Halos isumpa ni Zaria si Carter dahil sa pinapagawa nito sa kaniya. Halos kalahating araw na siyang walang pahinga dahil sa pinalinis- no, pinakuskos nito sa kaniya ang lahat ng banyo ng tahanan nito at nakakadalawa pa lamang siya out of five bathrooms in the house. Hindi naman marumi ang mga iyon ngunit ilang ulit nitong pinaulit-ulit iyon sa kaniya na mas lalong ikinabwibwisit niya. At nang matapos niya ang mga iyon ay ibang trabaho naman ang trip nitong ipagawa sa kaniya.
"Linisan mo pa rito," wika ni Carter sa kaniya at itinuro ang garden kung saan mas nakakaupos ng enerhiya at nakakakulo ng dugo.
Katatapos lamang niyang linisan ang lahat ng palikuran ng bahay nito at wala pang bente minutos iyon. Mabuti na nga lang at nakakain pa siya ng meryenda dahil kung hindi ay baka hindi na niya makayanan pangtumayo dahil sa pagod.
"Wala ka bang gardener to fix this one?" nayayamot na wika niya rito.
"If I have one then I wouldn't ask you to do this," wika nito sa kaniya at inilapag sa harapan niya ang mga tool na gagamiting panlinis ng malagubat na nitong garden. "I'll check on you later. Huwag kang tumunganga riyan para marami kang matapos and don't expect any help because you won't get one."
Tumalikod na ito sa kaniya at dahil sa inis at pagod na nararamdaman ay wala sa sariling inabot niya ang pinakamalapit na garden tool, a garden shovel, sa tabi niya at basta na lamang itong ibinato sa lalaking papalayo pa lamang. Malakas na napasigaw si Carter nang tumama ang bagay na iyon sa likod nito. Aba! Masakit iyon alam niya ngunit wala siyang pakialam. Sumosobra na kasi ito sa kakamaltrato sa kaniya. Isang linggo pa lamang yata siya rito sa poder nito ngunit pakiramdam niya ay taon na ang lumipas.
"What the f**k?!" sigaw nito sa kaniya nang makita ang bagay na ibinato niya rito.
Lumipad din ang matalim na tingin nito sa kaniya ngunit tinaasan lamang niya ito ng kilay. Nakipaghamunan sa titig nito sa kaniya. Isang banat pa nito sa kaniya at hindi siya mangingiming abutin ang nasa harapan niya at muling ibato rito.
"You. Are. So. Grounded!" puno ng diing wika nito sa kaniya bago siya nito tuluyang nilayasan.
"You can't do this to me! Wala kang karapatan para gawin sa akin ito!" malakas na sigaw niya rito.
Muling pumihit si Carter pabalik sa kaniya at huminto sa mismong harapan niya. Walang nababakas na anumang emosyon sa mukha nito habang nakatingin sa kaniya.
"I have all the right to do this and this to you so don't bother complaining and stop those stupid tricks inside your brain. Wala kang magagawa and your father can't do anything about it because he gave all the right to me. Kahit ibartolina kita, isilid sa drum at itapon sa dagat ay hinding-hindi magrereklamo ang tatay mo. Get that inside your brainless brain!"
"f**k you!" malutong na mura niya rito na ikinataas lamang ng sulok ng labi nito. Aba! At natuwa pa yata ito sa sinabi niya.
Carter leaned forward towards her hanggang sa umabot ito sa kaniyang tainga at bumulong.
"Women love how I f**k them! Wanna try?" bulong nito sa kaniya sabay kagat nang pino sa tainga niya.
"Bastos!" sigaw niya sabay tulak rito. Hindi rin niya maiwasan ang pamulahan ng mukha dahil sa sinabi nito, sa epekto ng sinabi nito sa kaniya. Alam niyang nagbibiro lamang ito sa kaniya ngunit iba ang dating nito sa kaniya lalo at dinagdagan pa nang pakagat nito sa tainga niya. Peste! Nawindang bigla ang mundo niya.
At talagang nananadya pa ito dahil basta na lamang nito itinaas ang damit pang-itaas nito at tuluyan na nga nitong tinanggal sa katawan nito. Biglang napakagat-labi siya sa tanawing nakikita. Yummy! Ilang pandesal din ang nakikita niya na kay sarap haplu-haplusin. Idagdag pa rito ang ilang butil ng pawis sa katawan nito, na hindi niya alam kung saan nagmula, at unti-unting dumadaloy pababa mula sa leeg nito hanggang sa dibdib patungo sa ehem! OMG talaga!
"Eye rapping me already?" putol nito sa pagpapantasya niya. Nakangisi na rin ito habang nakatingin sa kaniya.
"Assuming ka naman yata masyado!" Pagtatakip niya sa sarili at binawi rin ang tingin sa katawan nito. "I just wonder, hindi ba nauumay ang mga babae sa katawan mo?"
"Baka gusto mong subukan at nang masagot mo ang tanong mo?" Nakangisi pa rin ito sa kaniya.
Tinaasan niya ito ng isang kilay at ginantihan ang ngisi nito sa kaniya. Tinapatan nang nakakaloko at nakakainsultong pagngisi. Hindi naman pwedeng hindi siya bumawi sa pagkahiya niya.
"FYI, hindi kita type lalong hindi ko type ang katawan mo. I prefer someone...not like that... not you to be exact. Isa pa mas maganda ang katawan ng mga lalaki ko keysa sa iyo. So stop dreaming and assuming. Wala kang ka-appeal-appeal sa akin."
Mukhang hindi ito natuwa sa sinabi niya dahil bigla na lamang dumilim ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Ilang minuto rin ito sa pagtitig sa kaniya bago nagbawi ng tingin. Padabog din nitong isinuot ang hinubad na t-shirt at basta na lamang siya nilayasan.
Hindi na rin naman niya tinawag o pinansin ang lalaki dahil badtrip na siya. Ngunit kahit wala na ito sa kaniyang paningin, at kahit nag-uumpisa na siyang maglinis at magtanggal ng kung anumang basura sa garden nito, ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang imahe ng nakakatakam na katawan nito. Paulit-ulit itong nanunumbalik sa kaniyang isipan na nakakapeste at nakaka-distract na. At naisip niya, kung hindi lamang sa ganitong paraan sila nagkita at nagkakilala ng binata, ay malamang, sa malamang, inakit na niya ito. Papalicious naman kasi talaga ito pero hindi niya iyon aaminin sa mismong harapan nito dahil paniguradong magba-backfire lamang iyon sa kaniya.
Ipiniksi niya ang kaniyang ulo dahil sa dumi ng tumatakbo sa kaniyang isipan. Erase! Erase! At dahil doon ay itinigil na niya ang ginagawa at prenteng napaupo sa maliking tipak ng bato na nasa gilid lamang. Bahagya rin niyang ibinagsak ang hawak na panlinis sa mga damong naroroon. Pinagmasdan niya ang mga marurungis niyang kamay. Nananakit na iyon dahil nagsisimula na itong magkalapnos-lapnos. Magaspang na rin iyon. Pero ang mas nakakasakit ng loob at nakakangilid ng luha ay ang mga kuko niyang puno ng lupa at ang ilan ay putol-putol na rin. Gusto niyang maiyak ngunit pilit niyang pinipigil dahil paniguradong pagtatawanan lamang siya ng binata. Lintik lang talaga ang walang ganti!
Ilang minuto rin ang ginawa niyang pagtitig sa kaniyang mga kuko at maluha-luha na siya roon. Naputol lamang ang pag-mo-moment niya nang tawagin siya ng kasambahay ng antipatikong lalaking iyon.
"Ma'am Zaria, pumasok na raw ho kayo sa loob at bukas niyo na raw ituloy iyan," magalang na wika nito sa kaniya.
Napabuntong-hininga siya sa sinabi nito. So wala talagang gagawa nito kundi siya. Napatingin siya sa lawak nang lilinisin niya. Nakakasakit ng kalooban. Nakakaiyak at nakakapeste. Napadako ang tingin niya sa kasambahay na nasa harapan pa rin niya na mukhang naaawa na sa kinasasapitan niya.
Wala naman siyang sama ng loob dito dahil sumusunod lamang din ito sa utos ng amo nito. Good thing na rin iyon dahil makakapagpahinga rin naman ito. Ipinanganak man siyang sagana sa lahat at lumaking may mga kasambahay at yaya ngunit hindi siya ang tipo na matapobre o nanghahamak sa mga kagaya nito ang trabaho dahil very grateful siya dahil naririyan ang mga ito para guminhawa ang buhay niya. And she treated them like a family because they really are part of their family. Kudos sa kanila!
"Ma'am, huwag po kayong mag-alala dahil tutulungan ko po kayo bukas kapag pumasok na si Sir Carter sa trabaho," wika nito sa kanila. Bakas sa boses nito ang pagiging sinsero at nakakatuwa iyon. Ngunit hindi niya hahayaan na ito naman ang masermunan sakaling malaman ng huli ang ginawa nito.
"Huwag ho kayong mag-alala sa akin, Manang. At tsaka baka mapagalitan at masesante pa kayo kung tutulong kayo. Basta full of merienda na lang po ako bukas," nakangiting wika niya rito na ginantihan din nito ng ngiti.
Tinatamad na tumayo siya at inayos ang mga ginamit bago pumasok sa loob ng bahay. Pagpasok niya sa loob ay nadaanan niya ang lalaki na nakaupo sa sofa na may hawak na cellphone. Dumako ang tingin nito sa kaniya nang mapadaan siya at sinalubong lamang niya ito ng pagtaas ng kilay. Mataman siya nitong tinitigan bago muling ibinalik ang tingin sa hawak nitong cellphone. Tumayo at lumabas patungo sa garahe. Ilang saglit lamang ay narinig na niya ang ugong ng sasakyan nito.
Binalewala na lamang niya ito at dumiretso sa tinutuluyang kwarto upang makaligo at makapagpahinga. Nang makalabas siya ng banyo at nasa loob ng kwarto ang kasambahay upang ipaalam na nakahanda na ang hapunan. Tinanguan niya ito at ipinagpatuloy ang pagbibihis pagkatapos ay tinungo ang kusina kung saan nakahain ang hapunan niya. Natakam siya dahil puro paborito niya ang mga naroroon kaya naman walang sabi-sabing dumulog agad siya at nilantakan ang mga ito.
"Hindi kayo kakain, Manang?" tanong niya sa kasamabahay na naroron sa kusina.
"Tapos na ako, Ma'am."
Napatango siya sa naging sagot nito at ipinagpatuloy ang pagkain. Matapos makipagchikahan habang naghuhugas ito ng plato ay nagpaalam na siya rito. Pagbukas pa lamang ng pinto ay ang malakas na tunog ng cellphone ang umagaw ng pansin niya. Dali-dali niya itong tinakbo at sinagot.
"Hindi ako pwedeng lumabas," sagot niya sa kaniyang kaibigan.
"Nasa labas kami. Same spot," wika nito sa kaniya.
Hindi naman siguro masamang lumabas siya saglit at isapa ay wala naman ang lalaki. Kaya naman ay lumabas siya ng kwarto at tinungo ang pinto palabas ng gate. Nakita niya ang pamilyar na sasakyan ng kaibigan na nakaparada ilang metro lamang ang layo sa kinaroroonan niya. Nagsimula siyang maglakad patungo roon ngunit hindi pa siya nakakalimang habang nang umalingawngaw ang isang nakakabinging putok kasabay niyon ang pagdaloy ng kirot sa kaniyang tagiliran. Kinapa niya ang bahaging iyon at naramdaman ang mainit na likido. Itinaas niya ang kamay na nagmula roon at nakita ang pulang likido. Natulos siya sa kinatatayuan at ilang saglit lang ay ang unti-unting panghihina ng kaniyang katawan. The last thing she saw ay ang papatakbong mga kaibigan sa kaniyang kinaroroonan.