Chapter 06

1120 Words
"Hoy! Nakalimutan mo ata ako! "Sigaw ko dun sa lalaki ng bigla niya akong pag saraduhan ng pinto. Kumatok lang ako nang kumatok pero parang wala lang siyang naririnig sa loob. -_- Ano bang problema ng lalaking yun? Kasalanan niya naman kung bakit ako nandito ehh tapos hindi man lang niya ako pakikisamahan? Ang sama nang ugali! Dahil sa inis ay kumuha ako ng mga bato at shell sa paligid, babatuhin ko ang bahay niya kung hindi niya pa rin pa papasukin. "HOY! PAPASUKIN MO NA AKO! "Sigaw ko pa sa kanya pero deadma pa rin ako ni boylalet. "BABATUHIN KO ANG BAHAY MO PAG HINDI MO KO PINAPASOK! "sigaw ko pa rin. Hinintay ko kung pag bubuksan niya na ako ng pinto at maya maya ay bumukas na nga yon. "Dont you dare! "Galit na sigaw niya. Mabilis ko namang tinapon yung mga bato at shell tsaka agad na lumapit sa kanya kasi baka saraduhan na naman niya ako. "Hehehe joke lang. Pinag saraduhan mo kasi ako. "Sagot ko. "Nag CR lang ako. Mabuti nang sigurado na hindi mo ko bobosohan. "Sabi niya at tumalikod na sa'kin. Ansabe? Mabilis akong sumunod sa kanya. "Hoy! Grabe ka naman sa mga baklang tulad ko. Excuse me, kahit bakla ako.. Hindi ko gagawin yun! "Inis na sigaw ko sa kanya habang sinusundan siya papasok sa loob ng bahay. Hindi naman na siya sumagot pa pero nakakaloka talaga ang sinabi niya sa'kin. Hmp! "Wala bang pagkain dito? Nagugutom na ako! At pag hindi mo ko pinakain... IKAW ANG KAKAININ KO. HAHAHAHA. "pang aasar ko sa kanya. Sinamaan naman niya ako nang tingin pero wala akong pakialam, siya naman ang nag pauna ehhh. Lumapit siya sa'kin at ipinatong sa lamesa na nasa likod ko yung mga plastic bags. "Oh ayan. Pagkain! May ready to eat na diyan at meron namang lulutuin pa, kung gusto mong magluto...magluto ka. "Sabi niya at tumalikod na ulit sa'kin. Tsssk. Sungit! Inis akong humarap dun sa mga plastic bags at tiningnan kung may masarap bang kainin. Hmmm. Mukhang masarap naman toh lahat, pero corned beef na lang ang lulutuin ko tsaka ako magsa-saing. Habang nagluluto ay hindi ko naman maiwasang pansinin ang loob ng bahay na toh, hindi ito gaano kalaki dahil pag pasok sa loob ay katapat ng pinto itong kusina, nasa gilid naman yung maliit na sala set tsaka isang simple at bilog na lamesa naman sa natitirang space. Wala pa akong nakikita na kwarto pero baka nandoon yun sa may dulo. Parang pang isa o pang dalawang tao lang talaga ang laki ng bahay na toh. Tinitingnan ko din si masungit na boylalet na nakaupo lang sa isang solo couch sa sala habang inaayos yung mga damit niya. "Pssstt. "Sitsit ko sa kanya. Pero parang wala siyang narinig. "Huy. "Tawag ko ulit sa kanya, this time ay binatuhan na niya ako nang tingin. "What? "Masungit na tanong niya. "Ano bang pangalan mo? Nakaka bastos naman kung nandito ako sa bahay mo pero hindi kita kilala. "Sabi ko habang hinahalo yung ginigisa kong corned beef. "Hermes. "Tipid na sagot niya at ibinalik na lang ulit ang atensyon niya sa pag aayos. Hermes? Wow. Sosyal! Diba yun yung mga expensive bag or what-so-ever? Naalala ko dati ay binigyan ako noon ni Olivia ng Hermes perfume at pinamukha pa sa'kin ng babaitang yun kung gaano kamahal ang pabango na yun. "Dito ka ba nakatira? I mean... Ito ba talaga ang bahay mo? "Tanong ko sa kanya, akala ko hindi niya ako sasagutin pero sumagot naman siya. "Hindi. Taga Manila ako. "Sagot niya. Ayyy. Same kami. Akala ko taga dito talaga siya ehhh. Hindi na ako nag tanong pa dahil tapos na akong magluto at talagang gutom na gutom na ako kaya naman ay mabilis lang akong naghain ng pagkain. "Kain ka na. "Pag a-aya ko sa kanya. Walang salita naman siyang lumapit sa'kin at umupo sa harap ko. Pinauna ko na siyang kumuha ng kanin at ulam dahil siya naman ang bumili noon, nakakahiya naman kung mauuna ako diba? Kahit naman bading ako, may hiya pa rin naman ang lola niyo noh. Kumuha na rin ako ng pagkain ko at nagsimula na kaming kumain. "Ahm, kung taga Manila ka talaga... Ano namang ginagawa mo sa liblib na lugar nang tulad nito? "Tanong ko. Pasensya na sa madaming tanong ko huh. Gusto ko kasi ay kilala ko ang taong kasama ko sa iisang bubong. "Pumunta ako dito para mapag-isa, but unfortunately hindi nangyari dahil sayo. "Simpleng sagot niya pero halata ko pa rin na may pagsusungit sa tono non. Awwwch naman. "Eh bakit gusto mong mapag isa? Mag papakamatay ka ba? "Diretsong tanong ko kaya sumama na naman ang tingin niya sa'kin. "Tsk. Wag ka na ngang maraming tanong. Close ba tayo? "Masungit na sabi niya. Pasimple ko naman siyang inirapan, hindi ba obvious na nagpapa kabait na nga ako sa kanya para kahit papano ay maging close kami. -_- . . "Okay last question. Bakit gusto mong mapag-isa?"tanong ko. Ilang minuto siyang hindi nagsalita pero sumagot pa rin siya. "I'm just testing myself if I'm going to miss my girlfriend after some days of not seeing her and not being with her. "Seryosong sabi niya. Ayyy hala, brokenhearted siguro ang boylalet na toh. "I feelyah, ganyan talaga kapag naguguluhan ka na sa feelings mo--- parang kailangan mo munang mahanap ang sarili mo para ma-satisfied ka. "Sabi ko. Napa tingin naman siya sa'kin. "Naramdaman mo na ba toh? "Tanong niya. "Oo naman. Kahit sino naman noh. Ganyan din ako nung hindi ko pa alam na bakla ako, malay mo--- after finding yourself ma-realized mo na bakla ka rin pala tulad ko. "Sabi ko. "Eh kung bugbugin kita ngayon HA?! "Sabi niya at medyo kumilos siya na parang susuntukin ako. Na scary naman akezzz. "Hindi naman toh mabiro. "Sabi ko sa kanya. "Hindi ako nagbibiro. "Inis na sabi niya. Tsk. -__- "Okay! Okay! Serious na. "Sabi ko. "Ang ibig kong sabihin, ganyan din ako dati sa girlfriend ko---ewww my god! Sabihin ko lang yung word na yun, pinag tataasan na ako ng balahibo. " Napansin ko na napangiti siya sa ikinilos ko. "Nagka girlfriend ka?"natatawang sabi niya. Infairness huh. Tumatawa rin pala ang boylalet na toh. :) "Well, sa kasamaang palad... OO! Late bloomers na bakla kasi ako, nung may jowabels na babae ako hinanap ko din ang sarili ko. Inisip ko, lagi naman kaming magkasama, sweet naman siya sa'kin pero parang may kulang. Then one day, doon ko nalaman na sa lalaki pala ako naa-attract. "Kwenyo ko sa kanya . "Anong ginawa mo? "Tanong niya "Nakipag break ako syempre. Hello--- bakit ko naman lolokohin ang sarili ko diba? Hindi lang naman ako ang kauna-unahang bakla sa mundo noh. "Sabi ko. Napatawa na naman siya at hindi ko din mapigilan na mapatawa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD