Chapter Six

2262 Words
SA unti-unting pag-bangon ng diwa ni Pamela ay puting kisame ang sumalubong sa kanya. Hindi niya alam kung nasaan siya. Tanging naaalala niya noong gabing nangailangan siya nang tulong ay nawalan ng baterya ang kanyang sasakyan sa gitna ng kalsada—and then a car almost ran over her. Napabalikwas siya ng bangon sa kama. Nahihilong nasapo ang ulo dahil sa biglang paggalaw. Bumalik sa balintataw ang halos pagsagasa sa kanya ng kotse na minamaneho ng isang misteryosong lalaki, na ang mukha at bulto ng katawan ay natatakpan ng headlights. Subalit ang malalim at malamig na boses nito ay nanatili sa kanyang isipan. At batid niyang nasalo siya ng bisig nito bago siya nawalan ng malay. Napuna niya ang suot. She’s wearing a shell purple silk satin long sleeve paired with pajamas—kaibahan ito sa suot niya noong nakaraang gabi. Dahil dito, bumangon ang agam-agam niya sa dibdib. Nabuo sa isip ang mga ideya na maaaring may hindi kanais—nais na nangyari sa kanya at sa estrangherong lalaki kagabi. She gasped at the thought. Noon lang pumasok sa isip ang posibleng mangyari sa kanya, sa pagitan ng kasamang estrangherong lalaki kagabi. In panic, she thoroughly checked her body for any signs of harm but found none—no scars, no pain, no indications of danger. She let out a sigh of relief. Sa ganoong kalagayan, bumukas ang pinto ng silid, iniluwa roon ang ‘di kilalang lalaki. “Glad you’re awake.” he said. Nagtuloy-tuloy ito sa loob ng silid. She swallowed as he entered the room, he exude an air of authority and arrogance, tall and exquisitely handsome. Idagdag pa ang mga stubbles nito na halos umabot sa panga, na mas higit nakakapang-akit tingnan. The man was wearing a distinctive white long sleeve polo and black slacks. Kung ihahambing ito kay Dylan, maganda ang dalawang lalaki. Sadyang nakakalamang ng kaunting paligo ang lalaking nasa harapan niya ngayon. “Kumusta ang pakiramdam mo?” pukaw nito sa kanya. Habang si Pamela ay hindi mapigilang mahumaling sa anyo ng misteryosong estranghero kagabi, na ngayon ay lubos niyang nakita ang mukha. “I-ikaw?” “Yes?” he said raising an eyebrow on her. Napailing siya. Malabong ang lalaking ito ang nakasagupa niya kagabi. At lalong lalo na sa inakala niyang may masamang intensyon at psycho killer. It’s like he’s the man of her dreams. “Who are you?” tanging naisambulat niya. Unti-unting bumabalik ang diwa sa kasalukuyan. “Oh I already remembered, you’re the guy last night right?” “Are you drunk?” nagtatakang tanong ng lalaki sa ikinikilos niya. “No, just starving.” “Kung gayon, huwag kang mag-alala mayamaya lang ay pagkain na darating dito para sa ’yo. You need enough rest to regain your strength, Miss.” he said with no expression while folding his arms. Sa ginawa nitong iyon, ang matipunong braso at dibdib ay humapit sa suot nitong puting kamiseta. She could tell he spent a lot of time working out. Nang magsalubong ang tingin nila ay parang bigla siyang sinilaban ng apoy at kaagad na iniwas ang paningin dito. Tumingin siya sa paligid. “Matanong ko lang, nasaan ako? Is this your place? What happened to me? Did you take advantage of my body habang wala ako sa wisyo?” sunod-sunod na tanong ni Pamela habang isa-isang pumapasok sa isp ang posibleng mangyari sa kanya kasama ang lalaki. The eyes and her voice were accusing, enough to make the man feel insulted. His eyes flickered with a mixture of surprise and frustration, and his voice tightened as he responded, “I didn’t take advantage of your vulnerability or your body. I helped you when you were in need, and this is how you question me?” Natigilan siya nang matanto ang salitang lumabas sa kanyang bibig. “Then what happened to me?” “You fainted last night, and it would have been the end of your life if I hadn’t brought you here. And if you suspect any wrongdoing on my part? Di sanay ganyan ang kalagayan mo. Saka nakita mo naman ang bihis mo, maayos at komportable.” sarksmong saad nito sa huling pangungusap. She bowed in shame. “K-kung ganoon, humihingi ako ng pasensiya sa lahat ng nasabi ko sa ‘yo mula pa kagabi. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko, at bukod sa hindi ko alam ang lugar ay wala pa kong kaim simula pa kahapon.” “I understand. But dwelling on last night? Not my style. Swerte mo lang na ako ang nakasalubong mo. Now, imagine if the tables were turned. Hmm, I wonder where you’d find yourself the next day. Being overly judgmental has a funny way of turning things around, doesn’t it?” Naa-amused na tuya nito sa kanya. At ang babaeng si Pamela ay hindi maiwasang mainis sa mahabang sinabi ng lalaki ukol sa kanya. Tila ipinamumukha nito na tinulungan siya ng lalaki dahil sa maling pag-iisip niya ng masama laban dito. Well, he’s just stating a fact! sansala ng isip niya. She sighed and then composed herself. “Sige, salamat sa tulong kung ganoon. Ituturing ko na lang na utang na loob ang kabaitan mo.” she said drily. However, Emir wasn’t convinced by her words. “I don't think you truly mean what you're saying, Miss.” “Pamela. Huwag mo na akong tawaging Miss.” Nabigla man sa pagbibigay ng pangalan ng babae ay hindi pinahalata ng lalaki. Namulsa ito at tumaas ang isang kilay. “Now you’re introducing yourself to me?” uyam nito. Naikuyom niya ang kanyang kamao sa pagpipigil na gantihan ito ng salita. Emir smirked. “Okay, Pamela. Kung iniisip mo na ipinapamukha ko sa ‘yo ang lahat ng sinabi mo sa akin kagabi ay hindi ka nagkakamali. But it really doesn’t matter. I help without expecting anything in return.” he stated. Pagkataspos ay inilahad ang kamay sa kanya. “Emir.” he introduced himself. Tumaas ang tingin niya sa nakalahad na kamay ng lalaki. “E-emir . . .” she softly uttered his name. May kakaibang halong pamilyaridad sa kanyang damdamin. Tila bang naririnig na niya ang pangalan nito kung saan man. Imbis na sagutin siya ng lalaki, kinuha nito ang kamay niya at nakipag-shake hands sa kanya, na agad niyang hinila dahil sa naramdamang kuryente na dumaloy sa kamay tungo sa kanyang kaibuturan. Lumukob ang awkwardness sa pagitan nila ng lalaki. Emir cleared his throat, changing the subject abruptly. "Tulad mo, na-trap lang din ako sa bagyo. That's why, pansamantala muna akong magpapalipas rito sa poblacion. At ngayong gising ka na, padadalhan na lang kita ng pagkain rito sa silid," wika nito at tumalikod na. Sa biglang pagkataranta ni Pamela, tinawag niya ito. "Do you mean I'll stay here too?" "Ayaw mo ba?" Emir replied without looking back at her. "I do, pero kailangan ko na rin umalis," aniya, siguradong nag-aalala na si Alec sa kanya. Sinubukang niyang tumayo sa kama nang pigilan siya ng lalaki. “Don’t risk standing up or anything,” he warned. “At sino ka para para magdesisyon?” “Dahil nasa pamamahay kita.” Ilang sandali siyang natigilan. At sinamantala iyon ng lalaki. “Alam ko ang inaalala mo, Pamela. Sa kasamaang palad, hindi humihinto ang ulan, at tiwala akong aabutin ng ilang araw bago humupa ang bagyo sa rehiyong ito. Ang pagbaha ay isa ring alalahanin sa mga kalapit na lugar. Kung isasaalang-alang ang malakas na hangin at ulan, sa tingin mo ba'y ligtas para sa iyo na pagbiyahe sa panahon ng mga kondisyong ito?” “Kung ganoon, maaari ba akong maki-ta—” For a second time, he cut her off. “Ofcourse you will. However, there’s no signal here in town during the height of the storm if you need it now. The fact na baka mawawalan rin ng kuryente at mapipilitan tayong generator na lang ang gamitin.” saad nito at nagpatuloy. “I know your family will be worried about your condition. Pero saka mo na siguro sila tawagan kung maayos na ang lagay ng panahon at bumalik na sa dati. Pahihiramin kita ng telepono kung gusto mo.” Pamela let out a sigh. Nasisiguradong hindi gaanong mag-aalala ang asawa niyang si Dylan sa kalagayan niya ngayon. Siguro’y ang nakakatanda niyang kapatid na si Alec ay pwede pa. Hindi ito mapakali kung wala itong balita sa kanya. Kumunot ang noo ni Emir nang makitang ilang sandaling hindi nakakibo ang babaeng si Pamela. “Do you need anything else or have more questions?” Umangat ang tingin niya sa lalaki. Muling nagtagpo ang mga mata nila. Ang akala niya’y umalis na ito sa silid. She couldn’t even know what she feels. Tila may isang bagay ang kumukonekta sa kanilang dalawa habang magkahinang ang mga mata nila. Nang walang magpapatalo sa di maputol na titigan ay naunag iniwas niya ang tingin, upang mawaglit ang anumang tension na naramdaman sa paligid. “Nah, I’m good for now. Thanks!” pagkasabi niyon ay katok sa pinto ang umagaw ng atensiyon nila. Emir turned his gaze away to open the door. Sumungaw roon ang matandang si Tasing. Dala ang tray ay nagtuloy-tuloy ito sa loob. “Mabuti at gising ka na, hija,” masayang wika nito sa kanya na sa tingin niya’y mahigit singkuwenta na ang edad. She knelt slightly and smiled. Pagkatapos ay tiningnan si Emir na nasa likuran nito na sinalubong naman ng huli. Agad niyang iniwas ang tingin at ibinaling sa dala-dalang pagkain ng katiwala. “Pinagluto kita ng mainit-init pa na tinola, chopsuey, at hiniwang mga prutas kasama na itong tsaa, nang bumuti ang kalagayan mo, hija.” “Naku, marami hong salamat.” “Tawagin mo na lamang akong Manang Tasing.” Tumango siya at inayos ang sarili nang ihain ng matanda ang pagkain sa bed table. Si Emir na kanina pang pinagmamasdan ang dalawa ay tumikhim upang makuha ang atensyon nila, higit na sa kanya. “You supposed to eat more, Pamela. Sabi mo’y gutom ka na mula pa kahapon. Please don’t hesitate to inform Manang. And if there’s anything specific you’d like, just inform me when I return.” imporma nito bago lumabas ng silid. “O, siya magpagaling ka, Pamela.” pukaw ng mayordoma. “Mataas ang lagnat mo kagabi. Kaya pagkatapos mong kumain ay papainumin kita ng paracetamol para bumaba ang lagnat mo. Kung gusto mo pang kumain ng ibang luto bukod sa dinala ko ay sabihin mo lang. Handa ka namin pagsilbihan dito.” Pamela smiled, then began to spoon and sip the tinola. Nabuhayan siya ng dugo nang malamnan ng mga ang tiyan. Masarap ang lahat ng luto ni Manang Tasing kaya naubos at simot niya ang mga pagkaing dinala nito sa kanya. Pagkatapos ay inabot naman sa kanya ang gamot para mas lalong bumuti ang pakiramdam niya. “Maraming salamat po sa pag-aalaga, Manang.” “Walang anuman. Bisita ka rito at dapat lang na pagsilbihan ka namin. Tingnan mo, pinagpapawisan na ang noo mo dahil sa niluto kong tinola. Kunting sinat na lang ang mayroon ka,” gamit ang malinis na bimpo ay ipinunas nito iyon sa namamawis niyang noo. “Sigurado akong bibilis ang paggaling mo. Basta’t magpagpahinga ka lang.” Pamela nodded and smiled sweetly, expressing her gratitude to Manang Tasing. “Siya nga pala, nasabi sa akin ni Emir ang nangyari sa ‘yo nang nagdaang gabi. Bakit ka ba nasiraan ng sasakyan sa daan, hija?” Ikinuwento ni Pamela ang lahat sa mayordoma, mula sa nawalan ng baterya ang sasakyan niya, ang nangyari sa kanila ni Emir, at ang destinasyon niya. “Papunta ho akong Santa Praxedes bago naabutan ng bagyo sa daan.” “Aba’y sino ang sadya mo roon?” nagtataka ito. “Uhm, si Doña Evangeline Carvajal po.” Nabigla man ang matanda sa binaggit niyang pangalan ay bagaman hindi nito iyon ipinahalata. “G-ganoon ba. Kung gayon, pag wala nang bagyo, sasabihan ko si Emir na isabay ka sa pagpunta roon.” “Ay, huwag na po, malaking bagay na po itong naitulong ninyo sa akin. Nakakahiya na po.” “Aba bakit ka naman mahihiya?” Bago pa man siya makasagot ay may biglang kumatok na panauhin sa labas ng silid. Tumayo ang mayordoma para buksan ang pinto. Mula sa kama, nasilip niya ang isang batang babae na nasa edad kinse tila may mahalagang ipinaaabot. Hindi niya batid kung ano iyon? Nang humarap sa kanya si Tasing ay pinaalam nito na may mahalagang aayusin sa kusina. Nakakaintindi na tumango si Pamela. Nang mapag-isa sa silid ay tumayo siya sa kama. Mula sa wall clock ay nakita niyang alas ocho y media na ng umaga. As Emir turned to leave earlier, she couldn’t help but wonder about the mysterious stranger who became an unexpected guardian in the storm. Humakbang siya patungo sa slide window at hinawi ang kurtinang nakaharang. Kitang-kita ang malakas na bugso ng hangin at malalaking patak ng ulan mula sa labas. Madilim ang kalangitan, at ang mga halaman sa garden ay napahiga sa lakas ng hangin, ganoon din ang mga puno sa hindi kalayuan. Kalakip niyon ang naging kabawasan para hindi siya matakot sa bagyo dahil nasa maayos na lugar siya. Ngunit sa pagkidlat at kulog, nagulantang at napatalon siya, agad na isinara ang kurtina ng bintana sa takot na matamaan ng kidlat. Napaatras at nabundol sa isang matigas na bagay. Kaya’t napalingon siya, na akala niyang muwebles ay isa pa lang matipunong dibdib ang nakabangga niya. Pag-angat niya ng tingin, madilim na mukha ni Emir ang sumalubong sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD