Ang tanghalian sa bahay ni Mayor Valmores ay isang kaganapan na puno ng hindi inaasahang mga scenario. Ang malamig na simoy ng hangin mula sa Ilocos ay nagdala ng mga bulong ng mga lihim at hindi nasasabing damdamin na nagtatago sa ilalim ng mga ngiti at pagbati.
Si Chief Inspector Vonmark Del Rosario at Major Ivana ay sinalubong ng isang tahimik na tensyon na bumabalot sa maluwang na silid-kainan. Ang kanilang mga mata ay nagtama, nagpapalitan ng mga hindi nasasabing salita, bago sila naupo sa mesa na puno ng mga lokal na pagkaing Ilocano.
Mayor Valmores : “Maligayang pagdating, Vonmark, Ivana,” bati ni Mayor Valmores, ang kanyang boses ay may halong paggalang at pag-aalala.
Mayor Valmores : “Mayroon tayong espesyal na bisita ngayon, si Detective Allen Mendoza, mula sa Maynila.”
Ang pagpasok ni Detective Allen Mendoza ay tila nagdala ng isang bagong enerhiya sa silid. Siya ay may taglay na slightly blonde na buhok na lagpas hanggang balikat at mayroon itong medyo singkit na mga mata, ang kanyang maliit at matangos na ilong ay bumagay sa hugis puso niyang mukha. Ang kanyang aura ay epitome ng isang modernong asyanong kagandahan na may glamorosong gilas, ang kanyang katawan ay kaakit akit sa paningin ngunit may taglay na tikas na nagpapakita ng kanyang lakas at kasanayan. Bihira man siyang ngumiti ngunit kapag ginawa niya, ito ay nagbibigay ng liwanag sa kanyang mukha. Ang kanyang estilo - maong at simpleng blusa, kasama ang matibay na boots - ay sumasalamin sa kanyang propesyonalismo at tiwala sa sarili.
Si Ivana, na may lihim na damdamin para kay Vonmark, ay hindi maiwasang makaramdam ng selos at insecurities sa presensya ni Allen. Ang kanyang mga mata ay nagpapahiwatig ng isang bagyo ng selos at insecurities na kanyang pinipilit itago sa likod ng kanyang propesyonal na maskara.
Si Vonmark, sa kabilang banda, ay hindi maikakaila ang kanyang paghanga kay Allen. Ang kanyang paggalang ay hindi lamang dahil sa reputasyon ni Allen bilang isang detektib, kundi pati na rin sa kanyang natatanging katangian na nagbibigay sa kanya ng interes upang lalo pa niya itong gustong kilalanin.
Ang tanghalian ay nagsimula sa isang serye ng mga katanungan at sagot tungkol sa kaso ni Father Vincent, ngunit ang tunay na laro ng isipan ay nangyayari sa ilalim ng mga palitan ng tingin. Si Allen, na may likas na kakayahan sa pagbasa ng mga tao, ay agad na napansin ang mga hindi nasasabing tensyon sa pagitan ni Ivana at Vonmark.
Sa paglipas ng oras, ang mga pag-uusap ay naging mas personal at ang mga damdamin ay naging mas mabigat. Ang bawat salita ay tila may dalang bigat, at ang bawat katahimikan ay puno ng hindi nasasabing mga salita.
nakaupo sina Detective Allen Mendoza, Mayor Valmores, Vonmark, at Ivana sa isang grandiosong lamesa sa maluwang na dining area sa bahay ng alkalde. Ang bawat isa ay may hawak na kape habang ang amoy ng adobo at sinigang na baboy ay lumulutang sa hangin.
Mayor Valmores: “Napakasakit para sa akin na mawalan ng tatlong iginagalang na pari sa loob lamang ng ilang Linggo. Lalo na si Father Vincent, na parang Kapatid ko na rin. "
Allen : “Naiintindihan ko po ang inyong damdamin, Mayor. Pero kailangan nating malaman kung ano talaga ang nangyari. Mayroon po ba kayong ideya kung bakit maaaring may foul play?”
Mayor Valmores: “Sa totoo lang, Allen, may mga bulung-bulungan na ang pagkamatay ni Father Albert at Father Martin ay hindi aksidente o natural causes. May mga haka-haka na may kinalaman ito sa isang lihim na organisasyon sa loob ng simbahan.”
Ivana: “At ngayon, kasama na si Father Vincent sa listahan ng mga trahedya. Hindi ito maaaring pagkakataon lamang.”
Vonmark: “Tama si Ivana. At kung titingnan mo ang mga pangyayari, may pattern. Lahat sila ay namatay sa mga lugar na dapat sana’y ligtas at sagrado.”
Allen : “Kaya nga po ako narito. Upang tumulong na alamin ang katotohanan at siguraduhin na walang iba pang mawawalan ng buhay.”
Mayor Valmores: “Kaya nga humingi na ako ng tulong sa aking kaibigan na si Detective Leumas Nugas na batid kong may reputasyon sa paglutas ng mga kaso na tila walang solusyon. At ikaw, Allen, ay kilala sa iyong dedikasyon at talino.”
Allen : “Salamat po, Mayor. Pagkatapos natin dito, gusto ko sanang makita ang simbahan at eksaktong lugar kung saan natagpuan si Father Vincent.”
Vonmark: “Sige, Allen. ako at si Ivana ang magiging gabay mo.”
Ivana: “Handa ka na ba Allen? Maaaring hindi ito magiging madali para sa atin. "
Allen : “Handa na ako. Anuman ang kaharapin natin, kailangan nating harapin para sa hustisya.”
Pagkalipas ng isang oras na pamamahinga ay nagkasundo silang puntahan ang pinangyarihan ng krimen.
Sa pagpasok nila sa simbahan ng Sta. Monica, ang liwanag mula sa labas ay unti-unting napalitan ng mga anino. Ang mga imahe ng mga santo ay tila nagmamasid sa kanila, at ang katahimikan ay naputol lamang ng kanilang mga yabag.
Allen : (habang pinagmamasdan ang lugar kung saan natagpuan si Father Vincent): “Mayroon bang nakakita sa nangyari?” mahinang tanong nito kay Vonmark na nakabuntot sa kanya. Bawat lagatok ng boots ni Allen ay tila nagi-echo sa kanyang pandinig.
Vonmark: “Walang testigo, Allen. Natagpuan lamang ang katawan ni Father Vincent ng isang sacristan dito mismo sa Lugar na ito.At si sister Merriam na siyang humingi ng tulong at nang dumating sila, huli na.”
Ivana: “At ang CCTV sa simbahan, hindi gumagana nang gabing iyon.”
Allen : “Convenient. O sadyang pinlano.”
Habang lumalalim ang kanilang imbestigasyon, ang bawat detalye ay tila isang piraso ng puzzle na naghihintay na mabuo. Ngunit sa bawat piraso na kanilang nadidiskubre, mas lalo lamang lumalaki ang misteryo.
Mag aalas tres na ng hapon ng magpasya sina Vonmark at Ivana na iwan muna nila si Allen sa Sta. Monica Cathedral, at minabuting puntahan ang eskuwelahan kung saan nagaaral ang mga Bata sa elementarya sa pamamagitan ng pagtuturo ng ilang nakatalagang madre.
Sa loob ng simbahan, kung saan ang liwanag ng hapon ay nagpapakita ng katahimikan, isang Madre na may nakatalukbong na mukha ang tahimik na lumapit sa estatwa ni San Pedro. Ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa rosaryo, at sa kanyang mga mata, isang pigil na paghagulgol ang sumisilay. Si Allen, na nagkukubli sa likod ng isang haligi, ay maingat na pinagmamasdan ang bawat kilos ng Madre. Sa isang mabilis na galaw, ang Madre ay naglagay ng isang sobre sa paanan ng estatwa at tumakbo palabas ng simbahan, ang kanyang mga hakbang ay banayad ngunit mabilis, na halos hindi napansin ni Allen. Nang siya ay tuluyang naglaho sa anino ng pasilyo, isang nakakabagabag na katahimikan ang bumalot sa lugar. Si Allen, puno ng pagtataka at takot, ay lumapit sa estatwa at dahan-dahang kinuha ang sobre. Sa pagbukas niya nito, ang kanyang mga mata ay lumaki sa pagkabigla—ang mensahe ay hindi lamang isang simpleng sulat, kundi isang babala na nakasulat sa anyo ng isang chilling verse mula sa Biblia:
Deuteronomio 32:41-43 (NIV) **'Kung aking patalasin ang aking matalim na espada, at ang aking kamay ay humawak sa katarungan, ako ay maghihiganti sa aking mga kaaway, at ako ay magbabayad sa mga napopoot sa akin.'**
Nagtatanong sa sarili si detective Mendoza, ' sino siya at ano ang ibig nitong iparating sa verse na kanyang ginamit? ' nakaramdam ng hindi maipaliwanag na atmosphere si Allen na nagdulot sa kanya ng matinding takot.