"f**k!" malutong na mura ni Carter nang mabalitaan niya mula sa kaniyang kasambahay ang nangyari kay Zaria.
The lady was shot in front of his house. Sa mismong bahay pa niya iyon na mas lalong nagpapakulo ng kaniyang dugo. Sinasanto talaga siya ng kung sino mang iyon na nagawa pa talaga nitong gawin ang bagay na iyon, ang pagbaril sa dalaga, sa teritoryo niya.
Hindi na lingid sa kaniya ang threat na nakapaligid sa dalaga dahil na rin sa ama nito. Her father was one of the most unwanted personnel in the service dahil sa dami ng mga naipakulong nitong kriminal at wala itong sinasanto maging ang may mga impluwensiya sa lipunan. He was a principled man kaya na rin marami ang kaaway nito. Isa iyon sa rason kung bakit ginusto nitong ipaubaya ang pagbabantay sa anak nito sa kaniya. Anak nitong magpapaputi yata ng kaniyang mga buhok dahil sa katigasan ng ulo nito at ito na nga ang isa sa mga bunga, ang pagkakabaril nito.
Mabuti na lamang at nasa paligid lamang ang mga kaibigan ng dalaga, na balak pa yata siyang takasan na naman at gumimik na naman habang wala siya, kaya naman ay agad na naisugod ito sa hospital. Sa sapantaha niya ay may nakatunog aa binabalak ng mga ito kaya naman ay tiniyempuhan ang dalaga.
Nang makapasok siya sa ospital ay bumungad sa kaniya ang mga nag-aalalang kaibigan nito na nakaupo sa waiting area sa labas ng emergency room. Naroroon na rin ang ama ng dalaga na agad siyang sinalubong nang makita siya. Saglit silang nag-usap bago lumabas ang doctor na tumingin rito.
"She needed an operation para matanggal ang bala sa kaniyang tagiliran," imporma nito sa kanila. Agad namang nagbigay ng pahintulot ang heneral at muling bumalik ang doctor upang masimulan na ang pagtanggal sa bala sa katawan ng dalaga.
Habang naghihintay, na animo'y walang hanggan na, ay pareho silang abala ng heneral sa pagtunton sa kung sino ang may gawa niyon sa dalaga. Bakas sa mukha ng heneral ang pag-aalala sa nag-iisang babaeng anak nito, sa paborito nito. Wala ka ring maaaninag na anumang emosyon sa mukha. Ni walang pag-aalala ngunit alam na alam niya na sa loob nito ay labis-labis iyon. At hindi man bakas sa mukha nito ang galit ay naaaninag naman iyon sa mga mata ng heneral. Animo'y kikitil ito ng buhay at ng buhay. Makikita rin iyon sa kung papaano nito hawakan nang nakapahigpit ang hawak nitong aparato.
"I'll be leaving now, De Mevius. Hindi ko na mahintay ang resulta ng operasyon ni Zaria but keep me updated. May lalakarin lamang ako kaya ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Take good care of her, hijo. Hindi ko palalampasin ang pagsalisi nila sa iyo sa susunod. Mananagot ka na." Puno iyon ng diin. Nagbabanta at naiintindihan niya iyon. Maging siya, kung siya ang nasa kalagayan nito ay baka mas masahol pa ang gawin niya.
"I'll update you, Sir." Tanging iyon lamang ang naging sagot niya rito bago ito tumango at umalis kasama ang driver nito.
Matiyaga niyang naghintay si Carter hanggang sa maideklarang nasa maayos nang kalagayan ang dalaga. Naitawag na rin niya ito sa ama nitong labis ang tuwa, kahit na bakas sa tinig nito ang hindi pa ring humahupang galit dahil sa nangyari sa anak. Pinaayos na rin niya ang lahat nang kinakailangan niyo habang nasa ospital ito at nagpapagaling.
Prenteng nakaupo si Carter sa sofa habang nakatingin sa naturulog na dalaga. She was like an angel, a sleeping angel. Yes, sleeping dahil kapag gising ito ay nagiging kampon na ito ni Satanas sa kamalditahan at kalokohan. No wonder na sinukuan ito ng ama nito sa pagdidisiplina dahil mas mataas ang tayog nito keysa sa ama. And alam din niyang hindi rin makakahindi ang heneral sa lahat ng gusto ng anak.
Still looking at the woman, napakaganda nga naman nito. She was an eye catcher, attention catcher. Noong una nga niya itong masilayan ay medyo napatulala pa siya kahit na sabihing nakabitin siya ng patiwarik. The way she laughed her heart out, clutching her stomach while looking at him, it was refreshing. Sa ganda ba naman ng mukha nito, the eyes surrounded but her thick lashes, the aristrocrat nose of her that shows her authority and pride and those luscious lips, soft luscious lips that kept on tempting him, nakakawala ng katinuan kung minsan.
Minsan? Minsan nga lang ba? Most of the time to be exact kaya naman halos ayaw niyang naglalapit dito. He kept his distance dahil baka imbes na maproteksiyonan niya ito ay siya pa ang idemanda ng heneral ng harrassment. At muntik-muntikan na niyang gawin iyon lalo noong sabihin nitong hindi siya nito type. Sobrang nasugatan ang ego niya sa sinabi nito. How come? He was one of the sought-after bachelors in town. Women would die for his body at sinabi lamang nitong hindi siya nito type at mas magaganda ang katawan ng mga ito keysa sa kaniya. Gusto niya tuloy hunting-in ang mga lalaking sinasabi nito at malamang ay isa na si Loui Salvatore sa sinasabi nito dahil hindi lingid sa kaniya ang pagtatangi nito sa kaibigan. Yaman lamang at may nobya na ito at ikakasal na rin. Bawas na ito sa mga lalaking ipapa-salvage niya.
Wait? Ipapa-salvage? Ganoon na ba katindi ang sakit ng ego niya at naisip niya iyon? Ipiniling niya ang ulo dahil sa tumatakbo sa kaniyang isipan. It wasn't good. Hindi iyon maganda dahil iyon yata ang unang beses na nag-isip siya ng ganoon at dahil lamang sa sinabi ng isang babae. He was thinking of that matter dahil sa uri ng trabaho niya but it was work related and not like this.
He leaned backward on the sofa. Biglang napagod ang utak niya sa tinakbo ng isipan niya. Muli niyang sinulyapan ang dalagang nakahimbing. Hindi. Hindi na pala ito nakahimbing dahil pakurap-kurap na ang mga mata nito dahipan para dagli siyang napatayo at tinungo ang kinaroroonan nito. Pinagmasdan niya ang dalagang nakamasid lamang din sa kaniya. Nakakunot ang noo nito.
"How do you feel?" tanong niya rito. Ibinuka lamang nito ang bibig ngunit walang tinig na lumabas sa mga labi nito. "Let's wait for the doctor," dagdag niya at pinindot ang button para rito.
Hindi rin naman natinag ang dalaga at mataman lamang siya nitong tinitingnan. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito dahil blanko lamang itong nakatingin sa kaniya. Doon niya nakumpirma ang pagkakahawig nito sa heneral na ganoon din ang reaksiyon most of time lalo na nitong-nito lamang. He thought she would be a dangerous woman if she'll follow her father's lead at may kaunting galak ang kaniyang puso dahil sa kaisipang iyon. A badass woman was a catch afterall.
Ilang minuto lamang ang lumipas ay nagsidatingan na ang doctor at nurses na tumitingin sa dalaga. They checked on her at maayos naman ang resulta ng mga ito. Matapos masiguro ang kaligtasan ng dalaga ay nagpaalam siya rito upang ihatid ang balita sa ama nitong naghihintay ng update tungkol sa kalagayan ng anak at muling bumalik sa kinaroroonan ng dalaga ay may kausap na ito sa cellphone. Nagtataka tuloy siya kung saan nito nakuha ang cellphone gayong wala ng tao sa loob ng inuokupang kwarto nito. Seryoso rin ang mukha nito habang nagsasalita sa malumanay ngunit madiing tono. Sapantaha niya ay ang ama nito ang kausap nito sa cellphone ngunit hindi siya sigurado dahil kakakausap lamang niya ito.
Nang matapos ay basta na lamang nito inihagis ang cellphone sa paanan nito kamuntik-muntikan pang bumagsak sa sahig kung hindi lamang niya natakbo at nasalo. Tinapunan lamang siya ng tingin ng dalaga at pumikit bago ibinagsak ang ulo nito sa unan.
"Did you find him?" tanong nito sa kaniya. Nakapikit pa rin ang mga mata nito ngunit nagtatangis ang baga nito.
Nang wala itong makuhang sagot sa kaniya pagkalipas ng ilang sandali ay iminulat nito ang mga mata at lumipad ang tingin sa kaniya. Kumikislap ang apoy sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya at naghihintay ng sagot.
"You haven't found him." Inalis nito ang tingin sa kaniya at muling napapikit.
"We're taking care of it," sagot na lamang niya rito. Maging siya ay disappointed din sa tagal nang kawalang resulta sa paghahanap kung sino ang may gawa nito sa dalaga. "I'm sure your father was-"
"Would be disappointed if he couldn't find him himself," putol nito sa kaniyang sasabihin. "Don't bother looking for him. Enzo took care of it already."
Napakunot ang noo niya sa sinabi ng dalaga. Ano ang ibig nitong sabihin? Na nahanap na ng kung sinong Enzo ang may gawa sa dalaga? Yes, iyon nga ang nais nitong sabihin. Malamang ay ang taong iyon ang kausap nito sa cellphone kanina. Sino ito? Alam ba ito ng heneral? Ngunit bago niya maisatinig ang mga katanungang iyon ay muling nagsalita ang dalaga.
"Help me out here. Puputok na ang pantog ko," utos nito sa kaniya. Lumabas na naman ang pagiging bossy nito na hindi niya masyadong nagugustuhan ngunit wala siyang magagawa dahil may sugat ito.
Kaya naman ay dali-dali siyang lumapit dito at inalalayan ito pababa ng kama nito. Ngunit mukhang mali yata ang pagtulong niya rito dahil pagtanggal niya sa nakatakip na kumot dito ay lumantad ang mapuputi at makikinis nitong hita. Hindi lamang iyon dahil nakalantad din sa paningin niya ang maselang bahagi nito na natatakpan lamang ng maliit na panloob nitong kulay pink na, lace pa.
"Eyes up or else dudukutin ko iyang mga mata mo at isisiksik ko sa loob nang mas ma-enjoy nila," madiing wika ng dalaga sa kaniya.
Bigla siyang pinamulahan sa sinabi nito. It was a threat na dapat ay katakutan niya but he felt the opposite. He was turned on and that was dangerous on his part so he kept on cursing and cursing himself na hindi niya namalayang nakababa na pala ang dalaga at halos na gitna na patungo sa banyo.
"Go get me a nurse at baka mapatay kita sa oras na ito!" mariing wika ng dalaga. Bakas ang sakit sa mukha nito na pilit nitong tinitiis habang sapo-sapo nito ang tagiliran. "Go!" sigaw nito sa kaniya.
He was hesitant kung susundin ba niya ang sinasabi nito o tutulungan ito. Nang muli niyang ihakbang ang mga paa ay muli na naman siyang sinigawan ng dalaga.
"What's the meaning of this?" parang kulog na tanong ng heneral sa kanila.