CHAPTER 23 INHERITED TRAITS

1607 Words

"Son, are you alright?" "Dad." Kaagad na sinalubong ng yakap ni Daddy Yanlee si Rhyan pagkarating namin sa lobby ng Delavega Hotel. "Sia, okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" nag-aalala namang tanong sa akin ni Tita Klaire na kaagad ding lumapit sa akin at yumakap. "Okay lang po. Wala naman pong nasaktan sa amin. Kayo po, kumusta po kayo?" Napansin ko ang ilang mga galos sa kanyang mga braso at pisngi. "Mabuti naman at okay kayo," sabi ng isang lalaking nakaalalay sa kanyang tabi. Lumapit din siya sa akin at bahagyang yumakap. Siguro ay ito ang asawa niya. "He's your Uncle Richard," pagpapakilala naman sa kanya ni Tita Klaire. "Kumusta po? Opo, salamat po sa Diyos at kayo rin." "Muntik na rin pero awa ng Diyos, nakalabas kami ng ligtas sa gusali. There was a commotion inside

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD