Itinaas ni Carter ang kanang kamay upang ipantakip sa kaniyang mukha pagkababa niya ng eroplano. The rays of the sun were killing his eyes kaya naman ay mabilis ang kaniyang pagbaba at tinungo ang sasakyang nakaparada roon. He took a private plane para lamang makauwi galing sa trabaho. He was a soldier at kakagaling lamang niya sa isang misyon at dahil buwis-buhay iyon ay humingi siya ng mahaba-habang bakasyon sa kaniyang mga superior. Luckily, they agreed and here he was on his way to his brother's lair. His brother, Draven, was a law enforcer at dadayuhin niya ito ngayon dahil day-off nito. He wanted to surprise their parents kaya imbes na sa bahay mismo nila ay paparoon siya kay Draven.
"Zup, Bro?! Kumusta ang buhay?" bungad sa kaniya ng kapatid pagkababa niya ng sasakyan. The two of them gave each other a tight hug. They were close with one another and he was his idol kaya sumunod ito sa yapak niya. Ayaw rin sana niya dahil buwis-buhay ang napili nitong propesyon but he knew how it felt to long for it kaya todo suporta na lamang siya sa kapatid.
"Sa awa ng Diyos buhay pa naman," sagot niya rito. "How's work?"
"Tiring pero okay naman. Buhay pa rin," sagot nito sa kaniya.
Natawa silang pareho sa sagot ng kapatid. Because of their line of work, swerte talaga kapag buhay pa sila. And that's what their mother feared of. Ang nanay kasi nila ay hindi sang-ayon sa pagsunod nila sa yapak ng kanilang ama.
He, Carter Anthony De Mevius, was a captain in the military while his brother, Draven De Mevius was a senior police officer. Both of them were serving the country even if life was at stake. Ayos lang naman sa kanilang dalawa iyon dahil iyon naman talaga ang pangarap nilang dalawa kahit na sobrang tutol ang kanilang ina sa propesyong pinili nila. Labis-labis ang pag-iyak ng kaniyang ina noong ianunsiyo niya ang pagiging sundalo at dumoble iyon nang ianunsiyo rin ng kaniyang nakababatang kapatid na papasok din ito sa akademya para maging pulis. Kaya naman ngayong umuwi siya at nasa bakasyon ay panigurado ang tuwa nito lalo na at kasama niya ang kapatid sa pag-uwi.
"Take the other room. Feel free to stay. May lalakarin lang akong importante," wika sa kaniya ng kapatid.
"Ano babae?" tanong niya na ikinatawa nito.
"Parehas tayo ng likaw ng bituka. Hindi na kailangang sabihin iyan," sagot naman nito na ikinailing niya.
Nang makaalis ang kapatid ay ipinahinga niya ang katawan. Mailap ang salitang pahinga sa kaniya kaya habang nasa bakasyon siya ay susulitin niya ito.
THE following day ay sinurpresa nga niya ang mga magulang na tuwang-tuwa pagkakita sa kaniya, sa kanilang dalawa ni Draven. Instant fiesta tuloy ang nangyari sa kanilang tahanan dahil sa pagdating nila ng kapatid kahit na sila-sila lang naman ang naroroon.
"Hijo, it's good to see you back," bati ng kaniyang ama. They shared a tight hug. "How long is your vacation?"
"I took a year of leave, Papa," sagot niya sa ama na ikinatango naman nito.
"Plan of getting married?"
Natawa siya sa tanong ng ama. Why would he marry kung wala nga siyang nobya? Wala rin naman siyang seryosong karelasyon so that's impossible unless ngayong bakasyon niya ay may mahanap siyang karapat-dapat na pagbigyan niya ng kaniyang pangalan. But then he wasn't planning that right now. Ang gusto lang niya ngayong bakasyon niya ay ang magliwaliw, enjoy his vacation dahil baka pagbalik niya sa trabaho ay mawala na siya. That's possible too dahil sa uri ng kaniyang trabaho.
He and his father talked about his work hanggang sa sumali na rin sa usapan si Draven. Their father, you can see it in his eyes, that he was proud of what they achieved in life. Pangarap kasi talaga nitong sumunod sila sa yapak nito and it came true. When their mother joined the three of them, drama came as well.
AS what he planned to do with his vacation, nagliwaliw nga siya. He visited his friends, played with them, went bar hopping with them. Ganoon ang routine niya sa halos buong linggo simula nang nakauwi siya. Right now, he was planning to visit one of his closest friend, Brandon Monteverde. Nakasama niya ito sa pag-aaral and now he was a special agent of FBI. Nalaman kasi niyang nakabakasyon din ito kasama ng isa pa nilang kaibigan na si Francis Elijah Calderon. Their meeting place was Demon's, a bar owned by Loui Salvatore na kaibigang matalik nina Brandon at Francis.
"De Mevius!" tawag ni Brandon sa kaniya. Kasama na nito si Francis at ang ilang kaibigan ng mga ito. Wala naman kaso sa kaniya iyon dahil halos magkakakilala na rin naman silang lahat at nakapagpalagayan ng loob.
"Monteverde, how's life?" tanong niya. Binati rin niya ang iba pang naroroon na busy rin sa kani-kanilang usapan.
"I heard you took a year of leave. Mabuti at pinayagan ka?" turan ng kaibigang si Brandon.
"Sa hirap ng huling naging misyon ko, I deserve to have this long vacation. But you know, I'm getting bored of this. I am starting to regret filing that long," reklamo niya.
Natawa naman si Brandon sa kaniya maging si Francis na nakikinig sa usapan nila.
"By the way, if you're bored then this is a perfect timing. Clementio, General Clementio?" Brandon started.
"What about him?" may pagtatakang tanong niya sa kaibigan.
"He was asking about you when we saw each other just days ago. He heard you're on leave and knowing I am your friend, he asked me to asked you if you want to train his daughter," wika ni Brandon sa kaniya.
"Daughter?" Tumango ito sa kaniya. Ang buong pagkakaalam niya ay lalaki ang anak ng heneral. Hindi niya alam na may anak pala itong babae.
"What's with me?"
"Gago!" mura sa kaniya ni Francis. "Knowing your reputation, how upright and strict you are... hindi mo pa ba gets iyon?"
"Gago, alam ko," mura din niya sa kaibigan. "Pero sa dami ng kakilala noon ay bakit ako pa ang napili?" Damn parang tunog pag-ibig lang. He cursed himself because of that.
"Just meet him tomorrow. I'll give you his address," wika ni Brandon sa kaniya.
"Isa ka pa," Francis blurted out. "Itanong mo muna kung gusto niya."
"Gago! Bored nga 'di ba? Malamang intresado iyan," sagot naman nito.
Napailing na lamang siya sa bangayan ng dalawa, maging ang mga kasama nila ay ganoon din. Sometimes, he envied this friendship they have with each other. Wala kasi siyang ganoong klaseng pagkakaibigan at mga kaibigan. He was lucky to be part of them kahit sa ganitong paraan lamang. He was too focused on his work, doing his work that he neglected that he also has a social life. Mabuti na lamang at kahit ganoon ay aktibo pa rin ang kaniyang s*x life. With his good looks and family background, no one could resist his charms.
The next morning, being bored, he went to see General Clementio in his home. At mukhang inaasahan nga siya nito.
"Capt. De Mevius," turan nito nang makita siya.
"It's good to see you, General Clementio," bati naman niya rito. "What can I do for you?"
Iginiya siya ng matandang heneral sa study nito at doon sila nag-usap patungkol sa pakay niya at sa nais nitong mangyari.
"I know Brandon told you about my daughter," panimula nito.
"He just mentioned that you asked to train her. Hindi ko alam na may anak pala kayong babae," wika niya.
"I have a boy and a girl. And you know our work kaya hindi ako ganoong nagkukwento patungkol sa pamilya ko. Enemies are everywhere." Napatango siya sa sinabi nito dahil totoo naman iyon.
"And what about her, Sir?"
"My daughter was very mischievous. She's twenty-six already at ni wala siyang alam gawin sa buhay aside from partying and spending my money. She graduated in the academy with flying colors pero nang makalabas doon ay wala na itong ginawang maayos at matino. Alam mo itong babae ko ang mas problema ko keysa sa lalaki kong anak. She was too naughty and playful. And she doesn't even want to work. I want Zaria to have a better life and perspective in life but I can't make her do it dahil alam niyang I'll back her up. So I am asking if you could---"
"Babysit her?" putol niya sa heneral.
"If you're willing," sagot naman nito.
Sa totoo lang ay pinag-isipan niyang mabuti ito bago siya nagpasyang sadyain ang heneral. His boredom was killing him kaya naman nagpasya siyang pumayag na lamang. Isa pa ay magbabayad ng malaki ang heneral sa kaniya. He will be paying twice of his monthly salary and he was practical so he grabbed it.
"I will give you full authority on my daughter, Captain," wika nito sa kaniya.
"And if anything happened to her?"
"That would be my responsibility," sagot naman nito sa kaniya. "Malaki na ang anak ko so I do not worry on that, aside from she graduated and was trained. Iyon nga lang ay mukhang nakalimutan na nito ang lahat ng napag-aralan dahil sa pagiging pilya at happy-go-lucky."
"If that's your decision then can I have one condition, Sir," wika niya.
"Go ahead."
"I'll train her at my house. Mag-isa lang ako roon and it would be a good start," mungkahi niya.
"Go ahead. I won't mind. Ipapaayos ko lang ang mga gamit niya." Tinawag nito ang isang kasambahay at ibinilin na ayusin ang mga gamit ni Zaria.
Habang naghihintay ay panaka-naka ang pagmasid niya sa paligid. Wala ang anak nito. He wondered kung gaano katagal siyang maghihintay para makaalis na sila gayong ni anino ng dalaga ay hindi niya nakita.
"So where's your daughter, Sir. Hindi ko yata siya nakikita," saas niya.
"She's just somewhere. Alam kasi niya ang plano kong ito but she doesn't know who you are. Paniguradong nagmamasid lamang iyon sa ating dalawa or maybe she was trying to think of a plan to escape from me or from you," sagot nito sa kaniya.
Mukhang ganoon nga ang senaryo dahil wala ang dalaga. Sapantaha niya ay gumagawa nga ito ng paraan para makatakas sa kaniya.
"Loling, nasaan si Zaria?" tanong ng heneral sa kasambahay.
"Nasa kwarto, Sir at nag-aayos ng gamit. Pero pwede niyo na raw siyang tulungan para sa mga gamit niya.
"Very well." Tumingin sa kaniya ang heneral. "Sumama ka na lang kay Loling at ikaw na ang sumundo sa anak ko. I'll leave the two of you dahil may tawag pa akong kailangang tapusin. Please be patience with Zaria, Carter. And be careful too," babala nito sa kaniya.
Sumunod siya sa kasambahay upang akyatin at sunduin ang dalagang magiging trabaho niya ngayon. Itinuro nito ang kwarto ng dalaga pagkatapos ay umalis. Siya naman ay pinihit na ang seradura ng kwarto nito pagkatapos ng tatlong katok.
When he opened the door, he was stunned hearing her laughter and seeing himself. Dahil sa pagbukas niya ng pinto nito ay siya namang pagbuhos ng isang balde ng putik sa kaniyang ulo kasama ang buong katawan.
He can see the mud slowly dripping. Malagkit iyon at may amoy pa. Hindi niya alam kung putik lamang ba ito o may halo pang ibang bagay dahil sa mabantot na amoy nito. And that lady? She was sitting on her bed clutching her stomach. Hindi, halos mahiga na ito dahil sa kakatawa nito sa kaniyang itsura. Ikaw ba naman ang mabuhusan ng putik sa ulo at katawan at doon pa lang alam na niya.
Damn! Mukhang sasakit yata ang ulo niya sa magandang dalagang nasa harapn niya.