Nakatayo sa harap ng dalawang imbestigador si Merriam at nakangiti na bumati sa kanila.
Sister Merriam : Good morning po sa inyo sir Vonmark at ma'am Ivana. " Sabay naman na bumati ang dalawa at sinabihan siya na maupo sa isang malapit na silya. Nagpasalamat
si Merriam at maingat na umupo harap ni inspector Del Rosario. Kapuna puna ang maaliwalas na mukha ni sister Merriam at sa edad niyang 34 ay mas Bata pa siyang tignan kumpara sa kanyang edad. Larawan siya ng kasiglahan, at sa kanyang mga aktibong pagkilos ay sumasalamin sa kanya ang pagiging alerto at sharp minded.
Vonmark : " Sister Merriam, alam kong hindi lingid sayo kung bakit kami naririto ngayon. We are here to gather some information about what happen during the brutal killing of Father Vincent. At hindi maiiwasan na bawat isa na narito sa simbahan ay kunan namin ng mga pahayag. "
Merriam : " I understand sir, at nakahanda kaming makipag cooperate sa abot ng aming makakaya para mabigyan ng katarungan ang nangyari kay Father Vincent. "
Vonmark : " Sister, gusto ko lang malaman kung gaano mo kakilala si Father Vincent at ano ang masasabi mo
tungkol sa kanya? "
Merriam : " Honestly speaking sir, matagal ko na siyang kilala nasa High School pa lamang ako noon. Isa siya sa mababait na pari na kilala ko. Wala rin akong naaalala na nakaalitan niya buhat ng madestino siya dito sa Sta. Monica. "
Vonmark : " Noong gabi na mangyari ang krimen, wala ka bang napansin na kakaiba sa paligid at maging ni Father Vincent mismo? " naintindihan ni sister ang gustong ipahiwatig ng Chief inspector.
Merriam : " Everything is normal sir, labas masok ang mga tao at katulad ng dati ay maayos na natapos ang misa kahapon. Pero... " saglit na natigilan si Merriam bago ito muling nangusap.
Vonmark : " please go on sister Merriam, don't be afraid baka makatulong din ito sa mabilis na paglutas sa kaso. "
Merriam : " Lately kasi napapansin ko, na simula ng mabalitaan niya ang tungkol sa nangyari kay Father Albert at Father Martin ay palagi na lamang siyang tahimik na para bang may malalim siyang iniisip. Ewan ko lang kung natatakot ba siya o kung anuman pero pansin ko talaga ang pagiging tahimik niya at seryoso. Dati kasi ay mahilig siyang magbiro at masayahin siya palagi. " nagkatinginan sina Vonmark at Ivana habang pinagmamasdan ang reaksiyon sa mukha ng magandang Madre. Iniba ni Vonmark ang kanyang line of questioning at itinuon naman niya ito sa iba pa niyang kasama sa simbahan.
Vonmark : " How about Mang Carlos sister gaano na siya katagal na naninilbihan dito sa simbahan ng Sta. Monica balita kasi namin ay hindi na nakabalik si Mang Domeng mula ng siya ay magtungo sa kanilang bayan."
Merriam : " To be honest sir, hindi ko siya lubusang kilala at may ugali din siya na hindi ko nagugustuhan. Noong una siyang dumating dito ay hindi namin siya makausap ng maayos dahil bukod sa mahina na ang kanyang pandinig ay may mga time pa na napapansin kong parang may kinakausap siya na pag sinuri mong mabuti ay wala naman. He's doing something odd like Soliloquy, madalas ko siyang nakikitang nagsasalita mag isa at parang kinakausap ang mga halaman. May mga pagkakataon din na naririnig ko siyang nagkukuwento ng kung ano ano kausap ang mga sacristan. " mahabang salaysay ni sister Merriam.
Vonmark : " Sino ang nag rekomenda sa kanya para tanggapin siyang kahalili ni Mang Domeng? at naniniwala ka ba na dati siyang kapitan ng barko ayon sa kanyang salaysay kanina? "
Merriam : " susmaryosep iba na naman ang kuwento niya. Noong nakaraang araw ay narinig ko sa mga sacristan na dati pala siyang sundalo pero umalis daw siya sa pagiging sundalo dahil may pakiramdam daw siyang may gustong pumatay sa kanya na isa rin sa kanyang mga kasamahan. Parang gusto ko na tuloy maniwala na may sayad yata ang bagong hardinero na si Father Vincent mismo ang nagrekomenda. " Kapansin pansin ang pagiging talkative ni sister Merriam na parang hindi nauubusan ng mga sasabihin. Bawat tanong ay tila awtomatikong naroon na ang sagot na parang isang AI app sa internet. Hindi na nagtanong sa kanya si Ivana at minabuting ipatawag doon si Daniel para sa kaukulang interogasyon, at katulad ng sinabi ni Jojo ay tumutugma ito sa kanyang mga testimonya. Kasalukuyan daw itong naliligo sa banyo ng marinig niya ang malakas na sigaw ni sister Merriam kaya dali-dali daw siyang lumabas para alamin ang dahilan ng kanyang pagsigaw, pero ng makita daw siya nito ay pinagalitan siya. Si Jenny naman ay wala ring kakaibang bagay na nabanggit na posibleng magbigay ng liwanag sa kaso dahil ayon sa kanya ay halos magkasama sila ni sister Merriam sa pagaasikaso sa kusina ng halos buong maghapon.
Tumagal ang isinagawa nilang interogasyon ng mahigit sa isang oras bago sila nagpasyang pumasok sa loob ng simbahan kung saan nangyari ang karumal dumal na krimen. Unang pumasok si Vonmark sa loob ng simbahan, samantalang si Ivana naman ay tumigil pansamantala sa harapan ng simbahan ng Sta. Monica. Noon lamang niya napagtuonan ng matamang pansin ang facade ng Cathedral. Sa bungad nito ay may dalawang rebulto ng anghel na nakapwesto ng maayos sa magkabilang gilid ng maluwang na pintuan. Kung susuriing mabuti ang dalawang sculptured angel ay nagmistula na bagong lapag buhat sa langit at may hawak na malalaking perlas sa kanilang mga kamay. Sa mismong perlas ay bumubukal ang tubig na mala Kristal na siyang ginagamit ng mga deboto para sa pag antanda bago sila pumasok sa loob ng simbahan. Napahanga si Ivana sa perpektong pagkakaukit ng mga anghel at nagawa pa niyang kuhanan ng larawan ang bahaging iyon gamit ang kanyang cellphone.
Dumiretso naman si Vonmark sa loob ng simbahan patungo sa confession booth. Maliwanag ang buong paligid dahil minabuti nilang buksan ang lahat ng ilaw kasang ayon sa request ni Mayor Valmorez na panatilihing bukas ang ilaw ng 24 oras para sa gagawing imbestigasyon ng mga pulis.
Maingat na pumasok sa loob ng nakapalibot na Crime Scene Barricade Tape si Vonmark at bago siya pumunta sa loob ng confession booth ay isinuot nito ang isang latex globe para maingatan na huwag ma contaminate ang anumang ebidensiya na naroon lamang sa paligid. Inilabas din niya ang kanyang high powered flash light para sa mas malinaw niyang pag navigate ng naturang crime scene. Naroon parin sa kulay berdeng Carpet ang mga marka ng dugo na namuo. Nakadama ng kakaibang pakiramdam si Vonmark na parang hinaplos ang kanyang buong katawan ng mainit na hangin na pinatindi pa ng isang nakabibinging katahimikan. May namuong pawis sa kanyang noo na kaagad ding pinawi ng kanyang kamay bago paman ito dumausdos sa kanyang pisngi. Nahagip ng liwanag ng flash light ang isang kapirasong papel na nakaipit sa may candle stand sa ibabaw ng maliit na lamesa. Maingat itong kinuha ni Vonmark upang tignan. Bahagya din niyang pinagpag ang nakatuping papel upang maalis ang nakakapit na alikabok. Iniingatan niyang huwag mabura sakaling may masumpungan siya doong finger prints ng salarin.
Tumambad sa kanyang paningin ang tila isang Cryptic message na sinadyang iwan doon ng salarin.
**" Sa gitna ng dilim, ang liwanag ay siyang susi. Sa bawat anino, isang katotohanan ang nakatago. Sundan ang landas na walang bakas, at sa huling pagliyab ng kandila ang sagot ay mahahayag. "**
Napaisip si Vonmark sa kanyang mabasa at saglit siyang natigilan ng mapansin niya ang tila anino na nare-reflect sa ilaw ng kanyang hawak flashlight na tumama sa candle stand na lumikha ng arrow sign na tila itinuturo ang pader na nasa kanyang likuran. Agad itinutok ni Vonmark ang flashlight sa pader pero hindi niya mabasang malinaw ang nakasulat. Muli niyang binasa ang tila clue kung papaano niya ito makikitang malinaw. 'Kailangan ko siguro na tignan ito sa ibang perspektibo ' bulong ni Vonmark sa kanyang sarili.
Agad niyang kinuha ang kandila at sa tulong ng kanyang dalang lighter ay nagawa niyang sindihan ang kandila. Pumailanlang ang usok ng kandila sa buong paligid na siyang nagbigay ng kakaibang tensiyon sa loob ng confession room na nagsilbing isang tahimik na saksi sa naganap na pagpatay.
Dahan- dahan niyang inilapit ang kandila sa pader at sa tulong ng flash light ay isang mensahe ang unti unting lumitaw sa harap ng kanyang mga mata.
**" Hanapin ang nawawalang kordero" **