Chapter 1

1181 Words
Masama ang loob ni Zaria habang nakaupo sa malambot na sofa sa sala sa mismong bahay ni Carter, ang kaniyang bagong yaya s***h bodyguard s***h laruan s***h mortal enemy. Yes, marami siyang description sa buwisit na lalaking iyon na ngayon ay komportableng nakaupo sa sofa katapat ng kaniyang kinauupuan. Her father, na hindi niya alam kung ano ang pumasok sa utak ay itinakwil na siya ngayon. Itinakwil. Hindi naman siya nito itinakwil in the real sense pero iyon ang tawag niya sa pagpapadala nito sa kaniya sa poder ni Carter Anthony De Mevius. Nagulat na lamang siya kaninang umaga, pagdating niya ng bahay galing sa paglalakwatsa, nang makita ang dalawang maleta sa harapan ng bahay nila. Hindi man lang siya nakapasok ni isang hakbang sa loob ng pamamahay ng ama dahil pinagbawalan siya ng mga kasambahay nilang pumasok. Nagwala na siya at lahat-lahat ngunit matigas ang mga ito kaya wala siyang nagawa lalo na nang pinagtulungan siyang ipasok sa loob ng sasakyan ni Carter nang makarating ito. So now, here she is waiting for her next move, next fate. "Magkano ba ang ibinayad sa iyo ni Daddy para makauto ka niyang i-babysit ako?" inis na wika niya rito. Matatalim ang tinging ipinukol niya rito ngunit wala itong ni anumang reaksiyon. Nagtataka tuloy siya kung tao ba ito o bato. "You can't pay for it," sagot nito sa kaniya. She frowned at matamang pinag-aralan ang kabuoan nito. Gwapo ito, aminado siya roon lalo na at may lahing banyaga ito ayon na rin sa nakalap niyang chismis mula sa mga katulong nila. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan. Tipikal na batak sa trabahong militar dahil sa mga masels nitong nagpuputukan. Paniguradong may mga pandesal din ito sa ilalaim ng t-shirt nito. Nakakaakit at nakakahipnotismo rin ang mga mata nitong kulay abo. Isa lang ang maipipintas dito, ang ugali nitong barbaro. Tila pinagsaklupan ito ng mundo at ni hindi man lang makangiti. Seryosong-seryoso itong nakatingin sa kaniya at kung magkamali siya ay baka tadtarin siya ng bala. Ganoon pa man, hindi siya magpapatalo rito. Siya si Zaria Cortez. She can get what she want by hook or by crook. "C'mon! I'll double the price," wika niya sa lalaki na ikinailing lamang nito. "You're very proud to offer something like that. Ang tanong, may sarili ka bang pera na pambayad sa akin. For what I know, ni wala kang trabaho at puro lakwatsa ang inaatupag mo. Where are you going to get your money? Siyempre sa mga magulang mo," malamig na wika nito sa kaniya. Binigyan niya ng nakakamatay na irap ang lalaki. Kung pwede nga lang itong ibaon sa lupa dahil sa ipinamukha nito ay gagawin niya ngunit hindi iyon magugustuhan ng daddy niya. She will play this game of them pero sisiguraduhin niyang siya ang mananalo. Pagbibigyan muna niya ang kapritsuhan ng gwapong lalaking nasa harapan niya bago niya ito paikotin sa mga palad niya. "Masyado mo naman yata akong minamaliit, Mr. De Mevius. Hindi lahat nang ginagamit ko sa kapritsuhan ko sa buhay ay galing sa mga magulang ko. I have my own money." Tumaas ang sulok ng mga labi ng lalaki na nagpadadagdag sa mysterious effect nito. Mukhang hindi ito naniniwala sa sinabi niya rito. Well, she wasn't born to please everyone. She was born so everyone must please her. "I have your files," sagot nito sa kaniya. "I know everything about you so do not threatened me with your antics. Hindi kita sisingilin sa pa-welcome mo sa akin but bear in mind I won't tolerate you this time." Muling bumalik sa kaniyang isipan ang nangyari nang una siya nitong hinanap. Nalaman niya ang plano ng kaniyang daddy kaya naman nagmadali siya sa paggawa ng plano upang hindi matuloy ang binabalak nito. Her freedom was at stake so she needed to do it fast. Inutusan niya ang isa sa mga kasambahay nila upang kumuha ng timba at garden shovel. Nagtaka man ito kung saan niya gagamitin iyon ngunit hindi na ito umimik pa, sa takot na masermunan niya. She went to the garden. Nagbungkal siya ng lupa roon- iyong basa at may amoy. Dinagdagan din niya ng mga organic na pataba na siyempre mga dumi ng farm animals. Hindi pa siya nakuntento ay nagtungo pa siya sa compose pit ng kanilang bakuran upang mangalap ng sangkap sa niluluto niyang recipe, recipe ng kalokohan. Nang makontento ay muli siyang nagtungo sa kaniyang kwarto ngunit lumabas din agad upang magtungo sa kusina. Naghanap ng panali at kung ano-ano pang kinakailangan niya. Nang makompleto ang mga iyon ay agad na niya itong inayos at habang ginagawa iyon ay nakikinita na niya kung ano ang kalalabasan. And when her father's visitor arrived, her heart leaped with excitement. She set up her phone on the door. Siyempre hindi niya palalampasin ang pagkakataong ito. She waited patiently hanggang sa makarinig siya ng mga katok mula sa pinto. Of course, hindi naman siya nag-aalala na mga kasambahay nila ang paroroon dahil mahigpit niyang ibinilin na huwag na huwag gagawi sa kwarto niya at huwag bubuksan ang pinto kung sakali man. Ibinilin din niyang nais niyang ang bisita mismo nila ang susundo sa kaniya sa kwarto. So it was him. Takot lang ng mga ito sa kaniya at sa mga gagawin niya kung sakali. Inayos niya ang pagkakaupo sa kama at nakita ang unti-unting paggalaw ng seradura ng pinto. Ilang saglit pa ay tuluyan na itong bumukas kasabay nang pagbagsak ng kaniyang nilutong recipe para dito. Napatakip siya ng kaniyang bibig upang supilin ang tawang gustong umalpas mula rito. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito maging ang pagtataka nito sa kung ano ang bumagsak sa ulo nito. Maging kung papaano nito inamoy ang putik na bumagsak sa ka katawan nito. Para itong baboy na naligo sa putikan. "What the hell!" malakas na wika nito sa kaniya. Kasabay niyon ang unti-unting pagka-realize nito sa nangyari. Doon na niya hindi napigilan ang sarili at malakas na napatawa sa itsura nito. Halos maluha-luha siya habang sapo-sapo ang tiyan sa kakatawa. Naaamoy rin niya ang masangsang na amoy ng putik pero mas umepekto sa kaniya ang itusra nitong hindi maintindihan. Tinapunan siya nito ng masamang tingin ngunit dedma lamang siya at prenteng naupo sa ibabaw ng kaniyang kama. Matalim ang tinging ipinukol sa kaniya ng lalaki at akmang maglalakad ito patungo sa kaniyang direksiyon nang bumungad ang kaniyang gulat na gulat na ama. "What happened to you?" gulat na tanong ng kaniyang daddy sa bisita nito. Pagkatapos niyon ay lumipad ang tingin nito sa kaniya na simuklian lamang niya ng pagkatamis-tamis na ngiti at nakakalokong ngisi. Napapikit ang kaniyang daddy. Malalim din ang buntong-hiningang pinakawalan nito habang palipat-lipat ang tingin sa kaniya at sa bisita nito. "Let's head towards my room, De Mevius," wika nito sa bisita nito. Naunang lumabas ang bisita nito kasama ang isang kasambahay. And when it was just her and her father ay basang-basa niya ang galit nito. "This is it, Zaria. Prepare your things and move out of this house," malamig na wika ng kaniyang daddy. And now, here she was under Carter Anthony De Mevius' lair.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD