Sa dami ng mga nangyari ay kinailangan ko nang mag-resign sa trabaho ko. Hindi ko na kasi kayang tiisin pang araw-araw na marinig ang tungkol sa nalalapit na kasal ni Blake at ang fianceè nitong si Gwen. Minsan ay nagkasalubong pa kaming tatlo at mas lalo kong napatunayan na hindi niya ako kayang ipaglaban. There is no point na ipaglaban ko ang anak ko para magkaroon ng ama kung ito na rin ang nagpapakita ng senyales na hindi niya kami kayang ipaglaban sa huli.
Parang tinatarak ng punyal ang aking dibdib, gusto kong umiyak at magwala pero walang makakaintindi sa 'kin sa sakit na pinagdadanan ko.
"Hoy, Lily, bakit mukhang nalipad na naman ang isipan mo, magsabi ka nga sa 'kin, may problema ka ba?" untag ni Miss Linda sa 'kin.
Mabilis akong umayos na upo sa aking silya, ayaw kong tumingin sa mga mata nito dahil ayaw kong mabasa niya ang sakit na pilit kong itinatago.
"Sus, kahit ilang buwan pa lang tayong magkasama, Lily, alam kong malungkot ka kahit ilang beses ka pang umiwas," panghuhuli nito sa 'kin.
Tila gustong tumulo ang luha ko ngunit pigil na pigil ako.
"Lily," muli niyang untag sabay hawak sa aking balikat. "Si Sir Blake ba?" bulalas nito na kinamaang ko, magkakaila pa sana ako pero huling-huli na ako ni Miss Linda. "Naku, Lily, noon pa mang unang pasok mo rito ay naramdaman ko na ang pagiging close mo kay Sir Blake, kita ko sa mga panakaw niyong tingin sa isa't isa na tila may lihim kayong relasyon," anito na mas lalong kinalaki ng aking mga mata.
"Miss Linda!" bulalas kong saway rito.
"Well, nagi-guilty ako kasi hindi ko nagawang sabihin sa 'yo na engaged na si Sir Blake sana ay—" putol nitong wika nang mabilis akong sumabad.
"Sorry, nagkakamali ka ng iniisip, wala kaming relasyon ni—" putol ko ring turan nang itaas ni Miss Linda ang kamay nito.
"Don't deny it, Lily, alam kong nasasaktan ka sa nakikita mo," saad pa rin n pintuan.
"Hi, Miss Linda," husky na tinig ng lalaki na batid kong si Blake.
"Hi, Sir Blake, do you need something?" tanong ni Miss Linda rito.
Tumikhim ito na tila kinukuha ang atensyon ko pero hindi ko ito hinarap.
"Gusto ko sanang kausapin si Lily," wika nito, napasinghap tuloy ako sa aking kinauupuan.
"I'm sorry pero busy ako," sabad ko rito.
"Please," pagsusumamo nito.
Napabuntong-hininga ako lalo nang magpaalam si Miss Linda upang bigyan kami ng pagkakataon ni Blake na mag-usap ng kaming dalawa lamang.
"Lalabas na muna ako, Lily, call me if you need something," saad nito upang ipabatid sa 'kin na nasa akin ang simpatya nito.
"Salamat, pero hindi mo naman kailangang—" putol na wika ko nang sumabad si Miss Linda.
"Kailangan niyong mag-usap, sige na lalabas na muna ako," anito saka nagmamadaling lumabas.
Pagkalabas nito ay kapwa kami natahimik ni Blake, walang nais magsimulang magsalita, nagpapakiramdaman hanggang sa lumipas ang halos dalawang minuto.
"Akala ko ba ay may sasabihin ka, sabihin mo na dahil busy ako," matigas kong turan kay Blake.
Matiim itong tumitig sa 'kin ngunit tila walang balak magsalita kaya nainis ako lalo.
"Kung wala kang sasabihin ay makakaalis ka na," anang ko rito sabay turo sa ang aming pinto.
"Sorry," dinig kong saad nito.
Napatigil at napatingin ako sa kanya.
"Sorry?" maang kong wika. "For what?" dagdag ko pa na puno ng hinanakit.
"I think it's not a good idea na pinuntahan kita rito, magkita na lang tayo—" bulalas nito nang mapatayo ako sa aking kinauupuan.
"No! You came here to talk to me tapos sasabihin mong it's not a good idea?" sarkastikong saad ko rito. "I think this is the good time to talk about this," galit kong wika rito.
"Please, Lily, lower your voice dahil baka—"
"Baka may makarinig sa 'tin? Who cares! Niloko mo ako, Blake, niloko mo ako!" halos pasigaw kong wika nang lumapit ito sa 'kin sabay sibasib ng halik sa aking labi.
Malalim at marubdob ang halik na pinapalasap niya sa 'kin. Hindi ako makasigaw at mas lalong hindi rin ako makagalaw dahil mahigpit rin ang pagkakayakap niya sa 'kin.
"Blake, ano ba?" galit kong bulalas nang tuluyan niya akong mabitawan, kinailangan ko pang kagatin ang dila nito para lang bumitiw ito sa paghalik sa 'kin.
Nang ganap akong makawala sa kanya ay hindi ko namalayan ang pag-igkas ng aking palad at nasampal ko siya.
"Para 'yan sa panloloko mo sa akin!" turan ko. Alam kong malakas ang pagkakasampal ko rito pero hindi ko 'yon pinagsisisihan.
"Sabi ni papa ay nag-resign ka raw," anito habang hawak-hawak ang pisngi na aking sinampal.
"Ito ang nararapat kong gawin dahil hindi ko kayang makita na ang ama ng aking anak ay ikakasal sa ibang babae," madiin kong turan dito.
Hindi nakakilos si Blake sa aking sinabi.
"Please, Lily, pag-usapan nating mabuti ito," sumamo ni Blake.
"Ano, Blake, balak mo akong gawing kabit, ganoon?" bulalas ko sa sobrang sakit na aking nararamdaman.
"No, hindi sa ganoon, Lily, mahal kita—" putol nito nang malakas ang boses kong sumabad.
"Mahal mo ako?" ulit ko saka tumawa ng malakas. "Nagpapatawa ka ba, Sir Blake, hindi nararapat ang isang tulad ko sa isang tulad mo," bulalas ko pa.
"Alam mong kailan man ay hindi kita inuri, Lily," anang nito sa 'kin. "Believe me, mahal kita, Lily kaya lang hindi ko pwedeng iwan sa ere si Gwen," dagdag pa ni Blake.
Mas lalo akong napangisi.
"Huwag na huwag mo akong pinagloloko, Blake, dahil kung mahal mo ako, hindi mo ako itatago, hindi mo itatago ang relasyon meron tayo at lalong-lalo na, hindi mo gugustuhing makasal sa babaeng 'yon," hingal kong turan sa sobrang tensyon sa aking dibdib.
"Lily!" tumaas na boses nito.
Napatitig ako nang matiim sa mukha nito dahilan upang magsalubong ang aming paningin.
"Balikan mo na siya dahil baka hinahanap ka na niya," pilit kong kalma sa aking sarili.
"Kausap siya ni papa sa opisina niya," anito tukoy kay Gwen.
Sumubok itong lumapit sa 'kin ngunit lumayo ako sa kanya. Humakbang ito papalapit kaya umusog naman ako, ayaw ko nang nagkakadikit ang aming katawan ngunit hindi ito tigil hangga't hindi niya ako nasukol nang wala na akong mauusugan pa.
"Ano ba, Blake, umalis ka na," inis kong wika na pilit iniiwas ang mukha ko rito.
Wala na akong magalawan at nasukol na niya ako sa pader, itinukol nito ang mga kamay sa pagkabilaang tagiliran ko para wala akong kawala.
"Blake, ano ba?" inis ko pa ring wika rito.
Nang mabilis niyang hinawakan ang magkabilaang pisngi ko at muling sinibasib ng halik. Sinubukan kong kagatin ang pangahas nitong dila ngunit tila hindi nito ininda. Lalo pang naging pangahas dahil nagsimulang maglakbay ang palad nito sa aking katawan. Pilit akong kumakawala sa kanya pero tila bakal ang mga braso nitong pumipigil sa aking pagpupumiglas.
"Blake, ano ba, bitiwan mo nga ako!" galit kong turan matapos akong makawala sa mapupusok nitong labi.
Sa totoo lang ay nakakadarang ang halik at haplos nito, tila nais sumuko ang aking katawan pero iba ang sinasabi ng aking isipan.
Muli niyang hinuli ang aking labi at ginawaran ng isang mapusok na halik, panay pa rin ang palag ko sa kabila ng kapusukan nitong tumutupok sa aking katinuan. Ang haplos nitong dumadarang sa aking kaibuturan, nag-iinit ang aking pakiramdam lalo na nang sakupin ng palad nito ang aking kaselanan.
"Ohhh!" hindi ko mapigilang singhap lalo na nang maramdaman ko ang palad nito sa pagitan ng aking hita. Madali lang nitong nagawang ipasok ang palad dahil sa skirt ang suot ko.
Mas pinagbuti ni Blake ang paghimas sa 'king hita nang maramdaman niyang nadadala na ako sa sensasyong ipinapalasap niya sa 'kin.
"Ohhh!" impit na ungol ko sa hindi mapaglabanang sensasyon.
"Akin ka lang," usal ni Blake sa 'kin bagay na nais niyang pagsisihan dahil doon ay natauhan ako at muling nanulak.
"Ano ba, Blake, lumayo ka sa 'kin," mabilis na tulak ko sa kanya. Mabuti na lamang at mabilis akong nagising sa aking kahibangan at baka isipin pa nitong gustong-gusto ko ang ginagawa nitong kapangahasan sa 'king katawan.
"No, Lily, akin ka lang," matigas na wika ni Blake saka mabilis na inangkin ang aking labi.
Panay ang palag ko ngunit masyado itong matigas at hindi man lang natinag sa pambabayo ko sa dibdib nito, pinagsusuntok ko ito pero tulad ng mga braso at kamay nito parang bakal ang dibdib nito.
"Hindi ako bagay na pwede mong ariin, Blake, ikakasal ka na," naiiyak kong saad lalo na nang banggitin ko ang huling salitang sinabi ko.
"Papakasalan ko lang si Gwen dahil kay mama at malaki ang naitulong ng pamilya nito kay papa noong eleksyon," eksplika ni Blake sa 'kin.
"So, ano'ng gusto mong gawin ko? Manatili rito habang pinagmamasdan kang ikasal sa kanya?" sarkastiko kong turan kay Blake na kinatigil nito.
Mabilis ko siyang itinulak nang magkaroon ako nang pagkakataon bagay na nagawa ko naman ngunit agad niyang hinawakan ang aking braso at bigla niya akong hinila dahilan upang mawalan ako ng balanse at masubsob sa dibdib nito nang bigla ay bumukas ang pinto at pumasok roon si Gwen.
"Wait lang, Ma'am Gwen," tinig ni Miss Linda na pumipigil sa babae na huwag pumasok sa opisina nila, tinig na pumukaw sa kanilang mga pansin dahilan upang mabilis na lumayo sa isa't isa.