Nagngingitngit si Gwen pagbalik sa sala bagay na nahalata ng mga kasamang wedding planner. "Ma'am, ayos lang po ba kayo?" lakas-loob na tanong ng babae sa kanya. "No!" asik dito ngunit nang mapansing nahintakutan ito ay agad rin siyang humingi ng tawad rito. "I'm sorry, nainit lang ang ulo ko kasi—" putol na paliwanag sa mga ito. "May problema lang konti, but don't worry, tuloy ang kasal," paniniguro sa mga ito. Batid na nahalata ang tensyon sa pagitan nila ni Blake kanina. "Okay, madam," saad naman ng lalaking kasama na halata ang pagiging bakla. "Mabuti pa madam ay sukatin ka na namin para masimulan na namin ang gown mo, dahil sa lahat ng nahawakan naming kasal, ang detail ng wedding gown ang pinakamatagal sa lahat," turan ng bakla. "Mabuti pa nga," mabilis na turan ni Gwen at pilit