Chapter 4 " THE EVIDENCE AND THE NEW COMER "

1481 Words
' Hanapin ang nawawalang kordero?, ano ang ibig sabihin nito? ' nagtatakang tanong ni Vonmark sa kanyang sarili. Pinagmasdang mabuti ni Vonmark ang cryptic message na nakasulat sa dark painted walls ng confession room. Isa itong lumang estilo ng kaligrapya, na parang direktang nanggagaling sa nakaraan. Ang liwanag ng kandila at ang asul na sinag ng kanyang hawak na flash light ay nagtulungan upang ilantad ang mensahe na matagal nang naghihintay na mabasa. Ang puso ni Chief inspector Del Rosario ay tumibok nang mas mabilis hindi dahil sa takot kundi dahil sa pag asa na ito na ang magiging susi sa paglutas ng kaso. Inilapag ni Vonmark ang kandila sa ibabaw ng candle stand na yari sa bakal at tanso ngunit pinanatili niyang nakasindi ang apoy nito. Minabuti niyang i-off pansamantala ang hawak niyang flash light at isiniksik sa likod ng kanyang pantalon. Buhat sa kanyang nakasuot na beltbag ay inilabas niya ang isang maliit na crime scene kit at sinimulang itakda ang kanyang talagang plano. Sumunod niyang ginamit ang kanyang digital camera upang kunan ng larawan ang bawat sulok ng confession room, pati narin ang cryptic message na iniwan ng salarin sa may candle stand. Gamit naman ang fingerprint powder at brush, maingat niyang inalisan ng alikabok ang paligid ng mensahe na nakasulat sa black painted walls, umaasa siya na makakakita siya doon ng mga visible na fingerprints na buhat sa salarin. Sa bawat hagod ng brush, lumilitaw ang mga visible marks na tila mga bakas ng mga daliri. Dahan- dahan niyang ipinatong ang clear adhesive tape at pagkatapos ay maingat niyang inilipat ang mga ito sa isang latent lift card para sa karagdagang pagsusuri at paghahambing sa data base ng mga magiging possible suspects. Sa buong proseso, mahigpit na sinunod ni Chief inspector Vonmark Del Rosario ang chain of custody para sa lahat ng ebidensya upang matiyak na mananatili ang kredibilidad hanggang sa paglilitis sakaling matunton ang salarin. Ang bawat hakbang ay maingat niyang idinukomento para sa talaan ng imbestigasyon. Matapos ang kanyang ginawang masusing pagsisiyat sa loob ng confession room ay napagpasyahan ni Vonmark na lumabas para makalanghap ng sariwang hangin sa may hardin. Bago siya tuluyang lumabas ay nagawa niyang hipan ang kandila para patayin ang apoy nito kaalinsabay ng ilang sunod sunod na ingay na kanyang narinig sa labas. Pasigaw na tinatawag ni Ivana ang kanyang pangalan. Patakbong tinungo ni Vonmark ang kinaroroonan ni major Ivana na kasalukuyan paring nasa harapan ng estatuwa ng malaking anghel na may hawak na malaking perlas. Vonmark : " major Ivana what's happening here? " nagaalalang tanong ni Vonmark. Bakas naman sa mukha ni Ivana ang hindi maikakailang takot. Ivana : " Look in here, ngayon ko lang ito napansin Von, akala ko ay kaputol na kahoy lamang ang nakabara sa may daluyan ng faucet na nasa ilalim ng perlas pero ng tatanggalin ko ito ay bigla akong nagulat dahil hindi ito kahoy o dahon kundi mukhang isang daliri ng tao " kinakabahang sabi ni Ivana. Inilabas ni Vonmark ang kanyang maliit na twizzer at pagkatapos ay maingat niya itong sinungkit para maalis sa kanyang pagkakaipit. Tumambad sa kanilang harapan ang isang cut middle finger na nagkulay abokado sa tagal marahil na nakababad sa tubig. At sa tulong ng isang wooden stick ay nagawang tanggalin ni Vonmark ang singsing na nakakapit parin sa amputated finger. Gamit ang isang maliit na magnifying glass ay malinaw na nakilala nila ang may ari ng daliri. Naka engrave sa ilalim ng white gold na singsing ang pangalan ni Father Vincent Del Agoncillo. Ivana : " Holy s**t! " hindi napigil na reaksiyon ni Ivana. Saglit namang pilit na iniimagine ni Vonmark ang huling tagpo matapos paslangin ng salarin si Father Vicent ay pinutol niya ang middle Finger nito kung saan nakasuot ang singsing at pagkatapos ay itinapon niya iyon sa may perlas sa harap ng dalawang piping saksi. Maingat na isinilid ni Vonmark ang putol na daliri kasama ng singsing sa isang maliit na plastic container na magsisilbing karagdagang ibidensiya. Vonmark : " Ayos ka lang ba major Ivana? " tumango lamang si Ivana ngunit batid ni Vonmark na naroon parin ang tensiyon sa kanyang mukha. At para maibsan iyon ay niyaya niyang pumunta muna sila sa malapit na snack house bago sila bumalik sa kanilang head quarters. Ivana : " Nakakabahala ang sunod sunod na nangyayari sa mga kaparian natin dito sa ating Lugar Von. Sana ay malutas na ito sa lalong madaling panahon lalo na't tatlong Linggo na lamang ay muli na namang sasapit ang pinakahihintay ng lahat, ang Town Fiesta ng buong Sta. Monica." Pahayag ni Ivana habang nakaupo ito sa may front seat katabi ang bagong talagang Chief inspector na si Vonmark. Tahimik lamang na nagmamaneho si Vonmark at sa tingin ni Ivana ay malalim ang kanyang iniisip. Hindi maitatanggi ni Ivana sa kanyang sarili na mayroon siyang kakaibang nararamdaman sa bagong talaga bilang Chief inspector ng kanilang bayan. At sino nga ba naman ang hindi magkakagusto sa guwapong pulis na ito na bukod sa binata na ay ubod pa ng kisig. Kung ihahanapan nga siya ni Ivana ng nakakahawig niyang artista ay puwede niya itong ikumpara siya sa Karisma ni Ian Venerasyon. Matangkad din ito na sa estimate ni Ivana ay aabot sa six footer ang height. Makinis ang kanyang balat at may magandang pangangatawan. Nang ipatawag siya ni mayor Valmorez ay laking tuwa niya ng sabihan siyang makakasama niya si Vonmark sa isang operasyon na may kaugnayan nga sa nangyari kay Father Vincent. Sa una nilang paghaharap ay medyo nailang siya dahil sa pagiging seryoso nito pero habang tumatagal ay nagkapalagayan na rin sila ng loob. Marami din ang naiinggit na kapwa niya pulis na babae, palibhasa ay siya naman talaga ang pinakamaganda sa kanilang lahat at sa tuwing sumasapit ang fiesta ng Sta. Monica ay siya parati ang ginagawang muse sa kanilang departamento. Bumagay sa kanya ang kanyang pangalan na Ivana dahil medyo hawig din Sila ng artistang kapangalan niya. Vonmark : " ayos ka lang ba diyan? " hindi halos namalayan ni Ivana na kanina pa nakahinto ang sasakyan at nakababa narin si Vonmark. Pinagbuksan siya ni Vonmark ng pintuan at ng ilahad ng binata ang kanyang kamay para alalayan siya nitong lumabas ay kinilig ang kanyang puso. Pagpasok ng dalawa sa may snack house ay pinagtinginan sila ng mga tao doon na akala mo ay nakakita sila ng artista. Nagbulungan pa ang iba at dinig na dinig pa ni Ivana kung gaano nila purihin si Vonmark. Marites 1 : " Siya ba yung bagong ipinalit na Chief of Police sa atin, shocks ang guwapo pala niya at ang tangkad." Marites 2 : " Oo, Siyanga yan. Hmmpt ang suwerte naman ni Ivana, teka sila na ba? " Marites 3 : " Malamang sila na nga, narinig mo ba ang tawag niya sa kanya? Von as in Von lang walang kasamang sir. " Lalo namang nagkaroon ng kumpiyansa si Ivana sa kanyang nakikitang reaksiyon ng mga naroon. Very gentleman naman si Vonmark at siya na Ang nag order ng pagkain para sa kanila ni Ivana. Nag order siya ng dalawang cheese burger, dalawang large fries at dalawang pineapple juice. Pati mga cashier ay kinikilig din habang nagbabayad si Vonmark sa may counter. Cashier 1 : " Gosh napaka simpatiko niya, guwapo na mabait pa " Cashier 2 : " Naku kung ganyan ang magiging boyfriend ko hindi ko na siya palalabasin ng bahay promise" Cashier 3 : " Grabe naman kayo, guwapo nga siya pero malay natin kung may asawa na yan at hindi lang isa baka tatlo pa kabit niya. Hay naku sa guwapo niyang iyan hindi malabong maraming anak yan sa labas" natatawa naman ang manager ng snack house habang nakikinig sa mga kuwentuhan ng mga tauhan niya. Nasa kalagitnaan sila ng kanilang pagkain ng tumunog ang cellphone ni Ivana. Rumihistro sa kanyang phone ang pangalan ng kanyang ninong na walang iba kundi si Mayor Ariston Valmorez. Ivana : " Hello ninong napatawag po kayo? " Mayor : " Nasaan kayo ngayon? nasa simbahan pa ba kayo ni hepe? please pumunta kayo dito sa bahay at mayroon akong gustong ipakilala sa inyo." Ivana : " sino naman siya ninong? " Mayor : " natatandaan mo ba ang sinabi ko noon tungkol sa kilalang detective sa Makati City na si detective Leumas Nugas? " Ivana : " yes ninong I remember now, the famous detective? nandiyan ba siya ngayon ninong?" excited na tanong ni Ivana, tahimik lamang na nakikinig si Vonmark sa usapan ng mag ninong dahil sinadyang lakasan nito ang volume ng kanyang Cellphone. Mayor : " Pumunta kayo ngayon sa bahay at dito na kayo mag lunch ni Vonmark.Gusto kong makilala niyo ng personal ang inyong makakasama sa paglutas sa kaso ng pagpatay sa mga pari. Her name is Allen Mendoza, ang representative na ipinadala rito ng kaibigan kong si detective Leumas Nugas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD