Chapter 19

871 Words
19. CELESTE "How many times to say to you, walang nangyari sa atin..." nagtitimpi sa galit ang bawat pagbigkas ng kanyang mga salita. "Abort that child..." Nanlamig ako sa kanyang sinabi, si Calix ba ang nagsasalita. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin pero pagbukas at pagsara ng pinto ang aking narinig. Gusto kong bumangon at magtanong sa kanya kung totoo ba ang mga narinig ko galing sa kanya. May itatanong pa nga ako sa kanya tapos ganito pa ang maririnig ko. Sino iyong kausap niya? May na buntis ba siyang iba bukod sa akin? Pilit ng kaluluwa kong bumangon at sigawan si Calixto dahil sa mga narinig ko sa kanya, pero iyong katawan ko ang ayaw makisama sa akin at parang gusto niya na lang niya matulog at kalimutan ang problema. Bukas. Bukas kakausapin ko siya kung sino ang kausap niya. Sa ngayon ay hahayaan ko muna ang gabing ito at itutulog ko muna ang problema ko sa kanya. Kinabukasan, maaga akong nagising para hinapin sa buong sulok ng bahay si Calixto pero ni-anino niya wala, maging ang kanang kamay niyang si Lucas. Nagtanong-tanong ako sa mga bodyguard niya kung nasa'n ang boss nila tanging sinabi lang ng mga ito, maaga raw umalis at may aasikasuhin daw na business client. Business client? Baka iyong babaeng nabuntis niya. Wala rin si Manang, nasa Pamilihang Bayan daw ito. Maganda raw kasi ang mga baboy at isda roon kapag maaga, kasi kapag tinanghali ka na mabibili mo na roon ay mga bilasa at mga napilian na. Pumanik ako sa k'warto namin at saka di-nial ang number niya, ilang beses ko inulit ang pag-dial sa kanyang phone number pero operator lamang ang sumasagot sa akin. Kaya nagpasya akong pumunta sa kanyang office, baka may inaasikaso nga siyang business meeting doon kaya hindi niya masagot ang tawag ko. Nagpahatid ako sa isa sa mga tauhan niyang nagbabantay rito, kung alam ko lang kung paano magmaneho, ako na kusang pupunta roon na walang kasama pero mahirap na baka ma-aksidente ako at mawala pa sa akin ang baby ko. Wala pang isang oras na makarating kami sa company nila, binati ako ng mga nagta-trabaho roon, ngiti lamang ako binabalik ko sa kanila. Dumiretso ako sa floor kung nasa'n ang kanyang office, sana nga lang nandyan iyong secretary niyang si Khalim. Hindi ko pa siya nakikita kaya magbabase na lang ako sa mukha niya, kapag mukhang arabo or bumbayin siya na siguro niyon. Tumigil ang elevator sa office floor niya, pagkabukas pa lang iyon ay lumakad na ako. Rinig sa buong floor ang ginagawa kong ingay. Hindi ko pinapansin ang mga taong nasa paligid ko na nakatingin ngayon sa akin basta isa lang ang nasa isip ko ngayon ay ang makita si Calixto. Lumiko ako sa isang hallway para makapunta sa office niya. Doon ko nakita ang isang lalaking nakaupo na malapit sa pinto ng office ni Calixto. Siya yata si Khalim. Lumapit ako rito at napatayo ito ng makita niya ako. Mukhang siya nga si Khalim. "Mrs. Kalaw," aniya sa akin at sabay yumuko. "Ikaw ba si Khalim?" tanong ko sa kanya at siyang tumango sa akin. Mukha nga siyang bumbay. "Nasaan si Calixto? Nasaan niyong boss niyo?" pagtatanong ko sa kanya habang nakataas ang aking kanang kilay. Tumingin siya sa pinto at saka tumingin sa akin. Bumubuka ang kanyang bibig pero agad niya rin itong sinasara. "Nasaan?" galit na tanong ko rito. Tumataas na ang boses ko dahil sa kanyang inaasta. "M-mrs. . . A-ano po, Mr. Calixto has a meeting today." aniya sa akin pero hindi pa rin mapakali sa kanyang pagkakatayo. Kinagat ko ang aking ibabang labi at saka tinitignan ang pintong papunta sa office ni Calixto. "Liar," mahina pero may babalang ani ko sa kanya. Tinungo ko ang pinto, nakita ko ang pag-hesitate niyang pagpunta sa harap ng office door ni Calixto. Haharangan pa sana niya ako pero tinabig ko siya. Sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay. "Nandito boss mo, right?" pagtatanong ko sa kanya. Hindi siya makatingin sa akin, ang kanyang mata ay nakatingin sa pintong nasa likod ko. Binuksan ko ang pinto at siya pagbulong niya na, "yari ako nito." Kakamot-kamot siya sa kanyang likod na ulo. Bumungad sa akin ang tahimik na office ni Calixto. Nagsalubong ang aking kilay ng wala akong makitang tao sa loob nito. "Imposible. . ." aniya ko sa aking sarili at tinitigan ang secretary niyang gulat na gulat din. Ibigsabihin nandito nga siya. Lumakad ako at tinignan ang ilalim ng kanyang table pero walang tao, sinilip ang pantry niya rito pero wala rin tao. Isang pinto na lang ang hindi ko pa nakikita, ang k'warto niya rito. "Mrs. K-kalaw, w-wala ho talaga rito Mr. Calixto..." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na tinahak ang last na pinto na nandito. "Just shut up, okay!" Daldal nang daldal. Inayos ko muna ang aking sarili at hinanda kung ano man ang makikita ko roon. Huwag lang talaga siya magkakamali na lokohin ako. Hindi ko alam kung ano ang magagawa kung may makikita akong babae sa tabi niya. Huminga akong malalim at dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sa pagbukas ko ay ganoʼn na lamang ang aking gulat nang makita ang nasa loob. "What the f**k!"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD