Medyo may kalakasang tinig ang tumawag sa 'kin dahilan upang makuha rin ang pansin ni Gwen. Nang magsalubong ang tingin namin ay kitang bahagya itong natigilan saka unti-unting tumaas ang kilay sa 'kin.
"Are you stalking me?" mataray na tanong nito sa 'kin dahilan upang mapangiwi ako.
"Lily, dalhin mo itong tissue dahil—" putol na habol ni Miss Linda nang mapansing magkausap pala kami ni Gwen. "Sorry, akala ko wala kang kausap," agad naman nitong hingi ng paumanhin nang mapansin ang namuong tensyon sa pagitan namin ni Gwen.
"Okay lang po, Miss Linda," mabilis namang sagot ko sa matanda kong officemate.
Nang kumulog ang tiyan ko ay doon ko naalalang papunta pala ako sa CR dahil para akong natatae. Nakita ko ang tissue roll na hawak ni Miss Linda, agad ko iyong kinuha at napatingin kay Gwen.
"CR lang ako, Miss Linda, salamat sa tissue paper, baka kasi mapa-ebak ako rito!" gigil kong turan saka nagmartsa papalayo kay Gwen nang maulinigan ko ang tinig nito.
"What is ebak?" maang na tanong.
'Ang arte, ebak lang hindi alam?' anang ko sa aking isipan habang papasok sa CR.
Muling kumulog ang tiyan ko kaya nagmadali na ako, bahala na ang Gwen na 'yon kung ano ang isipin niya.
Nang maalala si Blake ay muli siyang nagpupuyos ng galit dahil sa ginawa nitong panloloko.
Maya-maya ay tumunog ang hawak kong cell phone at mas lalo akong nanggagalaiti sa inis nang makita kong si Blake ang natawag.
Mabilis kong sinagot ang tawag niya.
"Ano? Ano'ng kailangan mo? Pwede ba, huwag na huwag mo na akong tatawagan pa!" buwisit kong sagot sa kanya.
"Please, Lily, listen to me," sumamo sa akin ni Blake.
"Lalalalala! Lalalalala!" kanta kong wika dahil ayaw kong pakinggan ang mga kasinungalingan nito.
"Lily, please, I love you," sumamo pa nito sa 'kin.
"Mahal mo ako pero magpapakasal ka sa mapangmatang babaeng 'yon, sige na, papatayin ko na 'tong tawag mo!" galit kong wika.
"Lily, wait," pangungulit nito.
Muling humilab ang tiyan ko at talagang natatae na ako.
"Don't wait-wait me, papatayin ko na itong tawag mo dahil—" putol na wika ko nang bigla naman itong sumabad.
"Nasaan ka ba at pupuntahan kita," bulalas nitong tanong.
"Nasa CR! Pwede ba, papatayin ko na talaga ito dahil nae-ebak na ako!" buwisit kong sagot.
"Wait!" muli nitong awat sa 'kin.
"Anong nae-ebak ka na?" maang na sagot nito.
Halos tumirik ang mata ko. 'Parehas nga kayo ng hilaw mo ring fianceè,' uyam ko sa isipan.
"May cell phone ka, hindi ba? May google ka rin, hanapin mo na lang doon, okay, bye!" bilis kong wika sabay patay sa cell phone bago pa ito humirit muli.
Napabuntong-hininga na lamang ako at pilit na pinapayapa ang aking kalooban.
Maya-maya ay para naman akong naduduwal, napahawak ako sa aking impis na tiyan. Hindi ko aakalain na maikling panahon na mga nakaw na sandali sa piling nito ay mabubuntis ako.
"Anak, ayos ka lang ba?" tanong ko sa kawalan na tila ba sasagot ito. "Pasensiya ka na kay mama kung minsan ay marupok," dagdag ko pang saad.
Nang matapos ako sa banyo ay nagmamadali na akong bumalik sa opisina. Tahimik si Miss Linda at mukhang abala na ito kaya patingkayad pa ako nagtungo sa aking desk upang hindi ito magambala.
"Ayos ka lang ba?" tinig nito dahilan upang matigilan ako.
"Po?" gulat na turan ko sabay baling dito. Kanina pa pala niya ako napansin, akala ko pa naman ay hindi niya ako napansin.
"Naku, Lily, nakakabingi na ba ngayon ang mabigo sa pag-ibig?" hirit ni Miss Linda.
"Naku, Miss Linda, hindi lang nakakabingi, nakakabuwang pa!" gilalas kong tugon na kinatawa bigla ng matanda.
"Kaya nga hindi ako nag-asawa dahil ayaw kong mabuwang," bulalas ni Miss Linda na kinatigil ko habang ito naman ay tawang-tawa.
***
Inihatid na lamang ni Blake ang kasintahan pauwi sa bahay ng mga ito ngunit nasa bahay na nga nila ito ay panay pa rin ang hinala at dada sa kanya.
"Inihatid mo ako ng maaga para ano? Para puntahan ang babae mong cheap!" gilalas ni Gwen.
"Stop it, Gwen dahil kapag hindi ako nakapagtimpi—" putol na wika.
"Ay ano, Blake? Makikipaghiwalay ka sa 'kin, ganoon ba? Maaatim mong mawalan ng ama ang anak natin dahil sa babaeng 'yon?" pang-iinis pa ni Gwen sa kanya.
"Pwede ba, Gwen, sinasabi mo lang 'yan dahil ayaw mong maghiwalay tayo," bulalas na tugon ni Blake. Minsan na siyang inartehan nito na buntis raw ito noong minsang binalak niyang makipaghiwalay rito.
"Sa tingin mo nag-iinarte lang ako?" maang nito.
"Hindi ba't nagawa mo na 'yan sa akin noon?" gilalas naman ni Blake.
Kita niya ang pagsalubong ng kilay ni Gwen sa kanyang sinabi, marahil ay naalala rin nito ang kanyang tinutukoy.
"How dare you na akusahan akong nag-iinarte lang," galit na galit na wika ni Gwen sabay kalkal sa shoulder bag nito na tila may hinahanap at nang nahanap 'yon ay bigla nitong ibinato sa kanya.
"Iyan! Iyan ang katunayan na hindi ako nag-iinarte at mas lalong hindi ako nagsisinungaling," inis na wika ni Gwen.
Gusto pa sanang magalit ni Blake nang matamaan ang mukha niya sa ibinato ng kasintahan, dalawa 'yon, ang isa ay tumalsik sa kung saan habang ang isa naman ay tumama sa mukha niya at ngayon ay hawak-hawak niya.
Nang usisahin kung ano 'yon ay napagtanto niyang pregnancy test 'yon at nakalagay roon ang dalawang guhit na pula na katunayang buntis nga ito.
"Ano'ng nangyayari sa inyo?" tinig ng mama ni Gwen habang sa kamay nito ang isang pregnancy test na tumalsik kung saan.
"Mama!" gulat na wika ni Gwen at nanlalaki ang mga mata nang makitang hawak na ng ina ang isa sa pregnancy test na ibinato kay Blake kanina.
"Buntis ka, anak?" bulalas ng ina nang makita ang resulta ng kanyang pregnancy test. "Oh my God, kailangang madaliin na ang kasal ninyo bago pa lumubo ang tiyan mo, anak, alam kong ayaw mo ring magmartsa sa altar na malaki ang tiyan," bulalas ng mama nito na tuwang-tuwa. "Tatawagan ko ang mama mo, Blake para ipaalam na malapit na kaming magkaroon ng apo," bulalas ng ginang sa kasiyahan.
Natigilan na lamang si Blake dahil mas lalo na siyang hindi makawala pa kay Gwen ngayong alam na ng mga magulang nila na buntis ito.
Kita pa niyang tumatawa-tawa ang ginang habang kausap ang kanyang mama.
Sa kabilang panig ay isang lihim na ngiti ang pinakawalan ni Gwen.
'Hindi ka mawawala sa 'kin, Blake, hindi ka maaagaw ng sinumang babae sa 'kin. Akin ka lang,' bunyi ni Gwen nang makita ang pag-aalala sa mukha ni Blake. 'Hindi magtatagumpay ang social climber na babaeng 'yon,' dagdag pa ng isipan.
"Tita, mauna na po ako," paalam ni Blake sa mama ni Gwen.
"Ganoon ba, hijo, ayaw mo bang magkape o magtsaa muna, maaga pa naman," himok ng ginang. "By the way, kausap ko ang mama mo at payag siyang paagahin ang kasal ninyo ni Gwen," imporma ng ginang.
Sunod-sunod na lunok ang kanyang ginawa sa tindi ng tensyong bumalot sa kanyang kalooban. Hindi na siya umimik pa at nang balingan si Gwen ay kitang nakangiting pusa ito at nang mapansing nakatingin siya rito ay paingus itong umalis at umakyat na sa silid nito.
"Hijo, nag-aaway ba kayo ng anak ko?" tanong ng mama nito.
"Hindi po, tita," kaila ko saka muli akong nagpaalam tutal umalis naman na si Gwen at pumasok na sa silid nito.
***
Inis na inis ako sa aking sarili dahil kahit anong pigil kong huwag magtungo sa tagpuan namin ni Blake ay heto pa rin ako parang tangang naghihintay sa kanya kahit alas siyete na ng gabi.
"My God, Lily, ano bang pinakain sa 'yo ng lalaking 'yon at hindi mo siya maiwan-iwan sa kabila ng panloloko niya sa 'yo?" gagad kong saad sa aking sarili habang nakaupo sa kama kung saan makailang beses namin pinagsaluhan ang mainit na sandali.
Nang maalala ko ang mga sandaling 'yon ay hindi ko maiwasang mag-init.
"Ano ba, Lily, nahihibang ka na talaga!" sermon ko sa aking sarili sabay sabunot sa aking buhok, para tuloy akong nababaliw sa pinaggagawa ko.
Ilang beses kong isiniksik sa isipan ko na iiwasan ko na si Blake pero isang text o tawag lang nito at heto na naman ako sa silid kung saan ay malaya naming napapalasap ang pagmamahal namin sa isa't isa.
"Lily, umalis ka na bago ka pa muling magumon sa bawal na pag-ibig, ikakasal na siya," patuloy na panghihimok sa aking sarili.
Akmang aalis na ako sa silid na 'yon nang humagos na dumating si Blake, hingal na hingal ito na animo'y hinahabol ng sampung amazona.
"Thanks God, you're here," bulalas nito sa 'kin nang makita niya ako.
Napangisi ako. "I shouldn't be here," saad ko, hindi pa ako sure kung tama ang sinasibi ko pero hindi ko napigilan ang sarili kong mapa-english sa inis dito.
Patungo ako sa pintong pinasukan nito nang bigla niya akong harangan.
"Blake, pwede ba, huwag kang haharang-harang diyan! Dapat ay wala ako rito!" madiin kong wika.
"But you are here," sagot ni Blake.
"It was a mistake that I am here," bulalas ko na hindi ko na naman alam kung tama ba ang sinasabi ko. 'Buwisit, ang hirap naman kasi kapag english spoken ang kausap,' maktol ko sa sarili.
"No, it's not, you are here because you love me," mariing wika nito.
"Niloko mo ako," diin ko pa sa panlolokong ginawa nito.
"Sorry kung nagawa kong ilihim ang tungkol kay Gwen, sasabihin ko naman sa 'yo—" putol na paliwanag ni Blake nang sumabad ako dahil ayaw ko nang pakinggan ang mga kasinungalingan nito.
"Kailan? Kapag kasal na kayo at nagawa mo na akong kabit para wala na akong choice kundi maging kabit na lamang?" bulalas kong bara kay Blake.
"No! Plano ko naman talagang makipag-break na sa kanya kaya lang naunahan ako," bulalas pa ni Blake dahilan upang mangunot ang mukha ko.
"Maunahan, saan?"
"Buntis siya kaya mamadaliin ang pagpapakasal namin," tugon sa 'kin.
Halos sumabog ang ulo ko sa narinig na sinabi ni Blake hinggil kay Gwen.
"Buntis rin siya?" hindi ko maiwasang magtaas ng boses sa sinabi nito.
"Hindi ko alam—"
"Puny*ta, Blake, paano ngayon niyan! Well, s bagay, aalis naman na pala ako. Aalis na ako sa buhay mo at sa buhay ninyong pamilya!" palatak ko sabay iwas kay Blake upang makaalis na sa silid na 'yon nang bigla niya akong hilain.
Sa kabiglaan ay hindi ako nakatutol. Yakap-yakap na niya ako nang mahigpit at pilit na inaabot ang aking labi. Ilang sandali rin akong nanulak at nakipagmatigasan kay Blake pero nanaig ang lakas nito bilang lalaki.
Tuluyan nitong naangkin ang aking labi at maalab na halik ang kanyang pinapalasap. Gumagalugad ang malikot nitong dila, sumusundot at umihigop. Hindi ko tuloy maiwasang mapaungol sa sensasyong nararamdaman.
"Uhmmm! Ohhh!" mga impit na ungol na kumakawala sa aking labi.
Mas lalong umalab ang init sa aking katawan nang magsimulang gumapang ang palad ni Blake.
"Blake, ano ba?" pilit kong suway rito sa hindi mapaglabanang damdaming binubuhay niya sa aking kaibuturan.
Unti-unti ring natupok ang aking depensa at nawala ang pagtutol ko sa kanyang ginagagawang pang-aalipin sa aking katawan.
"Mahal na mahal kita, Lily, hindi ko kayang mawala ka sa 'kin," nahihibang na wika ni Blake.
Gusto kong kiligin sa sinasabi nito pero sa tuwing naaalala ko si Gwen ay nanggagalaiti ako.
Mabilis ko siyang itinulak dahil hindi niya 'yon napaghandaan ay mabilis ko siyang naitulak at halos malaglag ito sa kama.
"Babe naman," maktol ni Blake sa akin.
Nagsisi naman ako sa 'king nagawa pero balot ako ng inis dito.
"Aalis na ako," pinal na wika ko saka mabilis na bumangon sa kama pero mas maliksi at mabilis si Blake dahil nagawa niya akong paibabawan bago pa ako tuluyang makatayo. "Blake, ano ba, bitiwan mo ako," gigil na angil dito at panunulak pero katulad kanina ay malakas ito.
Muli nitong inangkin ang labi at mapusok na ginagalugad ang bawat kasuluk-sulukan ng aking labi.
Ungol ang kumawala sa aking lalamunan.
Mabilis ang mga kamay nitong hinubad ang aking saplot, para tuloy akong puppet na naging sunod-sunuran kay Blake at hindi ko na siya nagawang awatin pa nang nag-init ang buong katawan sa kanyang ginagawa.
Gumapang ang palad nito sa aking hita, ramdam na ramdam ko ang nag-aapoy na palad nito patungo sa aking hiyas dahilan upang mas lalo akong mapaungol sa ligayang dulot nang mapaglaro nitong daliri.