Chapter 07

1455 Words
HERMES's POV . . Mag a-alas sais na ng gabi kaya naman nandito lang ako sa may labas ng bahay habang nakaupo sa buhanginan at nakatanaw sa dagat at pinapanood ang pag lubog ng araw. Nasa loob naman ng bahay yung bakla---este si Euly pala. Gusto ko lang mapag-isa habang iniisip ang naging usapan namin kanina. 'Nakipag break ako syempre. Hello--- bakit ko naman lolokohin ang sarili ko diba?' Niloloko ko na nga ba ang sarili ko? "Uyyy. Beer oh. "Biglang sulpot ni Euly sa tabi ko at inabutan ako ng canned beer na ako ang bumili. Walang imik na tinanggap ko naman yun tsaka siya umupo sa tabi ko, hindi naman siya sobrang malapit sa'kin kaya hindi ko na pinansin. "Iniisip mo pa din ba ang jowabels mo? "Tanong niya na hindi sa'kin nakatingin kundi sa may dagat rin. "Oo. "Tipid na sagot ko. "Hayyysss. Sobrang sakit talaga sa ulo ang dinadala ng pag-ibig sa lahat ng nakakaramdam non. Yung boylalet ko nga, after kong mahulugan yung motor na binili ko sa kanya, ayun---nag plookabooosh na. "Sabi niya. I frowned. "Plookaboosh? "Tanong ko, hindi kasi ako pamilyar sa language ng mga bakla. "Plookaboosh... I mean parang bula, nag plook na--- biglang nawala. Nag disappear. Ganon! "Sagot niya. Lihim naman akong napangiti at napa iling na lang dahil doon. "Bakit kayo ganyan? Alam niyo naman na pera lang ang habol ng ibang lalaki sa inyo, sinasakyan niyo naman. "Sabi ko. Sobrang curious lang ako about dun. "Sobrang rare na kasi para saming mga bading ang makaranas ng lalaking mag mamahal samin. "Seryosong sabi niya. "Pag masyado kang matigas at takot masaktan sa katotohanan na pera lang naman talaga ang habol nila--- never mong susubukan. Pero paano kung totoo pala yung pagmamahal na yun? Tapos pinakawalan mo pa. "Sabi niya. "So naniniwala ka na there's man out there na kayang mahalin ang mga tulad niyo? "Tanong ko. Napatingin naman siya sa'kin na parang nasasaktan. Teka? May nasabi ba akong mali? "So sa tingin mo wala? "Maarte at mataray na tanong niya habang nakataas pa ang isang kilay. "Wait... That's not I what I meant. Nag tatanong lang ako. "Mabilis na sagot ko kasi pakiramdam ko ay na misunderstood niya ang tanong ko. Ininom na lang niya yung beer niya at tumingin na lang sa dagat kaya ganon din ang ginawa ko. Makalipas ang ilang segundo ay sumagot siya. "Kalokohan mang aminin... pero oo, umaasa ako na one day na may tatanggap sa'kin, hindi lang sa'kin kundi sa aming lahat. That, one day... Hindi siya aasa sa ibibigay kong pero because he will help to earn it. Na sabay naming tutuparin ang mga pangarap namin. Pero kung hindi siya darating, tanggap ko naman na mag isa na lang ako at tatandang mag isa. You know, I think about that a couple times everyday...before naiisip ko napakahirap tumanda mag isa, napakalungkot! But one thing I realized when I grow older, kahit kailan hindi ako tatandang magisa because there is nothing to be afraid of being alone...kase may pamilya ako, ang panginoon at andyan din Yung mga taong natulongan ko at matutulongan ko pa this coming years. Sabi nga nila, hinding hindi ka iiwan ng mga taong pinakitaan mo nang mabuti...konsensya na nila yun pag ginawa nila yun."mahabang sagot niya at talagang mahahalata mo na napaka-sincere nga mga yun. Actually, in my whole life ngayon lang ako may nakausap na bakla about serious matter of life. "Hindi ka ba nagalit dahil kung bakit hindi ka pa pinanganak na babae? "Tanong ko pa sa kanya. Mabilis naman siyang umiling bilang sagot. "No i'm not. Anong karapatan kong magalit sa binigay sa'kin ng Diyos? Nagkasala na nga ako dahil sumuway ako sa binigay niya na kung sino dapat talaga ako."sagot niya. Parang unti-unti ko siyang hinahangaan dahil sa mga isinasagot niya sa'kin. "Teka nga, daig mo pa ang host sa beauty contest ahhh. Ikaw na lang ng ikaw ang nagtatanong ,pwede bang ako naman? "Tanong niya. Hindi ko na lang siya sinagot at uminom na lang din ng beer ko. "Ano bang malalang pinag awayan niyo ng girlfriend mo at napunta ka sa liblib na lugar na toh? "Tanong niya. Hindi ko sana sasagutin pero ayaw ko naman mag mukhang unfair kasi sinagot naman niya yung mga tanong ko. "Wala kaming malalang pinag awayan. Pero minsan, iniisip niya kasi na may babae ako kaya ako cold sa kanya. Ang totoo kasi, cold ako dahil hindi ko talaga siya gusto at sa loob ng halos dalawang taon, diko pa rin siya nagawang mahalin. "Sagot ko. "HUWAT!?? Dalawang taon kayong magkasama pero hindi mo mahal ang jowabels mo? Bakit hindi ka na lang nakipag hiwalay sa kanya? "Tanong niya. Uminom muna ako bago ulit sumagot. "Si Dad ang makakalaban ko pag ginawa ko yun. "Simpleng sagot ko. "Hay nako, hindi kayo close ng Papa mo? "Tanong niya at tanging pag-nod na lang ang sinagot ko. "Grabe naman, ako nga ehh...bakla ako pero close na close kami ng Papa ko, ikaw pa kaya na sobrang straight. "Sabi niya. Medyo napangiti ako dahil don. "Gustong gusto kasi ni Dad na magpakasal na ako, nasa tamang edad na rin kasi ako at para magkaroon na siya ng apo. Kaya nga siya din ang pumili ng babaeng mamahalin ko at baka soon ay mapangasawa ko na rin. "Sagot ko. "Ano?! Papayag ka naman? "Tanong niya. "Anong magagawa ko? "Sagot ko pa. Wala naman talaga akong magagawa ehhh. Kaya nga nag punta ako sa lugar na toh para pakiramdaman ko ang sarili, baka kasi talagang naguguluhan pa lang ako sa ngayon. "Hayyys. Sabagay, parang wala ka ngang magagawa. Kaya lang...isipin mo na baka habang buhay mong pag sisihan pag ginawa mo yun. Dalawang taon pa nga lang kayo ng jowabels mo ay naguguluhan ka na at nag kakaganyan, paano pa kaya ang habang buhay diba? Kapag nagpakasal ka, dapat sure ka...kasi hindi na lang taon ang pinag uusapan dito kundi life time. Dapat yung magiging desisyon mo ay talagang magpapasaya sayo. "Sabi pa niya. Napatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Bakit lahat nang sinabi niya ay talagang pumapasok sa isip ko diretso sa puso ko? Bakit parang sobrang relate ako sa mga sinasabi niya? "Pero kung sakaling ayawan mo naman ang jowabels mo, panigurado na makakahanap ka din nang kapalit. Gwapo ka at lalaki pa, hindi ka mahihirapan . Eh kaming mga bakla? Kapag nawala ang jowabels namin, mahihirapan na kaming humanap nang kapalit. "Nasabi pa niya. "Mahirap bang maging tulad mo? "Tanong ko. Napatingin naman siya sa'kin ay ngumiti. "Medyo, pero para sa'kin...hindi mahirap ang maging katulad ko o maging matulad namin, ang nakakapag pahirap lang sa buhay namin ay yung mga taong walang magawa kundi ang husgahan kami.Alam mo mung highschool ako, noong nalaman ko na berde pala ang dugo ko. Natakot ako! Hindi ko alam kung anong sasabihin sa'kin ng mundo pag nilabas ko ang tunay na ako, ang tunay na kasarian ko. Ang sabi nila, mas maganda pa na maging bakla ka hanggat bata ka pa...para pag lumalaki kana, hindi na sila mabibigla sayo. Pero ako? 2nd year highschool na ako nang malaman kong bakla ako kaya naging mahirap para sa'kin ilabas ang tunay na ako. May mga kaibigan akong lalaki at natatakot ako na baka isipin nila na nag panggap lang ako para mapalapit sa kanila. Yung mga tao sa paligid ko, yung mga kapitbahay namin--- naisip ko na baka magtaka sila kung bakit naging bakla ako eh lalaking-lalaki naman ako habang lumalaki. Kaya pinilit ko na ayusin na lang ulit ang sarili ko at wag magpadala sa sinasabi ng puso ko. Kaya lang, hindi ko kaya. Ang daming sumisigaw na boses sa isip ko na tigilan ko na ang panloloko sa sarili ko. Kaya ang ginawa ko, si Papa at Mama ang una kong sinabihan. Natakot ako kasi akala ko hindi nila matatanggap , pero nung sabihin sa'kin ni Papa na 'Okay lang Euly anak, tanggap ka namin kahit ano ka pa...basta ikakasaya mo at ikakapanatag ng puso mo. ' yun na ata ang pinaka maganda na salitang narinig ko nung mga panahon na yun na nagpakalma sa sarili ko. Pero kahit tanggap ako nina Papa, hindi pa rin lumakas ang loob ko para ilabas ang tunay na ako. Kaya naman napag desisyonan nilang lumipat kami ng tirahan sa Manila at ilipat ako sa ibang school, yung lugar na walang nakaka kilala sa'kin... At doon nagsimula ang pagiging bakla ko. Okay naman,nakakapanibago sa una pero masaya lalo na ng may makilala kang mga kaibigan na tanggap ka. Pero syempre, hindi nawala yung pang huhusga. At kinaya ko lahat yun, kaya nandito ako ngayon sa harap mo... BADING BUT LOTS OF DARLING! "sigaw niya at pareho kaming napatawa dahil dun. Grabe! Nakaka amaze pala ang buhay niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD