CHAPTER FIVE – PART 1

955 Words
MATAPOS mainom ang gamot ay inilapag ni Pamela ang tubig sa bed table. “Kumusta na ang lagay mo, hija? Bumalik ang lagnat mo kagabi at hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin ako sa kalagayan mo.” wika ng matanda sa kanyang tabi, bakas ang pag-aalala sa mukha at tinig. Pamela’s heart suddenly softened. Bukod kay George ay noon lang mayroong ibang tao ang nag-alala sa kanya ng labis. She smiled. “Mabuti na ho, Manang Tasing. Wala na kayong dapat pang ipag-alala.” bigay lubag niya sa nararamdaman nito. Matapos ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Emir ay hindi na nagpakita pa muli sa kanya ang lalaki. At mas mabuti na iyon, sapagkat mas mapapanatag ang kalooban niya kung hindi ito umaaligid sa paligid niya. Nang sa gayon ay hindi niya maisip na siya’y nalalagay sa peligro. She thought, Emir was a feracious lion when he is mad. Nagawa niyang galitin ito kanina, at hanggang ngayon ay nanatiling hindi niya maunawaan kung bakit ito ganoon? All she remembered was he knew her husband. Kung sa bagay, hindi malabong kilala nito ang asawa niya dahil sa iisang distrito lamang ang mga ito nakalagi. Umupo sa gilid ng kama ang mayordoma. “Hindi mo maiaalis sa akin ang pag-alala, Pamela. Bilang nakakatanda sa pamamahay na ito ay hangad ko ang kaligtasan ninyo ni Emir. At ako na rin ang humihingi ng dispensa sa ginawa niya sa ’yo, hija.” “Wala iyon, Manang. Hindi ko alam na nakikinig pala siya sa pinag-uusapan natin kanina. At saka, naguguluhan lang rin ako dahil ganoon na lang ang galit niya sa ’kin. May mga sinsabi siya na hindi ko labis maunawaan.” aniya at sandaling nag-isip ng malalim bago nagpatuloy. “Pero batid niyo ba kung ano ang dahilan ni Emir kung bakit ganoon niya ako itrato kanina?” naguguluhang baling niya sa matanda . Biglang naging subconscious at umiwas ng tingin ang mayordoma sa kanya. “Tungkol sa marami mong katanungan, hija. Huwag mo na muna iyon isipin. Mas makabubuti kung makapagpahinga ka ng walang alalahanin o’ iniisip pa. Ngunit sa totoo lang ay hindi nagsasabi sa akin iyang alaga ko, lalo na sa nararamdaman niya. Bagaman naniniwala ako kay Emir na wala siyang nabubunggo o inaapakang tao. Hindi ganoon ang pagpapalaki ko sa kanya.” sagot nito na sa tingin ni Pamela ay sumagot lamang ito ng angkop, at kung ano’ng klaseng pagkakakilala nito sa lalaki. Datapwat, nanatiling hindi maialis sa damdamin ang maging kampante sa lalaking si Emir. Tila anumang oras ay hindi siya nito sasantuhin sa lahat ng aspeto. She nodded understandingly. “Pero may isa pa ho sana akong katanungan Manang Tasing kung hindi niyo ho masasamain.” “Ano iyon, hija?” tanong nito, pero batid niyang napilitan lang itong paluguran siya. Nagdadalawang isip man ay nilakasan niya ang loob. Nais niya lang pakalmahin ang damdamin. Mula sa malambot na kama ay sumulong siya ng kaunti tungo sa mayordoma at bumulong sa tenga nito. “Talaga po bang pumapatay ng tao si Emir?” Sa tanong niyang iyon ay nabigla ang mayordoma. “Susmaryosep santisima! Bakit mo naman naitanong at saan mo nakalap iyan, Pamela?” She shyly caressed her nape. “Eh kasi, Manang. Ganoon na lang niya kadaling sabihin na papatayin niya ako. Kaya naisip ko na baka . . . baka lang na may . . .” napapangiwing dinala ni Pamela ang kamay sa leeg at iminuwestra ang kunway pagkitil ng buhay na kaagad naintindihan ng matanda. “Hay, kung ganoon ay pinaniniwalaan mo ba siya sa kanyang mga sinabi?” seryoso ng tanong nito. Mabilis ang ginawang pag-iling ni Pamela. “Ah, hindi naman ho, naitanong ko lang. Sa totoo lang ay hindi ako masiyadong palagay sa kanya.” pagtatapat niya. Napabuntonghininga ang matanda. Gapping her hand over her stomach. “Naiintindihan ko, Pamela. Nasa ibang lugar ka kaya normal lang ang manibago at mag-alala sa kapakanan ng sarili natin. Pero wala kang kailangan ipag-alala, dahil hindi ko na hahayaang maulit ulit ang nangyari kanina. At sa tingin ko nama’y hindi na mangyayari iyon.” “Paano kayo nakasisigurado riyan, Manang? Halimaw kung magalit iyong lalaking iyon.” “Magtiwala ka, hija. Sapagkat hindi lang tsinelas ang ihahampas ko sa mokong iyon kapag naisipan ka ulit niyang takutin o pagbantaan, Abay uragon ine!” matapang na wika nito sa huling pangungusap. Natawa siya. Kahit papaano ay nabigyan ng lubag ang nararamdaman niya. Tumayo si Tasing sa kama. “O’ siya, maiwan na muna kita rito. Huwag kang mag-alala, wala si Emir dahil inaayos niya ang generator sa bodega. Wala kasi si Berting na mag-aayos niyon. At sanay bago magdilim ay naisaayos na. Ngayon, ang mas magandang gawin mo’y magpahinga ka muna rito sa kanyang silid.” Naagaw ang atensiyon ni Pamela sa huling sinabi ng matanda. Bahagyang naiangat ang ulo sa headboard. “S-silid niya?” namamaos niyang tanong sa pagkabigla. “Oo, kagabi ay sa kabilang kuwarto siya natulog, dahil nga sa gamit mo ngayon ang kanyang silid. Pero, huwag kang mag-alala. Hindi ka niya ngangahasin dito. Ipinatag mo sana ang damdamin mo. At kung sakaling may kailangan ka ay magsabi ka lang. Handa ka namin pagsilbihan rito, hija.” mabait na wika nito at tuluyan nang umalis ng silid. When she heard the door close, Pamela caught her forehead. She sighed. Hindi napansin ang hinihigaan niya simula pa kagabi ay kama ng lalaking halos bumaliw sa kanya sa takot. Ang asungot na iyon! Ilang sandali siyang nakaramdam ng inis bago bumalik sa ayos. Titiyakin niyang matapos lang ang nangyaring bagyo sa lugar na iyon ay agad siyang magdedesisyong ipagpatuloy ang pagbiyahe tungo sa santa parxedes. Batid niyang hindi na siya mahihirapan sa pagbiyahe patungo roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD