Galit na galit si Gwen nang makitang hawak-hawak ni Jason ang kanyang cell phone paglabas niya ng banyo. "What the heck are you doing?" bulalas niya habang kipkip ang tuwalyang ipinantabing sa hubad na katawan. "Naniningil ng utang mi," bulalas ni Jason kay Gwen. "What? wait, ano'ng utang ang pinagsasabi mo?" palatak na wika ni Gwen sa lalaki Napangiti si Jason. "Akala mo hindi ko alam na sinadya mong iwan ang panty mo sa sasakyan mo. Alam mo bang muntik na kaming mag-break ako ni Angela sa ginawa mo?" bulalas nito. "Muntik lang kayong mag-break, hindi pa kayo nag-break!" giit ni Gwen sabay hablot sa cell phone na hawak ni Jason at tiningnan kung sino ang natawag. Napakunot-noo siya nang makitang ang Tita Bettina niya ang natawag. "Did you answer her call?" bulalas ni Gwen kay Jas