Chapter Five

783 Words
“SINO siya hijo?” Mula sa bukas na pinto ng library ay nilingon ni Emir ang nagsalita. Si Manang Tasing—ang malapit at matagal ng katiwala sa pamamahay na iyon. Ang dala na kape ay inilapag nito sa ibabaw ng lamesita na gawa sa mahogany wood. “Isa na naman ba siya sa mga babaeng . . .” sadyang ibinitin ang sasabihin. Mula sa pagkakaupo sa sofa, bahagyang tumaas ang gilid ng labi ni Emir habang kumikislap ang kanyang mga mata sa malamlam na liwanag mula sa pugon. Iyon ang nagsisilbing ilaw sa silid, hindi inabalang buksan ang ilaw. “Nagkakamali ho kayo Manang. I just saw her in the middle of the road, crying helplessly. Kung hindi ako bumaba ng sasakyan, hindi ko malalaman na humihingi pala siya ng tulong.” Then he stared at the floor solemnly, “. . .at para malinaw ho sa inyo, I don't know her at mas lalong walang namamagitan sa ‘ming dalawa.” linaw niya. Gamit ang tuwalya, tahimik na pinunas niya ito sa basang buhok. “Pero sa loob ng mahigit tatlong dekada ko sa paninilbihan sa pamilya niyo, ngayon lamang kita nakitang nagdala rito ng babaeng hindi mo labis na kakilala. Ang nakapagdagdag pa sa isipin ko ay ang babaeng iyon ay kasal at may asawa na. Hindi ako nagkakamali dahil nakita ko kanina sa daliri niya ang isang wedding ring nang bihisan ko siya. Hindi kaya hanapin siya at mag-alala ang asawa maging ang pamilya sa kalagayan niya ngayon, hijo?” Tumiim ang mukha ni Emir. He hadn’t noticed the ring in the woman’s hand. Despite the fact that he didn't have time to find out if she was already married or not? Not until, guilt washed over him for desiring after her body habang wala itong malay. Napamura siya sa isipan. Pagkatapos ay binaling ang atensiyon sa matanda. “‘Di bale ho, Manang. Pag okay na ang lagay ng panahon at may signal na, pahihiramin ko siya ng telepono o smartphone para tumawag sa asawa niya, o kung sino man ang sadya niya dito.” Nakakaunawang tumango ang matanda. “Magandang ideya. Pero ano nga ba ang nangyari sa kanya, hijo? Namumutla na siya ng dalhin mo rito.” tukoy pa rin ng matanda sa babaeng si Pamela. Tiim na tumitig si Emir sa pugon. Ilang sandali ay ikinuwento na nito ang nangyari sa kanila ng babae. Mula sa trahedyang pagtatagpo hanggang sa nawalan ito ng kamalayan sa paligid. At habang bumabalik iyon ang ala-alang iyon at nakita ang takot sa mga mata ng babae, sa pag-aakalang isa siyang masamang tao ay napamura siya sa kaisipang iyon. “Hesus maryusep! Muntik mo na siyang mapatay kung gayon,” sindak na wika ni Manang Tasing sa mga nalaman. Pinagdikit ni Emir ang malalapad niyang palad at sinabing, “Wala ho kayong dapat ikatakot. Nawalan lang siya ng malay. She’ll wake up eventually. Let her rest for now.” bigay lubag niya sa narramdaman ng matanda. Nakahinga ito ng maluwag. “Mabuti naman kung ganoon. Mataas ang lagnat niya. Mabuti na lang rin at nasalubong mo siya sa daan. Aba, hindi biro iyong bagyong tumama sa lugar natin.” Dinala ng lalaki sa bibig ang tasa ng kape, humigop roon. Naibsan niyon ang nadaramang lamig ng sikmura. Inisip niya ang babae. The angelic face that lingered in his memory, seemingly etched in his mind. Ngunit ang malaman na may asawa na ito ay may kung anong panghihinayang ang naramdaman niya sa dibdib. “She’s lucky, Manang,” mayamayang saad niya. “Lucky that I found her and not some bad person who could take advantage of her vulnerability.” Sigurado siya na kung hindi lumabas ng sasakyan ang babae, malaki ang tiyansa na mapapahamak ito sa gitna ng madilim na daan. Delikado ang manatili sa loob ng sasakyan para sa tulad nitong dayo sa kanilang lugar. Lalo na't maraming masamang tao ang nagkakalat kapag gabi. Idagdag pa riyon ang sama ng panahon. The woman knew nothing. And Emir felt a sense of responsibility for her well-being. Kung hindi sa nangyaring trahedya sa pagitan nila nito ay marahil na mananatili ito doon ng magdamag. Emir caressed his nape. Sumandig sa sofa at mariing naipikit ang mata sa naramdamang ngalay ng leeg. “Mukhang kailangan mo rin magpahinga hijo. Mahaba ang biniyahe mo. Hindi naman namin alam na ngayon ang uwi mo.” “. . .just wanna surprise my family, Manang.” “Naku mahilig ka talaga sa surpresa. Kung gayon ay ipagtitimpla kita ng hot bath nang ma-relax ka.” Emir nodded, offering a restrained smile. Siguro nga’y kailangan niya iyon upang mabawas-bawasan ang nararamdamang pagod sa katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD