"What's the meaning of this?" puno ng pagtatakang tanong ng heneral sa kanilang dalawa.
Palipat-lipat ang tingin ng heneral sa kanilang dalawa ng dalaga. Nakatayo pa rin sa gitna ng kwarto ang dalaga habang sapo-sapo nito ang tagiliran. Blanko ang tingin nito sa kaniya bago lumipat ang tingin sa ama at napailing na lamang pagkatapos ay ipinagpatuloy ang naudlot na paglalakad patungo sa banyo. Halatang nahihirapan ito sa paglalakad ngunit hindi nito alintana iyon. Hindi rin naman ito dinaluhan ng heneral, marahil ay alam din nito ang ugali ng anak. Of course alam nito iyon, alam na alam nito.
Napadako ang tingin niya sa heneral na ngayon ay nakaupo na sa sofa habang kinakalikot ang cellphone nito. Siya naman ay iniwan na lamang nito upang tumawag ng nurse na mag-aasikaso sa sugatang dalaga, a stubborn one. Pagbalik niya sa loob ng kwarto ay wala pa rin ito roon. Ang heneral naman ay abala pa rin hanggang sa tumayo na ito at tinungo ang pinto.
"Ikaw na ang bahala sa kaniya. May aasikasuhin lamang ako," paalam nito sa kaniya.
He was wondering kung nagkausap na ba ang dalawa dahil sa ilang minutong pag-alis niya at pagbalik sa kwarto, at umalis na rin ito agad. He sighed. Naiwan na naman sa kaniya ang anak nitong hindi niya maintindihan. Pasalamat na lang talaga nito ay may sugat ito dahil kung hindi ay baka nasakal na niya ito o kaya ay naibitin nang patiwarik kagaya ng ginawa nito sa kaniya.
And speaking of the devil, palabas na ito ng banyo kasama ng nurse. Maayos naman ang mukha nito, mood nito dahil nakangiti ito habang kausap ang nurse. Nang maihatid ito sa higaan ay bumalik na naman ang blanko nitong itsura. Nakatingin lamang ito sa kawalan na animo'y singlalim ng dagat ang iniisip nito. Hundi niya masisid sa lalim.
"Where's Dad?" tanong nito sa kaniya. Napadako ang mga mata nito sa kaniya.
Doon na rin niya nakumpirma na hindi nag-usap ang mag-ama. So ano ang ginawa ng heneral? That was a question even he couldn't answer. Hindi rin masagot ng dalaga dahil maging ito ay nagtatanong din. Kung bakit ba naman kasi wala man lang pasabi ang heneral o bilin man lang sana para sa dalaga.
He was about to speak when his phone rang and it was him.
"May I talk to my daughter?" tanong ng heneral sa kanilang linya. Napadako ang tingin niya sa dalaga na mukhang alam na kung sino ang kausap niya.
He went to Zaria's side and handed the phone. Seryoso ang mukha nito habang kausap ang ama. Wala rin siyang makuhang matinong usapan ng dalawa dahil panay 'oo, hindi, okay' lang naman ang naririnig niya rito and it ended just like that. Nang maibalik sa kaniya ng dalaga ang cellphone ay umayos na ito ng pagkakahiga at ipinikit ang mga mata.
He wanted to ask what they talked about but he shut his mouth at basta na lamang bumalik sa sofa kung saan ay isinandal niya ang katawan na animo'y pagod na pagod at ipinikit ang mga mata.
Ilang minuto lamang ang nakakalipas nang may mga doctor at nurse na pumasok sa loob ng kwarto at pinagkakaabalahang ayusin ang dalaga.
"What are you doing?" nagtatakang tanong niya sa mga ito.
"We were order to discharge her," sagot ng isang doctor sa kaniya.
Lumipad ang tingin niya sa dalaga na tumango lamang. So iyon ang usapan ng dalawa kanina. He sighed. Then he went towards the lady to help her na ngayon ay wala namang reklamo. Inabot nito ang kamay niya nang alalayan niya ito. Bahagya pa siyang natigilan dahil sa kuryenteng gumapang nang magkadaiti ang kanilang mga palad. Napatingin din sa kaniya ang dalaga ngunit wala rin itong imik bagkus ay mas humigpit pa ang pagkakahawak nito sa kaniyang kamay habang bumababa ito sa hospital bed. Halata niya ang hirap nito lalo na at ang isang kamay nito ay nasa tagiliran sapo-sapo na nito habang ang isa ay nakakapit na sa kaniyang balikat bilang alalay.
The tingling sensations he was feeling was still there lalo at sobrang makadikit ang katawan nila. He can feel the softness of her body lalo na ang bahagi ng umbok nito. Pigil na pigil siya sa sarili lalo na at nararamdaman na niya ang pagkabuhay ng kaniyang alaga. But then seeing her struggling, wala sa sariling ipinulupot niya ang mga braso sa katawan nito at pinangko ito. Naramdaman niya ang pagprotesta nito ngunit hindi na rin naman ito umimik pa lalo na at aminado na rin itong nahihirapan. Sa pagkakadikit ng kaniyang katawan sa malambot na katawan nito ay halos pigil na ang hininga niya. Biglang uminit ang buong kwarto kahit pa nga napakalakas ng air-conditioned nito. Dumagdag pa ang paraan nang pagkakatitig nito sa kaniya habang ang mga braso nito ay nakapulupot sa leeg niya. Sa paraan ng pagkakakapit nito sa kaniya ay iba ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Something unnecessary. Something wild and hot. Pilit niyang iwinawaksi iyon sa kaniyang isipan dahil mali, maling-mali, hanggang sa maibaba niya ito sa wheelchair na naghihintay rito, doon lamang bahagyang kumalma ang kaniyang isipan at katawan.
Ang ilang segundong pagkakadikit ng mga katawan nila ay torture ang hatid sa kaniya lalo na at titig na titig sa kaniya ang dalaga. Did she feel it too? The sparks? The electricity that ran all over his body? Ang mga iyon na ang gumugulo na sa isipan niya hanggang sa makalabas na ang mga ito sa kwarto. He gave out a helpless sigh. Mabuti na lamang at mag-isa na lamang sa loob ng kwarto. Now, he will deal with it everyday, everytime the woman was around. Mukhang kailangan yata niyang manalangin sa mga santo sa lagay na iyon.
Sa kabilang dako ay tahimik si Zaria sa likod ng sasakyan habang hinihintay niya ang mga kasamang umuwi. She rested her head at the back of the chair and looked outside the window. Hindi na niya nagugustuhan ang mga nangyayari sa kaniya habang nasa poder ni De Mevius, lalong-lalo na ang reaksiyon ng kaniyang katawan sa tuwing magkakadikit ang mga balat nila kagaya na lamang kanina. Kung bakit ba naman kasi ganoon na ang reaction niya at hindi niya iyon nagugustuhan. Kailangan na niyang gumawa ng paraan upang makabalik na siya sa kanilang tahanan at isa lamang ang taong maaasahan niya kapag ganitong sitwasyon, si Enzo, ang kaisa-isang taong maaasahan niya sa lahat ng oras. Paniguradong kapag ito ang kumausap sa kaniyang ama ay hindi ito mahihindian ng heneral. Ito na lamang ang oag-asa niya upang hindi lumala ang sitwasyon kinasasadlakan niya ngayon. Isa pa ay paniguradong papayag ito sa pakiusap niya lalo na dahil sa nangyaring pamamaril sa kaniya. Kaya naman kinapa niya ang cellphone na naipuslit niya at dinayal ang numero nito.
Ilang beses ding nag-ring ito bago nito iyon nasagot at para lamang mabungaran ang napakaingay na paligid. Nasa giyera ba ito sa ingay? Ilang minuto niya ring hinintay bago ito mangsalita.
"What's up, Princess? Napatawag ka?" Bahagyang malakas ang tinig nito dahil sa ingay sa paligid.
"I need a favor," sagot niya. Naghintay na naman siya ng ilang minuto sa sagot nito.
"What? Bilisan mo. I'm busy!"
"Hindi nga halatang busy ka. Talk to the General. Take me home. I can't stand being there anymore."
"Sorry, Princess but I can't grant that favor of yours. You take care. Remember the deal you made with the General." Iyon lamang at naputol na ang linya.
Wala sa sariling naibato niya ang hawak na cellphone dahil doon. Dahil sa deal na ginawa niya sa ama.