Chapter 2 " THE FIRST INQUIRY "

1321 Words
Nagpatuloy ang ginagawang investigation sa hindi inaasahang pagpatay kay Father Vincent. Sa pangunguna ni Chief inspector Vonmark Del Rosario kasama ang kanyang deputy Chief na si Major Ivana Canlas ay kinuhanan ng statement ang mga taong naroon ng mangyari ang insidente ng pagpaslang. Nasa listahan ni Major Canlas ang mga pangalan ng mga tao na maituturing ding persons of interest. Sinuri ni Ivana ang kanyang notepad at nakalimbag doon ang kanilang mga pangalan. Jojo Baltazar ( 17 ): Sacristan ( 1 ), nakatalaga na pangunahing katuwang ni Father Vincent sa Sta. Monica Cathedral kasama ng dalawang iba pa. Daniel Alipio ( 15 ): Sacristan ( 2 ) Marvin Vargas ( 13 ): Sacristan ( 3 ) Carlos Delgado( 46 ): Katiwala at hardinero ng simbahan. Merriam ( 34 ) : Madre, at isa sa kasama ni Father Vincent na may kaugnayan sa households partikular sa Gawain sa kusina. Jenny Natividad ( 18 ): Assistant ni Merriam sa Gawain sa kusina at sa laundry. Ipinatawag isa-isa ni Chief inspector Vonmark ang mga nasa loob ng simbahan ng mangyari ang krimen para sa ilang katanungan. Isinagawa ang pagtatanong sa malawak na hardin ng simbahan para maibsan kahit papaano ang tensiyon. Unang ipinatawag ang Sacristan na nakakita sa katawan ni Father Vincent. Vonmark: " Puwede mo bang isalaysay sa amin ang buong pangyayari na naalala mo bago at pagkatapos mong makita ang katawan ni Father Vincent. " Nakikinig naman si Ivana habang nakaupo ito sa sementadong bangko sa gitna ng maaliwalas na Hardin. Malamig ang simoy ng hangin ng umagang iyon at ramdam ng bawat isa sa kanila ang katahimikan sa buong paligid. Jojo Baltazar : " Kasalukuyan po akong naglilinis ng altar sir ng mga oras na iyon. May mga mangilan ngilan paring tao na nagsasagawa ng kanilang devotional prayer. Pagkatapos kung iligpit ang mga ginamit sa misa ay dumiretso po ako sa aming silid at nadatnan ko doon si Marvin na nakahiga. Saglit po akong nag pahinga matapos kung magpalit ng damit. Pagkatapos ng mga ilang minuto ay pumunta naman po ako sa may kusina para uminom ng tubig. Nadatnan ko doon sina Sister Merriam at sister Jenny na abala sa pagluluto. Nang maalala ko na hindi ko pa pala naitatapon ang mga basura sa silid ni Father Vincent ay doon ko naisip na puntahan siya doon, pero bago ako makarating sa kanyang silid ay napansin kong bukas ang ilaw sa may confession booth kaya't naisip ko na baka marahil may kausap pa doon si Father. Naghintay po ako ng ilang minuto pero nung mapansin ko na parang nakabukas ng bahagya ang confession booth ay nagtaka po ako, kaya't nilapitan ko po siya at doon ko na po nalaman na may masamang nangyari sa kanya. " may kahabaang kuwento ng sacristan. Vonmark : " Anong oras mo nakita si Father Vincent? sinuri mo ba kung humihinga pa siya ng mga oras na iyon? " magkasunod na tanong nito sa binatilyo at pansin nito ang kanyang manerisms na patingin tingin sa itaas na para bang may hinahanap. Jojo: Hindi ko po masigurado ang oras sir pero kung hindi po ako nagkakamali ay bago mag alas sais ng gabi. Natapos po kasi ang misa ng alas singko ng hapon. Hindi ko po siya hinawakan sir para tignan kung humihinga pa siya pero sa isipan ko ay patay na siya dahil sa nakita kung hitsura niya. Duguan ang buo niyang katawan at hindi na rin siya gumagalaw. " Vonmark: " ilang katanungan na lamang Jojo, sino sa mga kasamahan mo sa simbahan ang unang pumunta sa confession booth para tignan si Father Vincent? " marahang napapikit si Jojo upang alalahanin ang kanyang natatandaan. Pagtingala niya sa itaas ay kapansin pansin ang palihim na ngiti sa kanyang mga labi, na nakatawag ng pansin maging sa tahimik na nakikinig na si Ivana. Jojo: " Unang pumunta doon si Sister Merriam at kasunod si sister Jenny. Sumunod naman dumating si Daniel. " Vonmark : Naroon din ba si Mang Carlos at si Marvin? " dagdag na tanong ng Chief inspector. Jojo : " Wala po Sila ni Marvin sir, nakita ko nalang po si Mang Carlos ng dumating na ang mga taong rumesponde galing sa labas dahil sa malakas na sigaw ni Sister Merriam na humihingi ng tulong sa mga taong naglalakad sa harap ng simbahan. Si Marvin naman ay nasa loob lamang ng aming silid dahil ng mga oras na iyon ay may sakit po siya." Vonmark : " Okay, may gusto ka bang itanong major Ivana? " Ivana : " Gusto ko lang itanong sayo kung bakit panay ang tingin mo sa itaas at kanina ay kapansin pansin na lihim kang napapangiti mayroon bang nakakatawa sa mga tanong ni Chief inspector Del Rosario? " Biglang nag seryoso si Jojo at humarap kay Ivana. Jojo : " Pasensiya na po kayo ma'am hindi ko lang po kasi mapigilan ang mapangiti dahil kay Daniel, siguro kasi dahil sa kanyang pagkabigla ay basta na lamang po siya pumunta doon ng naka brief napagalitan tuloy siya ni sister Merriam. Yun pala ang dahilan kung bakit siya napapangiti. Sinabihan si Jojo na puwede na siyang umalis at pinakiusapan siya na sabihan din si Mang Carlos na pumunta doon. Mga ilang sandali pa ay dumating si Mang Carlos at umupo kung saan din naka puwesto kanina si Jojo. Vonmark : " Mang Carlos puwede mo bang isalaysay sa amin kung nasaan ka sa mga oras ng alas singko ng hapon pagkatapos ng misa hanggang sa mga oras na matagpuan ang katawan ni Father Vincent sa may confession booth? " kapansin pansin ang seryosong awra ni Mang Carlos, walang reaksiyon sa kanyang mukha na para bang wala itong narinig. Kinailangan pang lakasan ni Vonmark ang kanyang boses para ulitin ang kaparehong tanong, doon pa lamang nagkumento si Mang Carlos. Carlos Delgado : " Pasensiya na kayo sir at ma'am medyo mahina ang aking pandinig, ano nga po ulet ang tinatanong niyo sa akin? " Napapailing si Vonmark pero wala siyang choice kung di ulitin ang tanong sa kanya. Carlos : " Nasa likod po ako ng simbahan sir at nagpa-pahinga. Napagod po kasi ako sa ginawa kong pagdidilig ng mga halaman. " maikling sabi nito. Vonmark : " Paano mo nalaman na may nangyaring masama kay Father Vincent bago ka pumunta doon para siya ay tignan, may nagsabi ba sa iyo ? " Napailing si Mang Carlos at pagkatapos ay walang anuman itong nag inat sa kanilang harapan at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Carlos : " Ako po ba ang inyong pinagsususpetsahan? " medyo pagalit ang tono ng pananalita ni Mang Carlos. Vonmark : " Hi- hindi Mang Carlos wala po kaming pinagbibintangan isa man sa inyo, bahagi lamang ito ng aming trabaho at magtanong sa mga possible witness " paliwanag ni Vonmark. Carlos : " Basta sinasabi ko na sa inyo ngayon pa lamang, na wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Father Vincent." tila gusto ng tapusin kaagad ni Mang Carlos ang kanilang pagtatanong. Vonmark : " Okay, may gusto ka bang itanong sa kanya major Ivana? " Ivana : " Sir kung hindi naman kalabisan sa inyo maaari ba naming malaman kung ano po ang dati ninyong trabaho bago kayo pumasok dito bilang hardinero? " Carlos : " Dati akong kapitan ng barko, pero lumubog ang barkong aking pinamumunuan at ako lamang ang nakaligtas. Mula noon ay hindi na ako muling bumalik sa aking dating trabaho ma'am. " hindi makumbinsi ang dalawa sa kuwento ni Mang Carlos at hindi rin nila sigurado kung nasa tamang pagiisip ang kanilang kaharap. Minabuti nilang tapusin muna ang kanilang pagtatanong at ipinakiusap sa kanya na tawagin doon si sister Merriam. Pagtalikod ni Mang Carlos ay napag ukulan nila ang physical features nito, matipuno ang kanyang pangangatawan at dahil sa suot niyang manipis na sando ay kitang kita ang malaking tattoo sa kanyang likuran na isang angkla na sumisimbolo sa mga professional na seaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD