Chapter 3

1448 Words
Tagiktik ng pawis ang noo ni Carter habang prenteng nakaupo sa kaniyang trono sa loob ng kaniyang banyo. Halos hindi na rin niya alam kung saan ikakapit ang kamay dahil sa pamimilipit ng kaniyang tiyan simula pa kaninang madaling araw. It was his fifth time inside the bathroom already since he had stomachache. Pesteng-peste siya dahil bigla na lamang siya nitong ginising ng alas tres ng madaling araw. At simula noon ay hindi na siya natulog pa dahil sa panaka-nakang pagkulo ng kaniyang tiyan. Pilit niyang inaalala ang kinain kagabi ngunit ang inihain lamang ni Zaria ang naisip niya. Hinala niya ay may inilagay ito sa pagkain niya kaya nagkakaganito ang tiyan niya. Ilang malulutong na mura na ang kaniyang sinambit every time na hihilab ang kaniyang tiyan. He was even cursing Zaria because of what she did to her. Ipinangako niya sa sariling hindi niya palalampasin ang ginawa nito sa kaniya. He also cancelled his appointment dahil hindi talaga niya maiwan ang banyo. Nag-aalala siya na kapag lumabas siya ay baka madisgrasya pa siya dahil sa iniindang pananakit ng tiyan. Matapos ang ilang sandaling pamamalagi roon ay nagtungo siya sa medicine cabinet upang muling lumaklak ng gamot upang maibsan ito kahit kaunti lamang. Mataas na ang araw nang kumalma ang kaniyang sarili at doon na niya hinanap ang salarin. He headed towards the kitchen but he couldn't find her there. Hindi rin niya ito nadaan sa sala kaya naman ay lumabas siya upang magtungo sa likod bahay ngunit nalibot na niya lahat ng sulok ng kaniyang bahay ngunit ni anino nito ay hindi niya nakita. So he headed towards her room- the maid's quarter- and found her there lying on her bed. Tinawag niya ang pangalan nito ngunit ni hindi man lamang gumalaw which was unusual. Kaya naman ay lumapit siya rito at doon niya nakitang balot na balot ng kumot ang buo nitong katawan. He pulled the sheet and found her curled on the bed. "Zaria?" tawag niya rito ngunit ungol lamang anh isinagot nito sa kaniya. "Zaria?" muli niyang tawag dito at bahagyang niyugyog ang balikat nito. "Go away!" sagot nito sa kaniya. May pamamalat pa ang boses nito. "You're not feeling well?" Nanghihinang humarap sa kaniya ang dalaga at bahagyang naupo at sumandig sa kama. She looked lifeless at bahagya rin itong namumutla. "Hindi ba obvious na masama ang pakiramdam ko?" sagot nito sa kaniya na namamaos pa ang boses. Napahinto siya at napaisip. Mukhang hindi lamang siya ang nadali sa delubyong naranasan niya kanina. Maging ito ay ganoon din ang naranasan base na rin sa itsura nito. Mukhang mas ito pa nga ang mapuruhan dahil sa itsura nito ngayon na animo'y lantang gulay. With that, he decided to leave her in peace. Tatawagan na rin niya ang kasambahay niyang pinag-leave with pay niya na pumasok dahil sa sitwasyon ng dalaga. "Stay here. I'll fetch you food to eat," turan niya bago ito iniwan. Zaria snuggled in bed when he glanced at her before closing the door. On the other hand, Zaria gave out a triumphant smile when Carter closed the door. Umayos siya nang pagkakahiga sa kaniyang kama at masayang kinalikot ang kaniyang cellphone and texted her friends like she used to do. Ngayon kasi ay libre siya buong araw dahil may sakit siya, masama ang pakiramdam. She chuckled with that thought. Seeing how Carter looked a while ago, effective talaga ang gamot na ibinigay sa kaniya ng kaniyang kaibigan. Very effective to be exact. She was busy texting her friends when she heard knocks on the door. Itinago niya ang kaniyang cellphone at nagkunwaring natutulog hanggang sa marinig niya ang pagbukas nito at pagpasok ng kung sinuman kasama ang ilang kaluskos sa loob hanggang sa muling bumukas-sara ng pinto at ang muling pagtahimik ng kwarto. Hindi muna siya gumalaw dahil baka may natitira pang tao sa loob ng kwarto at mahirap nang mahuli. When she was sure that there wasn't anyone inside the room at umayos siya nang upo at nakita ang pagkaing nakahain sa side table. She stood up and checked it at bigla siyang ginutom kaya ay inumpisahan na niya ito. Matapos ay muli siyang bumalik sa higaan and continued chatting with her friends at maghapon iyon. "Hindi ka ba lalabas?" tanong sa kaniya ni Anette, isa sa mga kaibigan niya, nang tawagan siya nito. "Susunduin niyo ba ako?" "Girl, kung magpapasundo ka ay sabihin mo lalo na at bantay-sarado ka," sagot naman nito sa kaniya. "Anong oras ba?" "Same time. Ano?" "Sige. Meet me two blocks from here." Sinimulan na niya ang pag-aayos ng sarili at ang pag-aayos ng kaniyang plano upang makalabas mamayang gabi. Hindi siya papayag na pati night life niya ay maapektuhan dahil sa ginagawa ng babysitter niya at ng daddy niya. Meanwhile, Carter was still not in the mood because of this damn stupid stomachache he was suffering. Akala pa naman niya ay okay na siya ngunit hindi dahil halos maghapon na naman siyang naglagi sa banyo. Hindi rin siya makatrabaho nang maayos. "Manang, kumusta na po ang pasyente niyo?" tanong niya sa kasambahay niya. "Naku, Sir Carter! Nandoon pa rin po at nakahiga. Masama pa rin po ang pakiramdam nang hatiran ko ng pagkain," sagot nito sa kaniya. "Hindi pa rin lumalabas?" "Hindi pa rin po. Huwag daw po istorbuhin," wika pa nito sa kaniya bago siya nito iniwan. Napabuntong-hininga siya at nagpasyang kumain na ng hapunan. Pagkatapos niyon ay nagtungo siya sa study upang tingnan ang ilang bagay na dapat niyang inaasikaso. Tinawagan na rin niya ang mga magulang upang mangamusta maging ang kapatid, Dravin, kung ano na ang pinagkakaabalahan nito. As what he heard, he was chasing a woman now and it was giving him headaches. Bago pumasok sa kwarto ay nagpasya siyang silipin ang dalaga. He reached the doorknob but it was locked and he wondered why. Kinatok niya ito ngunit walang sumasagot. Was she asleep? O baka may nangyari ng masama rito. With that thought ay kinuha niya ang spare key ng kwartong iyon and found her on the bed covered with blanket. He was having second thought of kung lalapitan ba niya ito o hindi ngunit nanaig pa rin ang pag-aalala niya rito. "Zaria?" tawag niya ilang pulgada ang layo rito. "Zaria?" He reached for her shoulder and that made his blood boiled finding Zaria not on the bed but only pillows and blankets shaped into human form. He glanced at his wristwatch and it was past ten in the evening already. He was worried for nothing. Akala pa naman niya ay may sakit ito. Mayroon naman, sakit sa pag-iisip. Ngayon ay napagtanto na rin niya na kung tumakas ito ay malamang hindi totoong masama ang pakiramdam nito. Mabilis niyang tinungo ang kwarto upang tingnan ang cellphone. Her phone's GPS was connected to his phone kaya naman malalaman niya kung nasaan ito. And there he found out her whereabouts, sa isang bar na labis niyang ikinainis. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan patungo roon and found her with her friends at lasing na. "It's time to go, Zaria," he said when he appeared infront of them. Walang nababakas na takot sa magandang mukha ng dalaga nang makita siya. She was even grinning from ear to ear when she saw him. "Ladies, I want you meet my handsome babysitter," wika nito sa mga kaibigan nitong nakangiti sa kaniya. "Let's go!" wika niya rito. "Nah! I'm still having fun! Maaga pa para uwian. Right, girls?" "Don't make me angry, Zaria o kakaladkarin kita rito!" banta niya na ikinatawa lang nito. "Fine!" sagot nito sa kaniya. Tumayo na ito at nagpaalam sa mga kaibigan nito and she even held his hand as they walked away from the bar. Ngunit pagkalabas na pagkalabas nila sa bar ay bigla na lamang siyang nagulat nang malakas itong napahiyaw at napaupo sa semento. Agaw-pansin ang sigaw nito kaya naman ay nakakuha sila ng atensiyon mula sa mga bouncer na naroroon at ilan pang nakatambay sa labas ng bar. "Go away from me!" Sabay tulak sa kaniya at napahagulhol na ito. Ang ilang nakakuha ng pansin, lalo na ang bouncers ng bar, ay napasugod at inalalayan ang dalaga habang siya naman ay hinawakan ng mga ito ready para gulpihin. May ilang basta na lamang siyang sinapak dahil sa ginawa ng dalaga na labis niyang ipinagtataka. Hindi siya nanlaban ngunit hindi rin niya hinayaan na magulpi siya ng mga ito kaya todo ang iwas niya, salag sa mga suntok na ibinibigay ng mga ito sa kaniya. "What's happening here?" sigaw ng boses na iyon na pagmamay-ari ng owner ng bar na iyon. Si Loui Salvatore at napatakbo ang dalaga sa kinaroroonan nito sabay yakap dito. "Loui, he's harassing me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD