Chapter 1 " THE LAST HOMILY OF FATHER VINCENT "

1045 Words
PROLOGUE: Sa gitna ng lumang bayan ng Sta. Monica, nakatayo ang anim na simbahan, bawat isa ay may sariling kuwento ng pananampalataya at misteryo. Ngunit sa mga nakalipas na linggo ay nabulabog dahil sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga pari. Sa pinakamalaking simbahan, sa gitna ng bayan, isang madilim na gabi ang bumalot sa lugar. Ang mga ilaw sa kalye ay tila naga-atubili sa pagbigay liwanag, at ang mga anino ay naglalaro sa mga pader ng simbahan ng Sta. Monica. Detective Allen Mendoza : " Chief, tingin ko ay hindi ito ordinaryong kaso. Katulad ng sinabi mo, may pattern ang pagpatay, at mukhang may mensahe ang mga salarin " Chief Inspector Vonmark Del Rosario: " Oo, Allen. Nakakabahala, kailangan nating malaman kung ano ang koneksyon ng mga simbahang ito sa kaso." Habang naguusap ang dalawang alagad ng batas, ay isang malakas na sigaw ang umalingawngaw mula sa loob ng simbahan. Dali-dali silang pumasok, at doon nila natagpuan ang isang nakakagimbal at hindi maipaliwanag na eksena. ****************************************** Sa loob ng simbahan ng Sta. Monica, ang mga mata ng mga tao ay nakatuon kay Father Vincent. Sa kanyang sermon, binigyang diin niya ang kahalagahan ng mabuting pagpapalaki sa mga anak para sa kasalukuyang takbo ng makabagong panahon. Father Vincent: " My dear brother's and sister's, hayaan niyong basahin ko sa inyo ang nasa Efeso 4: 29, sinasabi, 'huwag kayong magbitiw ng anumang masamang salita mula sa inyong bibig, kundi ang mabuti lamang na makakatulong sa ikabubuti lamang ng iba, upang ito'y makapagbigay ng biyaya, hindi lamang sa ating sarili kundi pati narin sa ating mga anak. " Habang nagsasalita si Father Vincent ay may isang tao na taimtim na nakayuko at wari'y nananalangin ng paulit ulit. Nakapwesto ito sa likurang bahagi ng karamihan. Nakasuot ito ng itim na jacket at nakasumbrero ng distinctive hat na madalas ginagamit ng mga muslim. Bahagyang natatakpan ang kanyang mukha kung kaya't nang mag angat siya ng ulo ay kaalinsabay namang natapos ang sermon ng pari. Isa isa ng nag alisan ang mga tao maliban sa iba pang nais magsagawa ng kanya kanyang sariling devotional prayer. Matapos ang isinagawang misa ay nagpunta si Father Vincent sa confession booth kung saan ay iyon ang nakatakdang oras ng pangungumpisal. Ang salarin: " Father, magagawa pa ba akong patawarin ng Diyos sa kabila ng marami kong nagawang kasalanan? " Father Vincent: " Kung sa holy bible tayo sasangguni ay may ganitong pahayag ang Bibliya. Ang sabi, ' halikayo at mag katuwiranan tayo, sabi ng Panginoon, gaano man kapula ang inyong kasalanan na gaya ng matingkad na pula ay papuputiin ko na parang niyebe sa kaputian' ganyan kabait sa atin ang Diyos, ang kailngan lang nating gawin ay ipahayag natin ang ating mga kasalanan at talikdan natin ang lahat ng mga ito." Salarin: " Kung ganun ay hinding hindi na ako magagawang patawarin ng Diyos, Father " Biglang natahimik si Father Vincent at magsasalita pa sana ito ng buhat sa kung saan ay nakalanghap siya ng isang uri ng usok na lubhang nagbigay sa kanya ng pagkahilo na parang hinihila siya sa pagtulog. Tinangka ni Father Vincent na tumayo para lumabas ng confession booth pero sinalubong siya ng salarin at sunod sunod na inundayan siya nito ng saksak, una sa kanyang tiyan, pangalawa sa kanyang dibdib at ang panghuli ay sa kanyang lalamunan. Death is instantaneous. Halos hindi nagawang makasigaw ng pari dahil tinakpan pa ng assailant ang kanyang bibig hanggang sa unti unti na itong nalagutan ng hininga. Pinaupo niyang muli ang wala ng buhay na pari sa kanyang silya at pagkatapos ay inilabas ang isang matalas na pruning scissor at pinutol ang kanyang middle finger at saka dali daling umalis ang salarin at naglaho na lamang itong parang bula sa gitna ng madilim na pasilyo ng simbahan. Ilang sandali lang ang lumipas, isang sakristan ang sumigaw sa pagkakatuklas sa katawan ni Father Vincent. Nakabaon sa kanyang leeg ang isang mahabang punyal na iniwan ng salarin, at sa papel na nakadikit dito ay nakasulat ang salitang ' SAY AMEN ' gamit ang sariling dugo ni Father Vincent. Kinabukasan ay lalong umugong ang balita tungkol sa sinapit ni Father Vincent. Siya ang pangatlong pari na nasawi sa loob lamang ng tatlong Linggo na lumipas. Sa unang kaso ng naunang pari na namatay ay inakala ng marami na aksidente lamang ang pagkamatay ni Father Albert na siyang nakadistino noon sa San Lorenzo Parish church. Natagpuan itong patay sa may veranda at ipinalagay ng marami na nahulog ito sa pinaka terrace ng simbahan habang inaayos nito ang pagkakatali ng kampana. Si Father Martin naman ay natagpuang wala ng buhay sa kanyang silid at hinihinalang namatay ito sa atake sa puso. Sa dalawang naunang pari na namatay ay walang naghinala na biktima ang mga ito ng isang planadong pagpaslang. Dahil sa nangyari kay Father Vincent ay nagkaroon ng haka haka ang ilang mga residente ng bayan ng Sta. Monica na may gumagalang salarin na nakapasok sa dating tahimik na bayan ng Sta. Monica. Naalarma narin ang lokal na pamahalaan dahil sa sunod sunod na pagkamatay ng mga pari sa magkakahiwalay na dako. Ipinag utos ng alkalde ng bayan ng Sta. Monica na si Mayor Ariston Valmores sa buong kapulisan na magkaroon ng malawakang paghihigpit sa mga taong labas masok sa naturang bayan. Nagtakda din ng curfew hour si mayor Valmores kaugnay ng pag-iingat. Mayor Ariston Valmores: " Sophia, ikaw na ang bahala na huwag makapagbigay ng malawakang panic ang nangyaring ito. Lalo na at nalalapit na ang Fiesta ni Sta.Monica. Ayaw kong mangyari na ang dating masayang pagdiriwang ay mabahiran ng takot at pangamba sa mga residente lalong lalo na sa mga panauhin natin na nagnanais na makadalo sa natatanging okasyon na iyon. " Sophia Evangelista: " Opo mayor, ako na po ang bahala sa bagay na iyan at kakausapin ko ang ilang mga lokal na mamamahayag na huwag nila itong bibigyan ng kulay na lubhang makakaapekto ng turismo sa ating lugar. " si Sophia ay isang dating reporter at ngayon ay nakaupo sa posisyon bilang resource speaker ni Mayor Valmores. Nag atas din ng mga bantay na pulis ang alkalde sa bawa't kalye, at maging sa bawa't simbahan ay nagtalaga din sila ng mga tagapagmasid upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa Sta. Monica.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD