Hindi ko na nakayanan ang ibinibigay na tingin ni Blake sa 'kin na para bang may ginawa akong masama. "Ano'ng ginagawa mo rito?" bulalas kong tanong kay Blake. Hindi ito umimik at matiim ang tingin nito kay James. "Gusto ka raw niyang makausap, anak," malumanay na turan ng aking ina. "Ano'ng pag-uusapan natin?" muli kong tanong kay Blake na kahit papaano ay inilihis na ang tingin kay James. "Sino ang lalaking 'yan," inis na tanong ni Blake. "Teka, hindi ba siya ang lalaking kasama mo noong isang gabi!" palatak nito nang tuluyang lumehistro sa isipan si James. "Akala ko ba ay doon lang kayo nagkakilala bakit parang—" usisa nito kaya agad ko nang pinutol. Nawawalan na kasi ng sense ang pinagsasabi nito at nagsisimula na akong mairita. "Doon nga lang kami nagkakilala at naging magkaibi