Kapwa natigilan sina Lily at Blake nang pumasok roon ang kasintahan ng huli at matalim ang tinging pinukol si Lily.
"So, ikaw pala ang babaeng pinagkakaabalahan nitong si Blake habang wala ako," mataray na wika ni Gwen saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
Napapalunok ako sa tinging binibigay sa 'kin ng babae, sa hitsura pa lang nito ay tila wala itong aatrasan.
"Gwen, ano bang pinagsasabi mo?" awat ni Blake sa kasintahan ngunit agad nitong inawat.
"Oops, Blake, hindi ako tanga para hindi ko mahalata na mula nang bumalik ako mula London ay abalang-abala ka, abalang-abala sa mga bagay na wala namang silbi!" matigas na turan ni Gwen sabay baling sa 'kin.
'Lily, kalma,' saad ko sa sarili ko na huwag mapatulan ang pagtataray ng babae sa aking harapan.
"Ano, wala kang sasabihin? Ewan ko kung ano ang nakita ng fiancè ko sa 'yo, kasi kung paghahambingin naman tayo ay mukha kang basang sisiw kumpara sa 'kin!" taas-kilay na wika ng babae.
Napakuyom ako ng kamao sa gigil sa babae sa harapan ko. 'Tumigil kang babae ka baka mamaya ay hindi ko makontrol ang sarili ko at pag-umpugin ko kayo ng manloloko mong fiancè!' naghuhumiyaw na wika ko sa aking isipan.
"Ano? Bakit ka ganyan makatingin?" himok pa ng babae sa 'kin.
Nagngingitngit na ako at nangangati ang dila pero ayaw akong magmukhang cheap sa harapan ng sopistikada, elegante at magandang babaeng nasa harapan ko.
"Miss, kung ang ipinuputok ng butsi mo ay ang pakikipag-usap sa akin ng boyfriend mo, don't worry, wala akong gusto sa kanya at kung ayaw mo siyang makipag-usap sa ibang babae ay pwede mo naman siyang itali sa leeg mo," mataray ko ring wika sa babae at napansin kong natigilan ito. 'Akala mo, ha, hindi kita papatulan,' anang ko sa isipan.
Isa pa naman sa itinuro ng namayapa kong ama ay huwag na huwag magpapaapi sa kabila ng mahirap naming pamumuhay.
"Huwag kang mag-alala dahil mula sa araw na ito ay hindi na ko na siya hahayaang makipagkita sa 'yo," ani Gwen.
Matalim ang titig kong bumaling kay Blake at kitang nakatulala pa ito imbes na awatin ang kasintahan nito. Nang mapansin nitong nakatingin ako sa kanya ay saka lang ito gumalaw.
"Babe, please lang huwag ka rito magkalat, nakakahiya," awat ni Blake sa babae saka nito inakay ang kasintahan palabas ng opisina namin.
Ayaw pa sana ng babae pero talagang nagmatigas si Blake na inalabas na ito. Pabor naman 'yon sa 'kin kaya lang naiinis talaga ako kay Blake.
Napabuntong-hininga na lamang ako nang makalabas na ang dalawa at naramdaman ko na lamang ang pagkahawak ni Miss Linda sa aking balikat.
"Hija, ayos ka lang ba?" untag sa 'kin ni Miss Linda.
Gusto kong mainis at manggigil kay Blake at kasintahan nito pero hindi ko magawa dahil mas naiinis ako sa 'king sarili. Kung tutuusin kasi ay ako ang simabit sa relasyon nila kaya lang hindi ko naman kasi alam na may girlfriend pala si Blake.
"Kasalanan mo ito, Blake," ngitngit na turan ko habang nangingilid ang aking luha.
Naramdaman ko ang pagpisil sa aking balikat, kita ko ang nakikisimpatyang tingin ni Miss Linda sa akin.
"Ayos lang po ako," sagot ko sa matanda.
"Nagi-guilty tuloy ako," hirit pa nito.
"Ayos lang po ako," wika ko pero pagaralgal na ang boses ko dahil halos maiyak na ako noon.
Masayahin akong tao pero tagos sa kasuluk-sulukan ng aking puso ang sakit na aking nararamdaman sa sandaling 'yon.
"Iiyak mo lang 'yan, hija, alam kong tila sasabog ang dibdib mo," himok pa ni Miss Linda.
'Usyoserang frog 'tong si Miss Linda, mukhang ginagatungan pa ang sakit sa dibdib ko,' hiyaw ko sa 'king isipan.
Pero nagdurugo talaga ang puso ko, maging pride at ego ko ay nadurog sa klase ng tinging ipinukol sa 'kin ng babaeng 'yon. Gusto kong magwala pero paano ako magwawala, saktong papasok pa naman si Governor Salazar sa aming opisina.
"Lily, ano'ng nangyari sa mukha mo?" gagad na tanong nito.
Marahil ay hindi ito sanay na nakikita akong nakasimangot o naiiyak.
"Wala po ito, Gob, may kailangan po ba kayo?" mabilis ko namang usisa rito.
Napatingin ito kay Miss Linda na tila nagtatanong bagay na kinabit-balikat lamang ni Miss Linda.
"Are you sure na wala lang, mukha kang binagsakan ng langit," saad ng gob.
'Panty ko ang bumagsak, gob sa anak ninyo hindi ang langit,' pilya pang saad ko sa isipan habang nagdurugo pa rin ang puso ko.
"Lily," untag ni gob sa akin.
"Yes, governor," mabilis kong sagot nang mapansin kong tila inaarok niya ako sa klase ng tingin nito.
'Gob huwag ka namang ganyang makatingin, baka ma-fall ka sa 'kin at hindi kita saluhin,' biro sa isipan.
"Lily!" malakas na tinig ni Miss Linda na bumingi sa 'kin.
"Miss Linda naman, eh," maktol ko rito.
"Paano naman kasi ay muntik mo na halikan si gob, mabuti at faithful si gob sa asawa," bulalas nito.
Natampal niya ang kanyang noo sa kahangalang ginawa.
"Gob, pasensiya na po, may iniisip lang po ako," mabilis na katuwiran dito.
"Iyan ba ang dahilan kaya nagre-resign ka?" usisa ni gob.
Biglang sumingit na naman sa isipan ko sina Blake at Gwen. Parang gusto kong humagulgol sa dibdib ni gob pero pinigil ko ang aking sarili.
"Naku, hindi po, naisip po kasi ng aking ina na bumalik na sa probensya nila, mahirap na kasi ang buhay rito," sagot ko kay gob.
"Hindi ba sasapat ang sahod mo rito. Kung gusto ay—" putol na wika ni gob nang mabilis akong sumabad.
"Naku, gob, hindi ako pwedeng maging kabit," biro ko rito na kinatawa naman ng matanda.
"Ikaw na bata ka, kaya nagustuhan kita at sinabi ko rito may Linda na i-hire ka kasi gusto ko ng ganyan," ani gob sabay tingin sa aking dibdib.
"Ay, grabe ka, gob," angil ko rito.
Mas lalo itong natawa sa kakalugan ko. "Lily, gusto talaga kita, gusto ang goodvibes ma dinadala mo sa opisina ko," saad ng gobernador sa 'kin.
Mabait naman ito at hindi mapangmata, kaya nga hindi ko maintindihan noong una kung bakit itinatago pa namin ni Blake ang relasyon namin, 'yon pala ay may karelasyon ito at malapit na silang ikasal.
Masaya ang usapan nila ni governor nang tumunog ang cell phone na ibig sabihin ay may mensahe siyanh natanggap. Nang silipin 'yon ay nagngitngit ang kalooban nang makitang si Blake ang nag-text.
"Mukhang may nag-text sa 'yo, hija?" usisa pa ng gobernador.
'Anak mong gago,' tugon ng aking isipan.
"A, textmate ko po," biro sa gobernador na kinatawa naman nito.
"Dapat, nanlilibre 'yan," gatong nito sa aking biro saka umalis.
Mabilis kong binuksan at binasa ang text ni Blake nang wala na sa harapan ko ang kanyang ama.
Sabi nito ay magkikita raw sila sa kanilang tagpuan.
"Utot mo! Sa tingin mo makikipagkita pa ako sa 'yo!" buwisit na wika sa kawalan nang tumikhim si Miss Linda upang ipabatid na naroroon ito.
Mabilis akong napatayo.
"O, saan ka pupunta?" mabilis na awat ni Miss Linda sa 'kin.
"Sa CR po, natatae na ako sa inis," birong turan ko rito saka nagmartda papaalis.
***
Samantala, inis na inis si Blake sa kasintahang si Gwen, may hinala na pala ito at hinuhuli lang siya nito.
"What the hell did you do, bakit ka naman nag-eskandalo sa opisina ni Miss Linda?" galit na turan sa kasintahan.
"Paano'ng hindi ako maiinis, Blake, simula nang bumalik ako ng Pilipinas ay parang sinisilihan lagi ang pwet mo at hindi nga ako nagkamali ng hinala dahil may babae kang kinahuhumalingan!" palatak ni Gwen sa kanya.
Napatapik si Blake sa noo sabay iling-iling. "Huwag ka nang magkaila dahil huling-huli na kita!" asik pa rin ng kasintahan.
"Oo, tama ka, gusto ko si Lily," matiim na wikang saad ni Blake.
"I hate you," galit na galit na wika ni Gwen. "At ako, huwag mong sabihing hindi mo na mahal dahil sa babaeng 'yon," malakas nitong wika.
Natigilan na lamang si Blake dahil kung paparangkahin ito ay baka mas lalong magwala sa galit kapag sinabi ang katotohanang wala na siyang pagmamahal dito matagal na.
"Ano?" himutok nitong tanong.
"Don't provoke me, Gwen dahil kaya ako nananatili sa relasyon ito ay dahil nahihiya ako sa magulang mo," inis na saad kay Gwen nang bigla itong matigilan.
"What did you say?" matalim ang mga matang nakatitig dito. "How dare you, Blake," galit na wika ni Gwen at nag-isip ng paraan upang hindi siya hiwalayan nito. Mas lalo na ngayong alam na niyang buntis siya. "No, Blake, hindi ko hahayaang mawalan ng ama ang anak ko!" hiyaw ni Gwen.
"What?!" napamaang n wika ni Blake. "What do you mean?"
"You heard it right, Blake, magiging ama ka na kaya we need to expedite our wedding preparation," bulalas ng kasintahan.
Tila gustong magwala ni Blake, humahanap na nga lamang siya ng pagkakataon na makipaghiwalay rito tapos mabubuntis pa ito.
"Ano, natigilan, aba, mas mukhang gusto mo pa yatang makasama ang cheap na babaeng 'yon kaysa sa akin!" buwisit na buwelta ni Gwen sa kanya.
Nainis siya dahil mas lalong lumalabas ang totoong ugali ng kasintahan na mapangmata at nagger.
"Alam mo ba kung bakit nawawalan na ako ng gana sa 'yo? Dahil diyan sa ugali mo, masyado kang mapangmata at akala mo sa—" putol na wika nang sumabad ito.
"Dahil totoo naman maganda, mayaman at may pinag-aralan ako," mariing giit ni Gwen dahilan upang mapailing na lamang.
"Masyado ka lang bilib sa sarili mo," anas na lamang ni Blake sa sarili sa inis.
"What did you say?" bara ng kasintahan.
"Wala!" tugon saka hindi na siya nagsalita pa dahil ayaw niyang makipag-diskusyon dito.
Matiim ang tinging ipinupukol ng kanyang kasintahan pero hindi na niya ito pinansin pa.
'Akin ka lang Blake, walang sinuman ang makakaagaw sa 'yo,' usal ni Gwen sa sarili habang matiim na nakatitig kay Blake na noon ay papaalis na.
Biglang tumunog ang cell phone at nainis nang makilala kung sino ang natawag sa kanya, si James.
Nang makalayo si Blake ay agad na sinagot ang tawag ni James.
"Ano'ng kailangan mo?" galit na wika ni Gwen.
"Ikaw," birong wika pa ng lalaking kausap dahilan upang tumaas lalo ang dugo sa ulo.
"Pwede ba, James, huwag na huwag mo na akong tatawagan pa. What happened to us is just nothing, forget it!" galit na wika ni Gwen.
Hindi niya alam na nasa likod niya pala ako at halos matulos ako sa narinig. Hindi ko akalain na maging ang babae ay nagloloko rin, masyado pa naman akong na-guilty sa pagsabit sa relasyon nila, iyon pala ay maging ito ay may lihim.
"Lily," malakas na tawag sa 'kin dahilan upang mapalingon ang Gwen na 'yon sa 'kin.