CHAPTER FOUR

1708 Words
WALANG pagsidlan ang takot at kaba ni Pamela habang mabilis na minamaneho ni Emir ang sasakyan sa kahabaan ng basa at madulas na daan. Halos hindi siya humihinga habang nakakapit sa magkabilang gilid ng sasakyan. Natatakot sa kaalamang anumang oras ay mahulog ang kotse nila sa bangin. “W-will you please slow down? Hindi tayo nakikipaghabulan kay kamatayan. And if that what’s your intented then huwag mo akong idamay!” she squalled in a trembling voice. Napapaangat ang kanyang pang-upo sa upuan tuwing hindi niya kayang marimarim sa klase ng pagmamaneho ng lalaki. He was so reckless and rash. Naririnig niya ang paglangitngit ng gulong sa sasakyan. Impit na napatili si Pamela nang dumaan sila sa c-highway. Pakiramdam niya’y humihiwalay ang kaluluwa niya sa katawang lupa. Humigpit lalo ang kanyang kapit sa magkabilang gilid. “Please, stop the car! I cannot take this anymore! I don’t wanna die with someone like you who doesn’t have sufficient reason to be angry!” she bawled again in an impulsive voice. She could almost feel her heart beating fast in her chest. Humigpit ang hawak ni Emir sa manibela. Hindi pinansin ang sinasabi at nararamdaman ng babae. Mas lalo lang nito pinabilis ang takbo, na ang pansin ay sadyang nakatutok lamang sa daan. He was a car racer champion in UAE, esperto ang lalaki magpatakbo ng sasakyan ng mabilis at matulin sa gitna ng kasukalan—with fierness. At kung may balak man itong ihinto ang sasakyan ay hindi nito gagawin hangga’t hindi lubhang napapaamin ang babaeng si Pamela sa nais nitong malaman. And seeing her reaction right now, he couldn’t help himself but smile in the back of his mind. Bagaman, hindi planong maipahamak ang babae “I won’t stop the car until you tell me what I wanna know, Pamela,” he said in a calm voice, but his face was dark and hard. She shrugged when Emir looked at her as if like penetrating her deep soul. Sa parteng iyon ay kagyat niyang nasalubong ang tsokolateng mga mata ng lalaki. “Ano ba ang gusto mong malaman?” she asked, but he didn’t answer. She could see the tightness of his jaw. Lalong tinaasan nito ang numero sa speed tracker. Sapat iyon upang magsalita ang naguguluhang si Pamela. She had no choice but to face it! She heaved a sigh. “All right, kaya ako naririto ay upang makilala ang pamilya ng asawa ko.” she said. Pero tila walang narinig ang lalaki kaya’t nagpatuloy siya. “I came here because of Dylan Carvajal, Emir! He live here and his family.” sa pagkakataon na iyon ay malakas na ang pagkakasabi niya. “Then, what’s your connection with him?” “H-he is my husband.” Mabilis na pinindot ni Emir ang preno ng sasakyan. Si Pamela ay muntik nang masubsob sa dashboard kung hindi siya napakapit bigla sa magkabilang gilid. Mabuti na lang at naisuot niya kanina ang seatbelt. Astonished shocked was on her face. Hindi siya halos makahinga. Nabaling lang ang tingin niya sa lalaki nang magsalita ito. “What?” ulit ni Emir habang hawak pa rin ang manibela. Naalala ang sinabi ni Manang Tasing nang nagdaang gabi ni sa library, na kasal at may asawa na ang babae. Tumango siya. Hindi alam kung ano ang maaaring maging reaksyon nang mapansing bumaba ang tingin nito tungo sa kanyang kamay. She swallowed. Is he trying to find the proof? Bulong ng isip niya. She firmed her faced. Taas noo na iminuwestra ang suot-suot na singsing sa harap nito. “See this ring? This is the proof that I am married.” she said. Ang takot na nararamdaman sa dibdib ay nawala at napalitan ng tapang. Nang masagot ang tanong ni Emir ay ganoon na lang ang pag kunot ng noo ni Pamela nang tumawa ito ng malakas at nanunuya, na sumakop sa loob ng sasakyan na iyon. She had no choice kundi sabihin rito ang ilang sadya niya, bagaman ang malaman na pagtatawanan siya ng lalaki ay hindi niya inaasahan. At isang insulto iyon para sa kanya. “At ano’ng nakakatawa sa sinabi ko?” she raised an eyebrow on him. “Look, hindi ako nakikipagbiruan sa ’yo, Mister?” aniya upang maagaw ang atensiyon nito sa pagtawa, subalit nang hindi ito tumitigil ay hinayaan na lang niya hanggang umayos ito at manumbalik sa ayos. Sumandig si Emir sa headboard ng sasakyan. Humigpit ang hawak sa manibela. “Sorry, I didn't meant to offend you. Pero ako ba’y pinagloloko mo, Pamela?” Nang tumingin ang lalaki sa kanya ay tumatawa pa rin ang mata nito. At imbis na mainis ay uminit ang pisngi niya. Hindi inaasahan na mas lalo itong naging magandang lalaki sa kanyang paningin, kahit saksakan na ito ng antipatiko. “Mukha ba akong nagbibiro? Nasabi ko na sa ’yo ang lahat ng dahilan, but you just laughed it. At ngayon ay hindi ka pa rin naniniwala sa ’kin? Gusto mo pa bang ilahad ko sa iyo ang buhay ko?” His smile is wide. “Now we're even.” “What?” “Hindi mo ako pinaniwalaan kanina sa nangyari kagabi. Kaya dapat rin na maramdaman mo rin ang naramdaman ko.” “You serious?” Then look at him in disbelief. Tumikwas ang kilay ni Emir. Ang mukha ay naging seryoso. He cleared his throat before he had answered her questioned. “Yes, and I shouldn't have asked you about that.” anito na muli niyang ikinakunot. Pagkatapos ay pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa, that could almost melt her. “Pamela.” mayamayang wika nito. “What?” “Do you give your husband satisfaction what he’s looking for?” may ibig sabihin na tanong nito. And when she looked at the man mocking-faced, ay kumunot ang noo niya. Muli, hindi na naman niya maintindihan ang ibig sabihin ng lalaki. Emir smirked. “Alright, It seems you didn't understand my question. I don't quite think you're still innocent for that. Kaya uuliti. ko ang tanong sa ’yo Pamela bago tayo bumalik sa penthouse.” and then he asked. “Ang nangyaring pagpapakasal mo ay batid mo ba kung ano ang pinasok mo?” Kinabahan siya. Una pa lang ay alam niya na kung ano ang kanyang pinasok. Ipinagkasundo lang naman siya ni George kay Dylan upang mabayaran ang lahat ng utang nito. Hindi na din bago sa kanya ang kabi-kabilang negosyo ng asawa sa loob o sa labas man ng industriya ng pagnenegosyo. Nang mag-asawa sila ay nalaman niyang kahit ni minsan ay wala itong pinalampas na events ng hindi siya kasama. Nasaksihan niya ang pakikipag-negotiate nito sa iba’t ibang tanyag na mga mayayaman na negosyante. Mapabanyaga man o lokal. Ang mga mata ni Pamela ay biglang nanghina at hindi iyon nakaligtas sa seryosong mukha ng lalaki. “A-alam ko ang pinasok ko, Emir.” she answered with a conviction na siyang may malaking ibig sabihin para sa lalaki. Nang inangat niya ang tingin rito ay nasalubong niya ang mga mata ng lalaki. Naunang iniwas ni Pamela at ibinaling ang paningin sa ibayo. Emir shrugged his shoulder. Walang namutawi na anumang salita sa bibig. “Kung gayon, pasensya ka na sa inasal ko, nagkamali lang ako ng pakiwari sa ‘yo. Uso ang uportunista sa lugar na ito at ayokong malinlang ako ng isang nagbabalat-kayo.” “Hindi ako nagbabalat-kayo, pero naiintindihan ko ang punto mo.” aniya sa naiintindihan na salita. “Huwag kang mag-alala. Kahit matapos ang bagyong ito ay hahayaan kitang pansamantalang manatili sa penthouse.” “Paano ko masisiguro na hindi mo na uulitin ang ginawa mo sa ‘kin ngayon, Emir?” “I kept my words, Pamela. I wasn’t that very bad to kill you immediately. Wala akong balak na dungisan ang mga kamay ko sa walang sapat na dahilan.” wika nito na siyang nagbigay lubag sa nararamdaman ng babae. She nodded. Pagkatapos ay sinimulan ni Emir ang pag-bukas ng ignition ng sasakyan. Pinigil niya ito. “Wait, how about my car?” “Matapos itong bagyo at bumaba ang tubig baha sa tulay ay huwag kang mag-alala, dahil ipakukuha ko talyer ang kotse mo.” Muling tumango si Pamela. Nakahinga ng maluwag. Ang tensyon nila sa pagitan ng lalaki ay ganoon na lang kabilis nawala. Nakakatawa man isipin na sinuong nilang dalawa ang bagyo ay hindi na iyon iniisip pa ni Pamela. She breathlessly lay her back in the passenger seat nang magsimulang imaneho ni Emir ang sasakyan pabalik. Naging tahimik at normal na ang buong biyahe at wala nang nagbukas pa ng topic tungkol sa nangyari. Sa parteng iyon ay maingat na ang pagmamaneho ni Emir. At napanatag na ang kalooban ni Pamela, bagaman hindi maiwasan ang awkwardness sa pagitan nila. Pagkarating ay sinalubong sila ng nag-aalang si Manang Tasing. Pagkababa niya ay kaagad siyang nahilo at nasapo ang noo bagaman naroroon si Emir at nasalo kaagad siya. Inalalayan siya nito. “I’m sorry,” he whispered close to her ear. Magsasalita sana siya nang nilapitan na sila ni Manang Tasing. Hindi nakaligtas rito ang pananamlay niya. “Jusmio, ano’ng ginawa mo sa kanya, hijo?” nag-alalang tanong ng mayordoma. Pagkatapos ay sinalat ang noo niya. “Naku, tumaas na naman ang lagnat mo, hija.” anito at binalingan ang lalaki sa tabi niya’t, doon ay nakatikim ito ng kurot sa braso, tagiliran, at sa kung saan-saang parte ng katawan nito. Si Emir ay todo ang iwas sa matanda na huwag tumama ang mga kurot nito. “She’ll be okay, Manang. Hindi mo kailangan mag-alala.” “Aba’y, pilosopo ka pang bata ka ha. Sinabihan na kita sa mga paratang mong iyan, pero matigas pa rin ang ulo mo.” Natawa si Pamela nang makitang dadamputin nito ang sapin sa paa nang biglang mabilis pa sa alas-kuwatro na pinigil ito ni Emir. “Manang, you shouldn't do that. Nasa harap tayo ng bisita.” seryosong banta nito na ikinailing ni Tasing. “Wala akong pakialam. Bata ka pa lang ay kilala na. kitang bata ka!” Nang tangkang ibabato rito ang tsinelas ay mabilis itong nawala sa paningin nila na pumasok sa kabahayan. Naiwang natatawa ang dalawang babae. Nang tumingin sa kanya ang matanda kinindatan siya nito na kanyang ikinangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD