Nagkatinginan kami ni Blake nang sabayang tumunog ang aming mga cell phone. Siya habang nasa side table at ako naman ay nasa loob pa ng aking shoulder bag. Mabilis kong hinablot 'yon at kinuha ang aking cell phone habang kipkip ang kumot na nakatabing sa aking kahubaran. "Hello?" mabilis kong tugon sa kapatid kong natawag. "Hello?" dinig ko ring wika ni Blake sa natawag. "Mom, what's happen to dad? Saang ospital?" sunod-sunod na sambit ni Blake dahilan upang hindi na ako makasagot sa kapatid ko na hindi ko alam kung narinig niya ang boses ni Blake. "Ate, nasaan ka ba? Bakit parang—" putol na tinig ng aking kapatid nang mabilis akong sumabad. "Mamaya na tayo mag-usap, pauwi na rin ako," sabad ko rito dahil mukhang seryoso ang hatid ng tawag ng mama ni Blake. Pagkababa ko ng tawag ng a