Heaven Sia's POV Kanina ay napansin kong tila nagtatalo na ang mag-ama sa sulok nitong lobby at may kalayuan sa aming kinaroroonan. Kaya naman walang makirinig kung ano man ang pinag-uusapan nila. Pero ngayon ay mukhang okay na sila ulit dahil nagtatawanan na sila at nagyayakapan. Ano kaya ang napag-usapan nila at pinagtalunan kanina? Hindi kaya tungkol sa akin 'yon? May alam na kaya ang Dad niya tungkol sa pinagdaraanan ko ngayon? "Okay na 'yan, Hon. Galos lang naman ang mga 'yan eh." "No, just to make sure you don't get infected by the germs around." "Tss. I guess you forgot that I'm a Doctor. Eh, halos ibuhos mo na ang lahat ng laman ng betadine sa kapirasong gasgas lang eh." "Nakakainis lang dahil nagasgasan ka. Umuwi na tayo." "Eh, hindi mo naman kasalanan. Mawawala din ang mg