Chapter 4

1246 Words
"Loui, he's harrassing me." Iyon mismo ang lumabas sa bibig ng dalaga habang nakayakap sa katawan ni Loui. At ang ikinainis niya at ikinakunot ng noo ay ang pagyakap din ng lalaki rito as if protecting her from him. "This guy was harrassing you?" malambing na tanong nito sa dalaga na ikinatango naman ng huli. "I should call the cops then." "Yes, you should. Kailangang ikulong iyan ng s****l harrassment," wika ng dalaga. At sa labis na pagtataka nito ay napatawa si Loui. "What's funny?" Kumalas na ito sa pagkakayakap sa binata at nameywang na rin ito habang nakaharap dito, sa kanilang dalawa. Loui motioned his staffs to leave them alone and they did before facing the now angry Zaria. "Honey, if this guy was harrassing you then you are a lucky one," wika nito sa dalaga. At dahil sa narinig ay nagpapadyak ito samantalang malakas naman siyang napatawa. "Do you think it's funny?" Namumula na ang mukha nito dahil sa galit at dahil na rin sa alak sa sistema nito. "Is she your job?" tanong ni Loui sa kaniya na ikinatango niya. "Unfortunately," sagot niya. "Magkakilala kayo?" Singit ng dalaga sa kanilang dalawa. "My goodness!" "Yes, magkakilala kami so stop the act. Ipinapahiya mo lang iyang sarili," sagot niya sa tanong nito. "Damn!" sambit ng dalaga. "How come you two knew each other?" "Oh that's a secret." "Ang mabuti pa sumama ka na lang sa kaniya, Zaria. It's for your own good. Hindi mo gugustuhing galitin ang isang ito. But then if you wanna visit here again, give me call so I can back you out." Napabuntong-hininga ang dalaga sa sinabi ni Loui ngunit hindi pa rin nawawala ang inis sa magandang mukha nito. "Then can I stay longer tonight?" wika nito kay Loui. May pa-puppy eyes pa ito habang nakatingin sa binata at hinawakan din nito ang braso nito. "Well, you can but it's up to him," sagot nito at itinuro siya nito. "Let's head home," turan niya. Mas kumapit pa ang dalaga kay Loui dahil sa naging sagot niya at hindi niya iyon nagustuhan. "No!" "Don't piss me off, Zaria. May atraso ka pa sa akin at hindi mo gugustuhing dagdagan pa iyon. You won't like the consequences," banta niya rito. Hinarap ni Loui ang dalaga at hinawakan ito sa magkabilang balikat. "You go. I promise to vouch for your stay next time. May lakad kami ni Rose kaya hindi kita masasamahan." Napalabi si Zaria sa sinabi ni Loui sa kaniya lalo na at kasama nito ang nobya nito na kinaiinggitan niya. She has a huge crush on Loui at pinapangarap niyang maging kasintahan ito kaya naman halos araw-araw siyang nasa bar nito o kaya sa resto nito ngunit ganoon na lamang ang pagbagsak ng mundo niya nang sabihin nito sa kaniyang may nagmamay-ari na ng puso nito at matagal na. Hindi naman siya pinaasa nito dahil nang sabihin niyang may gusto siya sa binata ay agad itong humindi sa kaniya. Nabasted agad siya. Nakakasagasa ng ego ngunit hindi naman niya ugaling mamilit ng taong may ayaw sa kaniya. Iyon nga lang hindi niya maiwasang sumawsaw pa sa buhay nito dahil close na nga sila at umaasa pa ring magiging sila dahil hindi pa naman ito kasal sa nobya. Hindi naman sa gusto niyang agawin si Loui sa nobya nito. Hindi naman niya ugaling mang-agaw dahil alam niya sa sarili niyang maganda siya, ubod ng ganda to be exact. Actually, kaibigan na rin niya ang nobya nito at sinabi na rin niyang may gusto siya kay Loui but she didn't do anything to ruin their relationship. She was just contented with being with Loui if he wasn't with his girl just like now but Carter was ruining it. "How about tomorrow night?" hirit pa niya na nakakuha ng protesta kay Carter. "Let's go, Zaria!" untag ni Carter sa kaniya. "I am not talking to you!" sikmat niya rito. Biglang napaseryoso ang mukha ni Carter habang nakatingin sa kaniya. Bigla tuloy siyang kinabahan sa klase ng aura na meron ito ngayon kaya naman mas humigpit ang kapit niya kay Loui na ngayon ay nakakaloko na ang ngiti. "You go now. A promise is a promise so you don't have to worry. Mas mag-alala ka sa kaniya ngayon," wika nito sa kaniya. "C'mon, ihahatid na kita sa kotse mo." "I don't have one," sagot niya rito. Sinundo nga naman siya kaya wala siyang dalang kotse. Isa pa ay kinuha ng kaniyang daddy ang sasakyan niya. "Then go with Carter," sagot nito sa kaniya. "Ayoko! Ihatid mo na lang ako," igit niya kay Loui ngunit napatingin lamang ito sa lalaking kinaiinisan niya. "Let's go, Zaria. Nakakaabala ka na kay Loui kaya sumama ka na lang nang maayos." Muli niyang tinapunan ng masamang tingin ito ngunit hindi naman nagbago ang itsura nitong napakaseryoso pa rin. Sasagot pa sana siya nang bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Loui and it was his girl. "I gotta go. Rose is waiting for me," paalam sa kaniya ni Loui. Niyakap siya nito at hinalikan sa ulo. "Behave with him, Zar. You won't like pissing him off." At iniwan na siya nito sa kaniyang baby sitter na bagot nang naghihintay sa kaniya. Lumapit sa kaniya si Carter at bahagya siyang umatras. Alam niyang delikado ang lagay niya ngayon. Pero hindi naman niya hahayaang maagrabyado siya. "Fine! I'll go with you!" Napahinto si Carter sa paglapit sa kaniya at napabuntong-hininga bago ito tumalikod. Gusto niya itong takbuhan ngunit alam niyang hindi magiging maganda ang kalalabasan noon. Kaya naman ay sinundan na niya ito. Alam din niyang pinapakiramdaman siya ng binata kahit na nauna na itong naglalakad. At para masigurong hindi siya nito tatakasan ay ipinagbukas pa siya nito ng sasakyan at hinintay na makapasok doon. Driving into his house, wala silang imikang dalawa. Ayaw rin naman niya itong kausapin dahil naputol ang kaniyang saglit na kaligayahan dahil sa pagdating nito. Kung bakit ba naman kasi nasundan pa siya nito na kaniyang ipinagtataka. Nang makarating sila sa bahay nito ay agad siyang nagtungo sa kaniyang kwarto, ang maid quarter. Nang ilalapat na niya ang pinto ay biglang iniharang ni Carter ang katawan nito at tuloy-tuloy na pumasok sa loob. "What did you do?" seryosong tanong nito sa kaniya. Ikinunot niya ang noo sa pagtataka sa kung ano ang sinasabi nito. Of course palabas lamang niya iyon. Alangan naman kasing aminin niya ang ginawa. "What do you mean?" tanong niya rito. "What did you put on the food?" "Food?" pag-uulit niya rito. "Oh my gosh! You thought I put something on our meal last night? I can't believe it." Bahagya siyang natawa. "You planned this, right?" "Of course not! Sa tingin mo talaga ginawa ko iyon? Hello, Mr. De Mevius! I was also sick last night! Ni hindi nga ako nakatulog nang maayos dahil sa pabalik-balik ko sa banyo. Look how haggard my face is tapos aakusahan mo akong may inilagay roon just because tumakas ako? Wow!" Pailing-iling pa siya habang sinasabi iyon. At ginalingan pa niya ang acting. Hindi siya papahuli rito. "I know your tricks, Zaria. Siguraduhin mo lang na hindi kita mahuhuli. And you are grounded. You will do all the house chores except cooking," mariing wika nito sa kaniya. Tinungo na nito ang pinto at akmang lalabas nang muli itong humarap sa kaniya. "And I'll make sure na hindi ka makakatakas this time and no one can bail you out, not even Salvatore!" And she was left there feeling hopeless.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD