Alalang-alala na ako dahil hindi nasagot si Blake sa aking text o tawag man lang mula nang tawagan ako ng Gwen na 'yon gamit ang cell phone nito. Balisa tuloy ako maghapon sa kakaisip dahil bukas na ang usapan naming pagtatanan. "Blake, ano na, nagbago na ba ang isip mo?" usal kong turan habang nasa beranda at pabalik-balik bagay na napansin ng aking ina na kanina pa pala nakamasid sa 'kin. "Anak, ayos ka lang ba?" anito. Mabilis akong napalingon dito. "Inay, hindi ko po alam tutuloy pa si Blake sa plano namin, hindi ko po siya matawagan," naiiyak kong sumbong sa aking ina. "Diyan mo mapapatunayan kung mahal ka talaga niya anak, kung anuman ang maging desisyon niya, hayaan mo na siya, pagtutulungan nating buhayin ang anak mo," pagkukunsola ng aking ina sa 'kin ngunitbsa kabila noon a