Pagdating ni Blake sa ospital ay nagulat siya nang salubungin siya ni Gwen na tila galit na galit sa kanya. "Saan ka galing? Masyado ka na bang busy para kahit sa ganitong pagkakataon ay ang hirap mong hagilapin?" palatak nitong sumbat sa kanya. "Where is dad?" tanong dito na imbes na sagutin ang mga parunggit ni Gwen. Nakipagsukatan pa ang fianceè ng tingin bago ito sumagot. "Nasa emergency, they are still monitoring him," tugon nito. "Where is mom?" usisa pa rito nang makitang nagtaas ito ng kilay. "See, wala ka talagang kaalam-alam," bulalas na naman ni Gwen kay Blake. "Nasa private room si tita, pinagpahinga na muna siya ng doktor dahil nag-collapse siya kanina," tugon ulit ni Gwen. Nagmamadaling tinungo ni Blake ang emergency room at saktong may doktor na papalabas mula roon,