Chapter 17

1153 Words
17. "Who's Godsick, babygirl?" Paulit-ulit na tanong ni Calix. Kanina pa siya tanong nang tanong tungkol kay Godsick. "Ilang ulit ko ba sasabihin sayo, siya iyong pinagkasundo nila Mommy sa akin. Siya rin iyong kasama ko sa Amerika pero mabait niyon para nga niya ako kapatid. Hinihintay at hinahanap niya rin ang babaeng gusto niya. Hindi ko lang alam kung sino." Paliwanag ko rito ng masinsinan para maintindihan talaga niya ako. "Who's that girl, baby?" Bumaling ako sa kanya habang kinakain ko na itong pineapple na binili namin sa supermarket. Nagkibit-balikat ako sa kanya, "hindi ko alam. Hindi naman niya sinasabi nu'ng magkasama kami sa Amerika. Basta sabi niya may babae rin para sa kanya. Iyon nga lang hindi siya pinapansin nu'n." Sabay nguya ko at sawsaw sa gravy na nasa tapat ko. Ang sarap. Ganito ba kapag naglilihi kung ano-anong ginagawa sa pagkain. Kumuha ako ng isang piraso ng pineapple at sinawsaw ito sa gravy at nilapit kay Calix. "Say ah." Aniya ko rito habang nakatapat sa kanya ang hawak kong pagkain. Nakita kong umalon ang kanyang leeg habang nakatitig sa aking hawak, "I'm okay, baby. Busog pa ako." Sabay taas ng dalawang sulok niya sa kanyang labi. "No, taste it. Sobrang sarap niya Calix. Promise," sabay taas ko ng aking kaliwang kamay nasa kanang kamay ko kasi ang pineapple na may gravy. Tinapat ko lalo sa kanya ang aking hawak at pinilit na binuka ang kanyang bibig. Natuwa ako ng unti-unting ito bumubukas para sa akin ng makitang medyo malaki na ang kanyang pagnganga agad na pinasok ko sa kanyang labi ang pineapple. Nakita ko siyang napapikit at sabay nilunok ng isang buo ang pagkain na nilagay ko sa kanya. "Calix, ba't mo nilunok?" Busal ko sa kanya. Umalis siya sa harapan ko, gumawi sa mga wine niyang nakasabit at nakita kong binuksan niya ang isa saka nilaklak. Masama ba iyong lasa? Masarap naman siya. Ang overacting lang talaga itong si Calix. Gusto niya lang talaga makainom ng wine ngayon. Tumingin siya sa akin habang hawak pa rin ang isang bote ng wine sa kanyang kamay, "huwag mo na uulitin niyon, ha? Huwag ka ng kakainin niyan. Ang sama ng lasa!" Nakita kong nililigpit na niya ang gravy sauce ko na nasa maliit na mangkok at dinala ito sa kusina. Sinundan ko siya at masama siyang tinignan, "bakit ginawa mo niyon? Gusto ko niyan! Give me back, Calix! Akin na niyan!" Pero tuluyan niya itong tinapon sa kitchen sink. Hinampas ko ang kanyang balikat, "bakit mo ginawa niyon? Kung ayaw mo nu'ng lasa hindi ibigsabihin ayaw ko na rin! Nakakainis ka! Nakakainis ka, Calixto! I hate you!" Malakas na sigaw ko sa kanya at iniwan ko siya roon. Pumasok ako sa room namin, ni-lock ko ito. Naiinis ako sa kanya. Alam niyang buntis ako, alam naman niya sigurong naglilihi ako! Nakakabwisit siya! Tapos itatapon niya iyong kinakain ko, hindi niya alam na mahirap maglihi! Siya kaya ang maglihi! Nakapanglumbaba ako rito habang tinitignan ang pinto kung kakatok ba siya roon at hihingi ng sorry pero lumipas ang ilang minuto wala akong narinig. Ang taas-taas ng pride niya! Siya na nga itong mali, hindi pa siya agad humingi ng tawad! Nakakainis ka talaga, Calixto! Kung ayaw mong humingi ng sorry, okay fine, hindi kita papansinin. Manigas ka r'yan! Ikaw kaya magbuntis tignan natin kung hindi ka maghahanap ng mga pagkain kakaiba. Kahit kailan talaga! LUMIPAS ang isang araw, ni-isang sorry o isang lambing wala akong natanggap sa kanya. Grabe kaya niya akong tiisin ng isang araw? Bumangon ako na nakakunot ang aking noo at dumiretso sa may bathroom habang nagngingitngit sa galit kay Calix. Dumiretso ligo na rin ako at saka nagbihis ng jeans and shirt, hindi pa man gano'ng malaki ang tiyan ko kaya ayos na itong suot ko. Nadatnan ko ang sala ng malinis at ni-isang bakas ni Calix ay wala akong nakita roon. Gumawi ako sa may kitchen, nakita ko roon si Manang na naghahanda ng breakfast. "Manang, nasa'n po si Calixto?" Ani ko sa kanya at saka kinuha ang fresh milk sa may refrigerator at nagsalin sa baso ko. "Hindi pa po umuuwi si Sir Calix, Ma'am Celeste. Kagabi pa po siya umalis." Napamaang ako sa sinabi niya. Wow! Umalis siya kagabi? Sa'n siya pumunta? Bakit hindi siya nagpaalam sa akin? Nakakainis talaga. "Gano'n po ba?" Tumango ito sa akin, "hindi ba nagpaalam sa'yo, Celeste?" Umiling ako sa kanya. "Nagkaaway po kami kagabi, Manang. Kasi naman po... Tinapon niya iyong kinakain ko kahapon. Eh, alam naman niya pong naglilihi ako, Manang." Ani ko sa kanya at saka ininom ang gatas ko. "Kayo talagang dalawa, dapat pinag-uusapan niyo agad niyang problema niyo. Hindi na dapat pinapatagal niyang mga ganyang away niyo lalo na't buntis ka." Nakagat ko ang aking ibabang labi. "Siya naman po kasi ang taas-taas ng pride niya, Manang. Hindi pa rin siya nagbabago kahit kailan." "Kilala mo naman niyang kakambal mo, Celeste, ganyan na niyan simula mga bata pa kayo." Inubos ko ang iniinom kong fresh milk at saka nagpaalam kay Manang na aalis ako. Hindi ko na sinabi sa kanya kung sa'n ako pupunta, hindi rin naman nagpaalam si Calixto sa kanya. Nag-grab ako papunta sa mall, hindi naman kasi ako marunong mag-drive ng kotse baka ma-aksidente pa ako. Nang makarating sa South Mall, gumawi agad ang aking mga paa sa department store - kid's section. Hindi pa man gaanong kalakihan ang aking tiyan, hindi pa nga halata para lang akong busog. Pero, excited na ako mamili ng magiging gamit ng baby namin ni Calix kahit 'di pa namin alam ang gender niya. Tinignan ko ang isang damit ng newborn baby na nandito, ang liit ng damit na ito parang pangmanika na damit lang ang isang ito. Kumuha ako ng dalawa kulay puti para hindi masayang, para p'wedeng magamit ni baby kung babae man siya o lalaki. May nakita rin akong iba pang gamit ni baby kaya kumuha rin ako puro puti ang mga iyon. Nang makapagbayad sa cashier na nandito, dumiretso ako sa King Fried Chicken fastfood bigla kasi akong natakam sa advertisement poster nila na may bucket na chicken and isang bowl ng fries kaya dito ako napunta at kumain. Hindi ko alam pero sumaya ang mood ko ng p'wedeng maglagay ng gravy sa isang plato, heaven ito para sa akin. Mukhang sa gravy ako naglilihi, nowadays lahat ng gusto kong kainin ay gusto kong isawsaw sa gravy, gusto ko silang ipares lahat sa gravy. Nakakatakam. Napansin kong nag-vibrate ang aking bag na nasa hita ko, mukhang may tumatawag sa phone ko, ha? Nagpunas muna ako sa tissue at saka kinuha ang aking phone sa bag, nakita ko roon ang unknown number. Sino 'to? Kahit nag-aalinlangan akong sagutin, sinagot ko ang tawag ng hindi ko kilalang number. "H-hello? S-sino ito?" Bungad ko rito. "C-celeste, a-anak?" Dalawang salita na parang bombang sumabog sa akin, at lalong nagpasabog sa akin ang dinugtong niyang mga salita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD