18.
CELESTE
"C-celeste? A-anak?"
Muntik ko ng mabitawan ang cellphone na hawak ko.
Si Mama.
P-paano niya nalaman ang numero ko? Ngayon ko lang ulit narinig ang kanyang boses, ang huling kita ko sa kanya ay iyong pumirma silang hindi na nila ako kukunin sa Pamilyang Kalaw kapalit ang mga binigay nila Mommy sa kanila, ang bahay at ang negosyo.
Hindi ko alam kung ano sasabihin sa kanya. Bumubuka ang aking bibig pero ni-isang tinig walang lumalabas sa akin.
"Tell her! You're here in my house!"
Napalayo ang hawak ko ng marinig naman ang boses ni Mommy.
A-anong mayro'n?
"N-nasaan po kayo?" Kahit gulat ako sa nalaman ko, nakapagtanong na rin ako sa kanya.
"Ako na nga! Ano pa nga ba aasahan ko sa katulad niyo! Ilan ulit ko na sinasabing ganito ang sabihin mo sa anak mo, hindi mo magawa!" Si Mommy ba talaga niyon?
"Celeste, Iha. . ."
"M-mommy, p-paano niyo po nalaman ang number ko?" Nang makuha ulit ako ni Calix, lahat ng may kinalaman kila Mommy pinatanggal niya sa akin katulad na lamang ang cellphone number ko at ang mga credit card ko. Kaya nga sa ilang buwan na kapiling ko si Calix hindi ako nakatanggap ng tawag sa kanila. Ang mga Lazaro ang mga nagsasabi sa amin, na pinapahanap ako nila Mommy sa buong Pilipinas.
May narinig ako umiiyak sa kabilang linya, bigla na lang ako natakot.
"Ilang buwan ka namin hinanap, Celeste, iha. Kaya naman pala nandyan ka sa bastardo mong kapatid." Inilayo ang phone sa aking kanang tenga habang nakatingin pa rin sa kawalan.
Paano niya nalaman? Ang alam ko ginagawa lahat ni Calix para hindi ako matunton nila Mommy.
"Wala ka ng pakealam doon! Ang gusto ko lang naman bumalik ka rito at magpakasal sa anak ng kumare ko!"
S-si Godsick.
"M-mom, H-hindi ko na po magagawa iyong pinag-uutos niyo..."
Naputol ang aking sasabihin dahil sa sunod ng kanyang sinabi, "kung ayaw mong mamatay ang Papa mo, Celeste. . .”
"M-mom, anong ginawa niyo sa kanila! A-akala ko po ba maayos na ang lahat. M-mommy!"
"Sabihin mo lahat sa anak mo kung anong nangyari sa asawa mo at bakit nandito kayo ngayon. . ." Rinig ko sa kabilang linya at mukhang pinapasa na ang phone sa totoo kong Ina.
Naghintay ako ng ilang segundo bago makarinig ulit ng boses sa kabilang linya, "i-iyong C-calix. . . S-sinugod kami sa aming tinitirahan para bayaran kami at para hindi ka na namin makita, a-anak. N-nagalit ang Papa mo sa kanya p-pero b-biglang sumikip ang dibdib ng iyong Papa."
No. Hindi magagawa ni Calix niyon. Hindi p'wede.
". . .Hindi niya kami tinulungan, anak. Nang makitang napaluhod ang papa mo bigla na lang sila umalis nu'ng tinatawag niyang Lucas at hindi kami tinulungan." At, siyang pagkarinig ko ng hagulgol sa kabilang linya.
No.
"B-baka po nagkakamali kayo, Ma?" Impossibleng magkamali siya, hindi pa niya nakikita si Calixto, never pa niya nakikita niyon.
"N-nagpakilala sila sa amin, anak. . . Gusto ka nilang bilhin para hindi ka na namin tuluyang makita at makasama pa." At, sunod-sunod na hagulgol ang narinig ko sa kabilang linya.
HINDI ko alam kung paano ako nakauwi sa amin. Nang marinig ko ang iyak ni Mama saka ko binaba ang tawag na hindi nagpapaalam sa kanila. Ilang minuto rin ako nakatulala sa fastfood, hindi ko na nga nakain ang ibang inorder ko dahil nawalan na ako ng ganang kumain. Sa ilang minuto na iyon saka ako nagdesisyon na umuwi na at kausapin si Calix kung totoo ang mga sinabi ni Mama kanina.
Pero, heto ako ngayon nakaupo sa sofa na nandito sa sala habang nakatingin sa hamba ng pintuan kasi hanggang ngayon hindi pa umuuwi si Calix. Tinanong ko si Manang kung umuwi na ba siya rito pero hindi pa raw, hinihintay nga rin niya raw ang isang niyon.
Tumingin ako sa wall clock ng tumunog ito, alas-dose na ng hatinggabi pero ni-isang bakas niya wala pa rin. Maging ang kanyang kanang kamay na si Lucas hindi ko nakikita.
Alam kong masama magpuyat para sa amin ng anak ko pero hindi ako makatulog dahil sa mga sinabi ni Mama. May posibilidad kasing magawa nga iyon ni Calix, alam kong malakas ang koneksyon niya kaya posibleng natunton niya sila Mama. Ang totoong kakambal nga niya ay nakita niya rin ng siya lang gumagawa ng paraan.
Habang lumalalim na ang gabi, unti-unting pumipikit na rin ang aking mga mata at saka na ako nilamon ng kadiliman.
Naramdaman kong may bumuhat sa akin, ramdam ko ang kanyang mga kamay sa aking braso at binti, isama mo pa ang hininga niyang tumatama sa aking bandang mukha.
Naramdaman ko na lang na binababa na ako sa malambot na kama namin. May tinabing siya sa akin na naramdaman kong tumama sa aking mga balikat at pababa sa buo kong katawan.
Lalamunin na sana ulit ako ng kadiliman ng marinig ang boses niya.
"How many times to say to you, walang nangyari sa atin. . ." nagtitimpi sa galit ang bawat pagbigkas ng kanyang mga salita.
"Abort that child. . .”