"You what?" mataas ang boses na wika ni Zaria.
Nabingi na ba siya o talagang mali lamang ang pagkakarinig niya sa sinabi ng lalaking nasa harapan niya. She was in dreamland, you know, yet this man dared to interrupt her moments. Napakaganda pa naman niyon at basta na lamang naputol dahil sa paggising nito sa kaniya.
Hindi paggising. Pagbulabog ang tawag doon dahil basta na lamang siya nitong winisikan ng malamig na tubig sa mukha. Sa sobrang lamig niyon ay bigla siyang napadpad sa Iceland. Hindi pa ito nakuntento ay hinila pa nito ang paa niya dahilan para mabitin ang kalahati ng katawan niya sa kama. At nang magising siya, sa malamig na semento ang bagsak niya. At ni hindi man lang siya nito tinulungang bumangon kaya heto at nakasalampak pa rin siya sa sahig matapos niyon at matapos nitong sabihin siya ang magiging dakilang katulong nito sa araw na ito.
"You heard me the first time," balewalang eika nito sa kaniya sabay talikod.
"You can't do that to me!" Napatayo na siya ng wala sa oras dahil sa sinabi nito.
"I am already doing it."
"But... but-"
"But you don't know any kind of house chores. This will be your training ground." At iniwan na siya nitong nakatanga lamang sa hangin.
Bigla siyang nakaramdam ng frustration dahil sa sinabi nito at sa gusto nitong mangyari kung kaya't hindi niya mapigilan ang mapahiyaw.
"Arrgghh!" malakas na hiyaw niya habang wala sa sariling ipinadyak ang mga paa sa sahig. Mukha siyang batang-paslit na hindi pinagbigyan sa hiling sa itsura niya ngayon. "May araw ka rin sa akin! May araw ka rin!"
At nang araw ngang iyon ay halos mamatay na siya sa pagod sa mga pinapagawa ni Carter sa kaniya. Muntik-muntikan na rin niyang masunog ang bahay nito dahil nakalimutan niyang may niluluto siya- na bacon lang naman. At kung wala lamang doon si Carter ay malamang abo na ang bahay nito at maging siya siguro. Pero hindi naman niya hahayaan na maging ang sarili ay maging abo, katangahan na iyon kung hinayaan niya.
"Wala ka ba talagang alam gawin?" sikmat sa kaniya ni Carter. Kalmado pa rin naman ang mukha nito ngunit batid niyang nagtitimpi lamang ito sa kaniya.
"Huwag mo akong masigaw-sigawan! In the first place, it was your damn idea to make do things like these so kung nasunog man ang lungga mo, hindi ko na iyon kasalanan!"
Nakita niya ang pagmasahe ni Carter sa sentido nito habang matamang nakatingin sa kaniya. Ganiyan nga! Ganiyan nga ang dapat nitong maramdaman, ang sumakit ang ulo nito sa kaniya, ang ma-stress ito sa kaniya upang sumuko na ito sa pinapagawa ng ama niya at nang makabalik na siya sa bahay nila. Napataas ang sulok ng kaniyang labi dahil sa kaisipang iyon ngunit basta na lamang itong naglaho dahil sa talim ng tingin nito sa kaniya. Oppss! Mukhang nabasa nito ang naiisip niya.
"Don't play. Hindi uubra sa akin 'yan," turan nito sa kaniya. "From now on, you'll clean every bathroom of this house and you'll sleep in the maid's quarter."
"What?!"
"You heard me the first time," sagot nito sa kaniya at kagaya nang nauna nitong ginawa ay muli na naman siya nitong nilayasan nang walang pasabi.
Muli na namang kumulo ang dugo niya rito. Pagod na siya sa pinapagawa nito sa kaniya at dinagdagan pa nito ang stress niya. Pero papatalo ba ang isang Zaria sa lalaking ito? No! It will never happen. Wala sa vocabulary niya ang magpatalo. Lintik lang talaga ang walang ganti!
"Dad, hindi mo pa rin ba ako pauuwiin?" tanong ni Zaria nang tawagan siya ng ama upang kumustahin.
"My decision is final. And Zaria, ano itong nalaman kong muntikan mo nang masunog ang bahay ni Carter? C'mon, don't push it too far and you might regret it."
Napabuntong-hininga siya sa sinabi ng ama. Isn't he suppose to rescue her? She's his only daughter and she needed all the attention, love and care. Zaria, you got that already for almost two decades, kontra ng isip niya. But then hindi niya iyon matanggap. Pinabayaan na siya nito sa kamay ng walanghiyang lalaking iyon at pinapahirapan pa siya at hinahayaan ito ng ama. So a plan came to her. Sisiguraduhin niyang sa kaniya ang huling halakhak.
"You're going out?" tanong ni Zaria sa binatang nakabihis. Pormang-porma ito na animo'y makikipag-date. Kumirot!
Nasa sala siya at nanonood ng mga oras na iyon habang hinihintay itong lumabas para sa kanilang hapunan.
"There's no dinner here so I am getting one," balewalang sagot nito sa kaniya at nilampasan na siya nito.
Bigla siyang napatayo at hinabol ang binata. Hinawakan ito sa manggas ng suot nitong asul na polo.
"I already prepared our dinner."
Biglang napa-about face sa kaniya ang binata na may pangungunot ng noo habang nakatingin sa kaniya. It was all written on his face that he wasn't believing what just came out of her lips. Hindi naman talaga kapani-paniwala dahil kamuntik-muntikan nga niyang masunog ang kusina nito so hindi talaga ito maniniwala sa kaniya.
"You what?" hindi makapaniwalang wika nito sa kaniya. "You didn't burn my kitchen right?"
Gusto niyang matawa sa itsura nito nang sabihin nito ang huling pangungusap. It was as he was worried, really worried if she did burn his kitchen or not. Well, sa itsura naman kasi ng kusina nito ay halatang pinagkagastusan nga naman.
"Of course I didn't," nakangiting wika niya. Ngiting alanganin nitong tinanggap. "Come." At hinila na niya ito sa kusina.
Pero hindi na niya kailangang gawin iyon dahil nagpatiuna na itong nagtungo roon sa pag-aalala sa itsura ng kusina. And relief was written on his face when he saw nothing happened.
"Take your seat. I'll just prepare the table." At sinimulan na niyang ihanda ang hapunan nito.
Carter's face was really unsure if he'll eat the food or not. Nakahawak na ito ng tinidor na pinantutusok nito sa vegetables na nasa plato nito.
"Don't worry, nakakain 'yan. I ordered the food from my fave resto."
Napatingin sa kaniya ang binata. And as usual may pagtataka sa mga tingin nito.
"And where did you get the money to pay for it?" kaswal na tanong nito sa kaniya.
Ouch! Ganoon na ba wiya ka-poor sa paningin nito? Nakakasakit ng damdamin pero babalewalain niya iyon. For now!
"Ano namang akala mo sa akin walang pera?"
"Wala naman talaga." Ouch! Masakit ulit!
Napasimangot siya sa sinabi nito. "May allowance pa akong natitira kaya relax ka lang."
"At paano kung maubos na ang ipinagmamalaki mong allowance? Saan ka kukuha nang pang-take-out mo?" kaswal na tanong pa rin nito sa kaniya.
"Sa iyo," kaswal ring sagot niya sabay subo sa carrots na nasa tinidor niya. "My dad entrusted you to take good care of me. For sure malaki ang ibinayad sa iyo ni Daddy. Kung hindi pa man ay malaki ang ibabayad niya sa iyo."
Carter put down the fork he was holding because of her words. Mataman din siya nitong tinitigan at halata na hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Totoo naman iyon. Kapag wala na siyang pambayad sa mga kinakain niya, dahil nga hindi siya marunong magluto at wala rin silang katulong, ay ito ang sasalo sa kaniya.
"Don't get me wrong, Carter. Sanay na ako sa ganitong gawain ni Daddy. You know, hiring a babysitter for me pero iyon nga lang, sa iyo lang ako napadpad talaga." Hindi pa rin kumibo ang bianta sa sinabi niya. "C'mon, let's eat." At ipinagpatuloy niya ang pagkain.
Napabuntong-hininga na lamang ito at muling ipinagpatuloy ang paghahapunan hanggang sa maubos na nito iyon at nagpaalam na.
While looking at Carter's back who was now leaving the kitchen, her lips twisted. Sabi nga niya, lintik lang ang walang ganti. And her revenge just started. Poor, Carter!