatago sa may malagong halamanan dahil gumagalaw ang mga dahon. " itinuturo ni Aileen sa kanila ang lugar kung saan nangyari ang eksenang iyon. Aileen : " Doon po sa lugar na iyon mam at si Mika po ang unang tumakbo para gulatin sana si Marian pero bigla pong tumakbo si Mika papunta sa akin at sinabing wala namang tao doon. Inakala pa namin na baka malaking sawa ang gumagalaw na iyon kaya dali-dali na kaming bumalik sa School ng marinig namin ang bell. " Allen : " Mika noong lapitan mo ang Lugar kung saan niyo nakita ang gumagalaw na bahagi ng hardin, ano ang nakita mo na naroon, meron ba? " Mika : " wala po doon si Marian mam pero nagulat ako dahil may nakita akong parang sapatos na malaki na nakasiksik na ilalim ng halaman, akala ko noong una ay may ibang tao doon na nakaupo pero ng pagmasdan kong mabuti ang Lugar ay sapatos lang po ang naroon. Bigla po akong natakot kaya tumakbo ako pabalik kay Aileen. " sa wakas ay naibuka ni Mika ang kanyang bibig. Allen : " Chief puwede mo bang tignan ang lugar na sinasabi ni Mika? " pakiusap ni Allen na tinugon naman kaagad ni Vonmark. Patakbong tinungo nito ang lugar na itinuturo ng dalawang estudyante, sa likuran ni Vonmark ay nakasunod sa kanya si Ivana. Nanatili naman ang mga naroon habang nakatingin sa dalawang detective na nagpunta sa lugar na itinuturo ni Mika. Pagsapit ni Vonmark at Ivana sa bahaging iyon ay naroon parin ang sinasabing malaking sapatos na nakita ni Mika. Isa itong uri ng plastic boots na karaniwang ginagamit ng mga magsasaka sa tuwing umuulan. Kinuha iyon ni Vonmark at muli silang bumalik ni Ivana sa kinaroroonan nina Allen. Vonmark : " Eto ba ang sinasabi mong malaking sapatos na nakita mo doon Mika? " Tumango naman si Mika bilang kumpirmasyon. Vonmark : " Sister Elena, kilala niyo po ba kung sino ang may ari ng boots na ito? " Hindi kaagad nakapagsalita si sister Elena dahil noon lamang niya nakita ang boots na iyon. Medyo may kalumaan narin ito at mukhang may sira na at hindi na ginagamit ng may ari. Biglang may nagsalita na ikinagulat ng lahat. Madre Dominique : " Tanda ko ang boots na yan Chief, pagaari yan dati ni Mang Domeng, ang dating hardinero ng simbahan at kung hindi ako nagkakamali ay nakita ko yan kahapon na suot ni Mang Carlos Yung bagong hardinero." malakas na sabi ng Madre. Nagkatinginan ang lahat ng mga naroon na tila nagkakaisa ang kanilang mga iniisip. Bakit ngayon lang nila naisip na kanina pa sila naguusap lahat doon pero bakit ni anino ni Mang Carlos ay wala doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD